TWENTY FOUR

31 2 0
                                    

TWENTY FOUR

LOVI MARGARET'S POV

Nakahalumbaba ako sa lamesa habang hinihintay uminit yung pagkain ni Demon ay este! Ni Hansel.

"Oy.. wag kang gumanyan malas yan"

Awtomatiko namang napatingin ako sa pintuan ng kusina at nakatayo doon si Hansel. Tumuwid naman ako ng pagkakaupo ko "Oh bakit ka pumunta dito?" Napatayo naman ako mula sa pagkakaupo ko dahil lumakad siya at tumungo sa katapat kong silya at umupo "Dapat hinintay mo na lang ako doon sa room mo"

Napapikit siya "Huwag mo nga kong ituring na parang bata" tinignan niya ko "Ayokong kumain dun sa kwarto gusto ko dito"

"Tsk.. kapag ikaw nabinat humanda ka sa'kin.." pagbabanta ko

"Hindi ako mabibinat.." napansin kong tumingin siya sa ibang direksyon then ibinalik niya muli yung atensyon niya sa'kin "Hindi mo ba i-che-check yang iniinit mo?"

Tumaas naman yung kilay ko "Bakit?"

Suminghot-singhot siya "Amoy sunog"

Lumaki naman yung mata ko "Oh no!" Nagmadali akong pinuntahan yung induction stove at hindi naman nasusunog yun niloloko lang ako ng Demonyo. Medyo nainis ako sa ginawa niya ng nilingon ko siya ay nakangisi siya.

"Joke" he said at tatawa-tawa pa

"Abnormal" Padabog akong umupo sa silya

Tumigil siya sa pagtawa niya at seryoso akong tinignan "Maka-abnormal ka wagas ah"

Inirapan ko siya "Tama bang lokohin mo ko? Kung hindi ka ba naman abnormal"

He exhaled forcely "Ok sige na sige na mali ako.. okay?" Tumayo siya

"Oh san ka pupunta?"

"Ayoko na dito kumain dalhin mo sa kwarto yung pagkain ko" tinalikuran niya na ako

Nagkasalubong naman yung kilay ko "Kala ko ayaw mo kumain dun?"

Hindi na siya sumagot dire-diretso na siyang lumabas sa pintuan.
'Anong problema nun? Galit ba siya? Eh ako yung pinagtripan niya tapos siya pa may ganang magalit ayos ah!'

Ilang minuto ang nakalipas ng maiayos ko na yung kakainin ng Demonyo at dumiretso na ko sa kwarto niya. Naglalaro siya ng rubix cube ng madatnan ko siya at mukhang seryoso siya. Tahimik kong inilapag yung tray sa lamesita at kinuha yung plato.

"Kumain ka na muna oh" lumapit ako sakanya at bigla naman niyang itinigil yung pagrurubix cube niya bigla siyang tumayo at humakbang papalayo sa'kin

Takang-taka naman ako sa kinikilos niya "San ka pupunta?"

Nilingon niya ko "Sa kitchen..doon ako kakain eh"

"Pero sabi mo dito ka----"

"Doon.. " he said at tuluyan na siyang lumabas

Humihigpit naman yung pagkakahawak ko sa plato 'Demonyo talaga! Lagi na lang niya kong pinahihirapan! Bwisit!'

Kahit bwisit na bwisit ako wala din naman akong nagawa at sinundan siya sa kusina bitbit ko yung tray at dahan-dahan itong inilapag sa lamesa. Inayos ko yung pagkakainan niya.

"Hindi ka ba kakain?" He asked

"Ha?.. ahh hindi naman ako nagugutom eh"

Sinimulan niya na ang pagkain habang ako nakatingin lang sakanya.

"Wag mo kong titigan hindi ako makakain ng maayos" he said at hindi niya ko sinusulyapan

"Ang kapal hindi kaya kita tinitignan" ibinaling ko sa iba ang atensyon ko

Inlove With A Mean Guy! (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon