FIFTEEN
CREIG MARIO'S POV
Nabalitaan kong nasa clinic daw si Lovi... Yes..nag aalala ako para sakanya i want to see her if she's ok. Kaya naman nagpasya akong pumunta sa school clinic. I knew na kasama niya si Hansel buti naman at binabantayan siya nang lalaking yun.
Nasa tapat na ko ng clinic hinawakan ko yung doorknob at dahan dahang binuksan iyon upang hindi sila maistorbo.
"Ah! Bakit mo naman binigla? Sana bumilang ka man lang! Ang sakit ah!"
"Ang ingay mo kasi!.. maganda na yung biglaan para isang sakit na lang."
"Te-Teka! Anong gagawin mo?"
"Stay still.."
Halos humigpit naman yung pagkakahawak ko sa doorknob.. What the hell do they think they're doing?! Ang dumi tuloy nang naiisip ko! What if kung ginagawa nila yun?! Creig magisip ka! Anong gagawin ko?! Ang bilis ng pagkabog ng dibdib ko! Heavy breathing lang yung nagagawa ko para akong binuhusan ng malamig na tubig.. blanko yung isipan ko wala talaga akong maisip na gagawin.. ano ba tong nararamdaman ko? Ano bang nangyayari sakin?! Fvck! Kelangan pigilan ko sila! Kailangan pumasok ako wala na kong pakielam kung ano man ang makita ko sa kabila ng pintuang toh!
Kahit kinakabahan ako ay lakas loob na akong pumasok. Halos ma-froze ako sa nadatnan ko magkalapit yung mga mukha nila pero thankful parin ako at yung naiisip ko kanina ay hindi naman pala nila ginagawa..
"Anong ginagawa niyo?"
Halos the flash naman silang naghiwalay at inayos ang mga sarili nila.
"C-Creig!.. uhm..ano.." nauutal na sabi ni Lovi
"Captain.." tumayo si Hansel mula sa pagkakaupo niya "Ang aga naman ng praktis natin sinusundo mo na agad kami?"
"Inform ko lang sana na pwedeng hindi muna um-attend sa praktis si Lovi yun lang ang pinunta ko dito.." i lied
"Pwede bang hindi na rin ako um-attend ng praktis?"
Tinignan ko si Hansel "Um-attend ka.. no buts ok?.. sige mauuna na ko.." tumalikod na ko at hinawakan na yung door knob "Rest well,Lovi" after kong sabihin yun ay dire-diretso na kong lumabas.
I can't understand my feelings.. gusto kong pagulungin sa suntok si Hansel kanina.. nagseselos ba ako? Mahal ko parin ba si Lovi? Why do i care a lot about her!? Nakakainis bakit ba laging kasama ni Lovi si Hansel?! Badtrip!
"Babe..."
Napako agad ang tingin ko sa bumanggit ng salitang 'Babe' badtrip na nga ko... eeksena pa tong babaing toh!.. what a bad day..
Nakatitig lang ako sakanya wala akong balak na kausapin siya... siguro napansin naman niya iyon na ayokong kausapin siya kaya siya na ang bumasag nang katahimikang bumabalot sa pagitan namin.
"Dinalaw mo ba si Lovi?.. kamusta na siya?"
"Chelsea.. bakit hindi mo siya puntahan para malaman mo ang sagot sa tanong mo?" Hahakbang na sana akong muli ng hawakan niya ang wrist ko.
"Babe.. magbati na tayo.. ano bang ginawa ko? Sorry na Babe kung ano man ang nagawa kong mali..Babe..please give me another chance.." pag mamakaawa niya at bakas sa mukha niya ang kalungkutan.
But sorry missy.. playtime is over.. at sawa na ko sayo..
Dahan-dahan kong tinanggal yung kamay niya sa pagkakahawak sa wrist ko "Chelsea.. please don't be like that.. just face it we're through.. hindi ako ang lalaking para sayo.. let's just be friends.." i wear my sweetest smile at agad nang naglakad papalayo sakanya..
BINABASA MO ANG
Inlove With A Mean Guy! (On Going)
Fiksi RemajaFirst love never dies yan ang paniniwala ni Lovi sa sobra niyang pagmamahal kay Creig ay hindi niya na naisip ang sarili niya. Umaasa siya na muli siyang mamahalin ni Creig pero paano kung sa paghihintay niya na mapansin muli ng minamahal ay mayroon...