SIXTEEN

81 4 0
                                    


SIXTEEN

LOVI MARGARET'S POV

Nakaka-enjoy din pala kasama si Japs! Akala ko naman kasi natural na demonic yung ugali niya hindi naman pala (^o^) ang bait bait niya at ang sweet sweet niya magkakasundo kami ng batang yun!

Inihatid ako nung magkuya pauwe...ngayon ay nasa harapan na ko ng maindoor namin at pinipihit ang doorknob para buksan iyon at...

"Saan ka galing? Aber! Anong oras na ah..di ka man lang nagtext..wala ka bang cellphone ha! Lovi! Magsalita ka!" Si Mamsi at nakapameywang pa siya sa tapat ng pinto.

"Mamsi kasi----"

"Alam mo namang mag aalala kami.. hindi mo lang ba naisip yun Lovi?! Sana pinaalam mo naman samin kung saan ka pupunta at kung anong oras ang uwe mo" patuloy niya sa pagsasalita

Ako naman hindi na ko nangatwiran pa alam ko namang mas iingay yang si Mamsi kapag nagsalita pa ako kaya isinara ko na yung pintuan at agad na dinampian ng halik si Mamsi sa pisnge "Good night,Mamsi aakyat na po ako magpahinga na kayo.."

"Mabuti pa nga't magpahinga ka na..ikaw talagang bata ka!"

Napailing na lang ako at agad na pumanhik paitaas at dumiretso ako sa silid ko.Nang makapasok na ako ay bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong tinignan.

"Unknown caller?" Mahina kong nasabi "Sino naman kaya toh?.. Naku baka emergency!" Dali-dali ko ng in-accept yung tawag.

'Thankgod buti sinagot mo!' Bungad agad nung unknown caller

"Ha?..May i know who's speaking?"
'Ako toh.. Si Hansel..'

"Hansel?! Paano mo nalaman contact number ko?" Napaupo ako sa kama ko
'Later na question..alam mo ba kung saan ang address ng bahay nila Creig?'

Napatayo naman ako ng marinig ko yung tanong niya "Bakit?"
'I said.. later na ang question.. Alam mo ba kung saan siya nakatira?'

"Oo...teka magkasama ba kayo?"
'I-text mo sakin..asap!'
*Toot toot toot!*

"Ha! Ang kapal ng fes babaan ako!" Angal ko.. kahit ayokong i-text sakanya yung address ni Creig ay wala din naman akong magawa kaya tinext ko parin. Ilang oras akong mukhang tangang hinihintay yung tawag niya..

"Teka nga! Bakit ko ba hinihintay yung tawag nung Demon Lord na yun?! Tanga mo talaga Lovi!" Tumayo na ko mula sa pagkakaupo ko sa kama at pumunta sa cabinet upang kumuha ng maisusuot na pang tulog after nun ay pumasok na ko sa banyo at nagsimula nang maligo.

*****

"Whoo! Refreshing...anong oras na ba?" Naglakad ako papunta sa study table habang pinupunasan ang basang buhok ko.

*KRIIINGG!* Cellphone Chimes

Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag 'Unknown Caller' flashing on the the screen of my phone.

"Yung Demon Lord lang toh eh! Tseh! Matapos mo akong babaan tapos tatawag ka! Manigas ka dyan! Di ko sasagutin yang tawag mo!" Dumiretso ako sa make-up table ko at naglagay nang face cream, bin-lower ko narin ang buhok ko upang mabilis na matuyo..nag-apply na rin ako ng body lotion bago tuluyang pumunta at humilata sa kama.

"Ugh...! Nakakapagod tong araw na toh! Ang sakit ng katawan ko Hay!" Kinuha ko na yung unan ko at niyakap iyon..nakapikit na ko ng marinig kong tumutunog yung cellphone ko..pero katulad kanina dinedma ko na lang.. pero mukhang ayaw sumuko nitong Demon Lord na toh! Maya't maya na ang pagtawag niya and i Swear! Naiirita na ko! Kaya no choice! Sasagutin ko na yung tawag niya Bwiset!

Inlove With A Mean Guy! (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon