FOURTEEN

90 4 0
                                    

FOURTEEN

LOVI MARGARET'S POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at kisame ang unang tumambad sa paningin ko. Eksakto namang bumukas ang pintuan at si Mamsi ang iniluwa nun.

"Gising ka na pala.. ang haba ng itinulog mo.." lumapit sakin si Mamsi at agad na hinipo ang noo ko

"Anong...oras na.. po ba?" Yung boses ko halatang bagong gising

"Quarter to eleven na.. kaya mo na bang bumangon?"

Tango lang ang naisagot ko

"May bisita ka nga pala.." at abot-abot tenga naman ang ngiti ni Mamsi

Habang pinipilit kong bumangon ay nag-iisip naman ako kung sino ang bibisita sakin.. si Janine?

Kunot-noo naman akong tumingin kay Mamsi "Sino po?"

*****

Titig na titig ako sa bisitang sinasabi ni Mamsi. Ni kahit sa panaginip hindi ko inaasahan na makakapasok sila dito sa bahay namin. Nakatayo ako sa tapat ng hagdanan at halos magkakasunod na kurap ang ginawa ko hindi kasi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nang itinuro ako ni Mamsi dun sa dalawa ay parang nabato naman ako sa kinakatayuan ko, lalo nang sabay pa nila akong tinignan ang awkward ng moment na toh!

"Kamusta na ang pakiramdam mo Lovi?" Si Jelo ang nagtanong

"Ha?.. ahh.. " napakamot ako sa ulo "M-medyo ok na.." i smiled pero nawala din dahil nang mapansin ko yung tingin sakin ni Dark Lord ay medyo natakot ako.. ang sama niya makatingin!

"Ah.. nakapagluto na ko ng lunch.. sabay-sabay na tayong kumain.." pagyaya ni Mamsi

"Aalis na rin po ako.. salamat na lang po sa pag-alok" si Hansel

"Kumain ka muna!" Aw takte! Bakit ko nasabi yun?! Naloko na

Napatingin sila saking lahat "Uhm.. tikman nyo kung gaano kasarap magluto si Mamsi" pinilit kong ngumiti kahit parang namanhid na ata yung mukha ko sa hiya.

"Sandali lang maiwan ko muna kayo dyan maghahain lang ako.." nginitian ni Mamsi yung dalawa bago ako tinignan at sinenyasang lumapit doon.

Nailing ako.. ayoko ngang lumapit doon.. ang awkward eh..

Nilapitan ako ni Mamsi at hinila papunta sa sofa "Si Lovi muna ang bahala sainyo" ngumiti ulit si Mamsi dun sa dalawa bago tuluyang pumunta sa kusina.

"Ako pang bahala sa kanila may sakit kaya ako" bulong ko

"Uhm.. Lovi may masakit ba sayo?" Tanong ni Jelo

"Mmmm... wala naman---"

"Sa susunod kasi wag mong pinapabayaan ang sarili mo" umeksena naman tong epal na toh

"Alam mo papansin ka.." sabi ni Jelo

"Ano?" Tinignan niyang masama si Jelo "Gusto mong---"

"Tama naman siya Jelo eh.." i interupt "Pinabayaan ko kasi sarili ko kaya ako nagkasakit hehehehe" mukhang magkakainitan pa tong dalawa na toh dito.

"See...i'm right.. sino ngayon ang papansin?" Matalim na tinitigan ulit ni Hansel si Jelo

"Sino ba ang nagtanong?" Pamimilosopo ni Jelo

Jusko! Parang bata tong dalawang toh! Helow! May sakit kaya ako konting respeto naman guys..

"Ikaw..kakatanong mo nga lang oh.." Hansel smirked

"Ganun ba?"

"Oh tignan mo nagtanong ka na naman.."

"Guys!.. teka time-out muna!" Pigil ko sakanila buti naman at kinagat nila "Don't tell me hindi kayo pumasok?" Palitan ko silang tinignan

Inlove With A Mean Guy! (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon