SEVENTEEN

69 3 0
                                    

SEVENTEEN

LOVI MARGARET'S POV

Ang bigat ng pakiramdam ko gising na ang diwa ko ngunit ayoko pang imulat ang mga mata ko kaya pinakiramdaman ko lang yung buong paligid ko. Dahan-Dahan kong kinapa itong kumot na bumabalot sa katawan ko

'Hmmm...? Kailan pa ko gumamit ng ganitong kakapal na kumot? Kwarto ko ba talaga toh?'

Nilawakan ko pa yung pagkapa sa kamang kinahihigaan ko at hindi ko sinasadyang may mahawakan akong kamay. Dahilan yun ng biglaang pagmulat ko sa mga mata ko. Dahan dahan kong tinignan kung kaninong kamay yung nakapa ko.

Lalaki...?

Si....Si Hansel?!

Maingat kong itinukod ang mga siko ko upang mas lalo ko pang makita ang buong mukha ni Hansel.

'Tulog siya...teka kung nandito toh... it means buong gabi kaming magkasama?! Oh my gosh! Kadiri! Baka may nangyari samin!?'

Agad akong umupo at mabilis kong tinignan kung may saplot pako sa aking katawan.

'Phew...hindi naman ako naka-bomba...Ano bang nangyari kagabi?! Isip Lovi isip! Kumain kami tapos nag-talo kami tapos iniwan niya ko tapos binalikan niya ko tapos sumakay ako sa kotse niya tapos...tapos...???? Ano na nangyari? Di ko na matandaan ang blurred na..'

Naikalang ko yung mga kamay ko sa pisnge ko at sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko at isipin ang mga posibleng nangyari kagabi ay natatanaw ko naman ang mala-anghel na mukha ng natutulog na si Hansel. Pramis! Yang itsura niyang yan panalo! Ang pogi niya dyan! Sana lagi na lang siyang tulog para nagmumukha siyang anghel.

Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko napapangiti ako habang tinitignan si Hansel. Medyo lumapit pa ko upang mas malinaw kong makita ang kabuuan ng mukha niya.

Katamtaman yung thick nung eyebrows niya...katamtaman din yung eyelashes niya... ang tangos ng nose niya...yung lips niya ang red... ang sarap niyang titigan..kahit magdamag ko pang tignan tong mukha niya aba'y ayos lang! Basta hindi siya gigising at mangaasar.

Sa sobrang pagkamangha ko sa maamo niyang mukha ay para ba kong mina-magnet papalapit sa mukha niya.

'Ang gwapo mo naman pala eh...Hay...sa totoo lang mas pogi ka pa kay Creig...Ay Nyemas! Mas pogi kaya si Creig ko! Helow!...Sige na nga mas pogi ka na Hansel kapag natutulog lang ha!'

Habang nag-eenjoy na kong titigan tong fes ni Hansel...hindi ko naman akalaing biglang didilat ang impakto! Natameme ako... wala na kong lusot huling huli niya na ko sa aktong tinitignan ko siya! Anong gagawin ko?! Sheeeeeeetttttt! Pinagpapawisan ako ng malamig kahit ramdam kong ang lamig dito sa kwartong toh. Nanigas na yung buong katawan ko sa napaka awkward na moment namin na toh! Nakatingin siya sakin, nakatingin din ako sakanya ang lapit pa ng mukha namin sa isa't isa. Sumisikip yung dibdib ko nahihirapan akong huminga.

Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan yung noo ko "Thankgod your fever's gone.." dire-diretso niyang sinabi with his emotionless facial expression

Tumayo siya sa pagkakatungo niya mula sa kama "Hintayin mo ko" he said tapos siguro lumabas na siya dito sa kwarto kasi narinig ko yung pag bukas at pag sarado ng pintuan.

Ako naman naiwang nakatanga doon hindi parin ako gumagalaw. Nakakapagtaka yung demonyong yun... hindi man lang ako inaway o inasar man lang?... aba't ang ganda ng gising nun ah.

*ALARM CLOCK CHIMES*

"Ay pusang gala!" Napapikit ako sa gulat at agad na nilingon yung punyemas na alarm clock! Agad kong pri-ness iyon upang tumigil kakatunog.

Inlove With A Mean Guy! (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon