THIRTY SIX
LOVI MARGARET'S POV
Halos hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip sa live-in issue na yan! Kaya heto ang eyebag ko nag he-hello na.. Kasalukuyan akong pababa ng makasalubong ko si Coleen.
"Morning" bati niya
"Morning" bati ko
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako ng mabuti
"Teka.. Hindi ka ba nakatulog kagabi?"
I just nodded at napahikab
"Bakit naman aber?"
I poke her forehead "Wag ka ngang chismosa ang aga aga.." Hinawi ko ang kamay niya at patuloy nang bumaba
"Don't tell me nag-away kayo ni kuya Hansel?"
"Of course not..."
"Hmmm..eh bakit ka naman kaya napuyat?"
Hindi ko na siya inintindi dumiretso na ko papuntang kusina. Si Mamsi ang unang nadatnan ko doon naglalagay siya ng mga pinggan sa lamesa.
"Morning Mamsi..tulungan na kita dyan" i offered
"Morning... Mabuti pa nga"
Agad na kong kumilos at inayos ang lamesa si Coleen naman ay naglagay na ng isang pitsel ng tubig bago maupo... Naupos narin ako sa katapat na upuan ni Coleen.
"Girls! Tawagin nyo na ang Papsi ninyo at kakain na tayo" utos ni Mamsi
"Ate tawagin mo na" utos naman nitong Coleen na toh
"Tinawag mo pa kong Ate uutusan mo lang ako.. Ikaw na.."
"Mamsi si Ate ayaw pang tumayo oh" sumbong nitong si Coleen
"Coleen ikaw ng tumawag sa Papsi mo"
Nagbelat ako sa bruha kong kapatid
"Mamsi naman eh!" Reklamo ni Coleen
"Isa! Tumayos ka na dyan at tawagin mo na ang Papsi mo!"
"Ano ba yan!" Kakamot kamot sa ulo ang kapatid ko habang ako nama'y natatawa sakanya.
"Ayan sumbungera kasi..na karma tuloy" mahina kong nasabi
Tumayo ako at tumulong sa pahahain ng mga pagkain habang malapit na kamimg matapos ni Mamsi sa paghain ay eksaktong dating naman nila Papsi at Coleen kaya sabay sabay na kaming naupo.
Nagdasal muna kami bago namin pinagsaluhan ang nasa hapag.
"Alam mo Mamsi yung anak na babae ng boss ko nakipag-live in sa boyfriend...ang bata pa nung babae..kaya ayun yung boss ko problemado na aawa nga ako eh"
Napatigil ako sa pagsubo ko.. Ang aga aga live-in ang paguusapan nila!
"Naku! Nakakaawa naman yung boss mo,Papsi... Baka naman may dinadala na yung babae kaya nakipagtanan na?"
"Ayun ang hindi ko alam..."
"Hindi naman makikipag-live in yun ng walang dahilan"
'Grabe naman 'tong si Mamsi! Kapag nakipag-live in ka it means buntis ka kaagad?! Hindi ba pwedeng sobrang nagmamahalan lang?'
"Masama po bang makipag-live in?" Tanong ni Coleen
'Nice question Coleen!'
"No hindi naman.. Kung nasa right age ka na okay lang pero kung bata ka pa masama talagang makipag-live in" Paliwanag ni Papsi
"Yung mga mag boyfriend at girlfriend lang po ba ang gumagawa nun?" Tanong ulit ni Coleen
"Siyempre naman,Coleen" -Mamsi
"Ahh.." Biglang sumulyap sakin si Coleen
'Masama pakiramdam ko sa tingin niyang yan'
"Eh pano po kung si Ate makikipag-live in papayagan nyo po ba?"
'Bruha ka talagang Coleen ka! Ako pa talagang ginawang example mo'
Tumingin silang lahat sakin kinabahan tuloy ako
"Hindi kami papayag napaka bata pa ng ate mo... Okay lang mag-boyfriend pero makipaglive-in..no,I totally disagree" Papsi said
'Well..now i know kung ano ang isasagot ko sa tanong ni Hansel... Hay buti na lang at napagusapan nila ang topic na 'toh'
"Me too, ayoko pang makipaglive in ang ate mo..malulungkot ako" -Mamsi
"Ano ba naman kayo..hindi naman ako makikipaglive in noh!.." Depensa ko
"Dapat lang" Papsi said then he look at Coleen "Oh Coleen baka ikaw may balak kang makipaglive in ha" tatawa tawa si Papsi
"Panong makikipaglive in yan eh wala ngang nanliligaw dyan" pangaasar ko
"Anong wala? Baka magulat ka kapag nalaman mo kung gano karami ang nangliligaw sakin?" Pagyayabang ni Coleen
"Oh siya tama na yan kumain na tayo..." Yaya ni Mamsi
Ano kayang reaction ni Hansel kapag nalaman niyang hindi na ko papayag sa live in?.. Magalit kaya siya? Magtampo kaya siya sakin? Wala rin naman siyang magagawa kahit magalit at magtampo siya sakin mismong sila Mamsi at Papsi na ang nagsabi ayaw nilang makipaglive in ako.. (-_-)..............
Nakatingin sa malayo si Hansel at ni hindi siya kumikibo nasabi ko na kasi sakanya ang desisyon ko tungkol sa live in issue na yan.
"Baby..." Malambing kong tawag
Kaso siya hindi umiimik
"Baby naman eh..." Bahagya kong niyugyog ang kamay niya "Pansinin mo naman ako...sabihin mo kung galit ka hindi yung ganyan hindi mo na lang ako kikibuin"
He look at me "I'm not mad... I'm just upset" umayos siya ng pagkakaupo niya "You know Baby... Gustong gustong gustong gusto na kita makasama... Kapag umuwe at umalis ako ng bahay ikaw yung makikita ko...alam mo yun?"
"Yun lang pala ang gusto mo eh...di ba may picture naman ako sa'yo?"
He nods
"Eh di yun na lang ang tignan mo... Tignan mo yun bago ka umalis at dumating sa bahay...simple lang ng problema mo ginagawa mo pang komplikado"
"Patawa ka?... Seryoso ko papasadahan mo ko ng ganyan?...Ay ewan ko sayo ayaw na kitang kausapin" pinatay niya na ang makina ng sasakyan at bumaba na
Agad naman din akong bumaba.. Aba siya dire-diretsong naglakad parang wala siyang kasama.. Hay... May toyo na naman siya...
Binilisan ko ang paglalakad ko para mahabol siya.
"Baby!" Tawag ko
Wa siyang pake.. Ni hindi man lang niya ko nilingon(-_-)
Nang eksaktong nasa lobby na ko ay binagalan ko na ang paglalakad ko.. Hahayaan ko na lang muna siyang mapag-isa mamaya magkakabati din naman kami niyan.
BINABASA MO ANG
Inlove With A Mean Guy! (On Going)
Teen FictionFirst love never dies yan ang paniniwala ni Lovi sa sobra niyang pagmamahal kay Creig ay hindi niya na naisip ang sarili niya. Umaasa siya na muli siyang mamahalin ni Creig pero paano kung sa paghihintay niya na mapansin muli ng minamahal ay mayroon...