FOURTY

39 2 0
                                    

FOURTY

LOVI MARGARET'S POV

Ayun ginabi na ko sa paguwe matapos akong maihatid ni Hansel sa bahay ay dumiretso na rin siya ng uwe may pasok kasi bukas. Nang nakita nila Mamsi yung trophy na daladala ko ay agad nila akong tinanong.. hindi ko kasi sinabi sa kanila ang tungkol sa pagsali ko sa muse.. nagulat pa si Coleen ng malaman niya ang dahilan kung bakit ako may trophy but hindi ko na siya in-entertain pa nagpaalam na kong magpapahinga ako dahil sobrang napagod ako sa maghapon na ginawa ko.
Nang nakapasok na ko sa kwarto ay inilapag ko ang trophy sa ibabaw ng make up table ko.. habang tinitignan ko ang reflection ko sa salamin ay nakapa ng kamay ko ang isang box kaya naman kinuha ko yun at...
"Nandito pa pala toh?" Binuksan ko yung maliit ng box at nakapaloob doon yung plastic ring na binigay sakin ni Creig noon "I have to return this to him" i sighed at i-clinose na yung box "Hay..makaligo na nga"

KINABUKSAN:

Maaga akong tumambay sa harapan ng gate namin hinihintay ko kasi si Hansel hindi naman ako excited noh? Maya maya ay narinig ko na ang tunog ng sasakyan ni Hansel. Nang eksaktong huminto ang kotse niya ay awtomatiko namang sumakay ako
"Good morning,Baby" bati ko with smile effect pa yan
"Morning" he said at nakasimangot siya
"Oh? Ang aga aga galit ka.. bakit na naman?"
He sighed and rolled his eyes "Huwag mo ng alamin"
"Kapag sinasabi mo yan lalo akong nagkakainterest.." I smiled "Come on,Tell me"
"Sa company kasi eh.. nagkaroon ng problema" he said at agad ng pinaandar ang sasakyan
"Oh bakit? Anong nangyari?"
"This past few days i didn't have time to check the company..kaya ayun nagkaproblema.."
I worried "Kaya mo namang ayusin yun di ba?"
"Of course,I have to...but don't worry about it Baby hmm" his assurance
I just nod sa totoo lang nagaalala ako para sakanya.. mukhang malaki talaga ang problema niya at nakakainis lang sa part ko wala akong magawa para matulungan siya. Nang nakarating kami sa campus ay napansin namin ang kumpulan ng studyante sa parking area.
"May welga ba?" I just said
"What's the ruckus?" I heard he said
Maingat at maayos niyang ipinarada ang sasakyan bago kami bumaba. Naglakad siya papunta sakin at agad akong inakbayan at halos nadala ako sa paglalakad niya. Habang papalayo kami ng papalayo doon sa parking area ay nakita naming papasok sa school entrance si Kino at Janine...
"Lovi!!" Si Janine yan at kumakaway pa siya
I just smiled on her
"Nakita niyo na yung nakapost sa school page?" Janine added
"Hindi pa..anong meron?" I asked out of my curiosity
"Yang Baby mo... star na naman.. mukhang madadagdagan na naman ang popularity poll niya " Janine giggled
Nanlaki ang mga mata ko of course i'm so happy for my Baby kasi sa tutuusin lang siya talaga yung pinakamaraming naambag sa laro nila kahapon.
"Psh.. that's it? I'm used to it..at kahit hindi naman ako ang i-feature ng school page mataas parin ang popularity poll ko"
I saw Janine's eyes rolled at si Kino naman nakipag bro-fist sa Pinsan niya.
"Come on,Honey mukhang may paparating na bagyo ang lakas ng hangin eh" hinawakan ni Janine si Kino at hinila niya na iyon papasok sa loob.
Kami namang dalawa ni Hansel natawa lang "Ang aga aga ang init ng dugo sakin ng babaing yun.." Hansel said at sumunod din kaming pumasok sa school lounge.
"Baby baka naman pinaglilihian ka"
"Bakit ako? Hindi naman ako ang boyfriend niya"
"Baby ganun talaga yun.. hindi mo mapipili ang paglilihian mo..hindi naman siya ang may gusto nun eh yung baby niya"
"So.. galit sakin yung baby nila?"
Natawa ako "Of course not.. alam ko kapag napaglilihian ang isang tao.. isa lang ang possibilities niyan.. may chance na maging kaugali or kahawig mo yung bata"
"Eh di sobrang gwapo ng magiging anak nila"
"Oo na lang.." pagsang ayon ko sakanya
Kahit kailan talaga tong Hansel na toh nag-aangat ng bangko.. Well hinatid niya na ko sa classroom ko at ng makapasok ako sa loob ay pinaguusapan nilang lahat ang tungkol sa laro kahapon and take note pati ang pagkapanalo ko sa muse contest na yun..
Sa buong maghapon ay halos lahat ng makakapansin sakin ay lagi akong binabati.. puro 'Congratulations' para atang virus yung pagkapanalo ko sa pagiging muse.. piling ko artista na ko.. ganito pala ang feeling pag kilala ka sa buong campus.. nakaka-excite at ang lakas magpa-boost ng confidence.
Nakatulala ako at yung utak ko lumilipad sa kawalan.. ng bigla akong ginulat ng magaling kong Mahal!
"Ano ba!" Nahampas ko siya sa balika niya
Tatawa-tawa siya habang umupo siya sa tabi ko "Ang cute mo talaga,Baby pag nagagalit... ba't ka ba nakatulala ha?"
"Wala.. masama na bang matulala ngayon?"
"Yes..kung walang dahilan" he said at masama ko siyang tinignan "Unless.. kung may problema ka" he pinched my nose
"Ahhh!.." Agad kong hinapos ang ilong ko "Wala akong problema.. talagang natulala lang ako"
"Okay.." Isinandal niya ang likuran niya sa bench "Uwi tayo ng maaga ngayon"
I look at him. Wow himala nagyayayang umuwe ng maaga..
"Aayusin ko pa yung issues sa company.." Naihilamos niya ang kamay niya sa mukha niya "Hayyyy... bakit hindi ko ba tinanggap yung deal na yun"
I touch his hair "Gusto mo bang dun muna ko sa unit? Tutulungan kita"
I saw his smile "Thank you,Baby but ayoko.. kapag nandun ka baka hindi ako makapag-focus sa gagawin ko.." he looked at me "Baka iba ang magawa ko"
I hit his shoulder "Ah!.. what?!" Reklamo niya
"Siraulo ka talaga!"
"Ikaw madalas na yang pananakit mo sakin ah.. nagiging violent ka na kapag ako hindi nakapagtimpi..."
"Ano?"
"Hahalikan kita..."
"Tigilan mo ko Hansel.. magpraktis ka na nga dun" tinutulak ko siya
"Oo na!" Agad siyang tumayo at naglakad papunta sa inside court.
Hay.. kawawa naman ang Baby ko.. stress na nga sa school stress pa sa kumpanya nila...Napaka multi-tasker kasi pagsabayin ba naman ang pag-aaral,Basketball at pagtratrabaho eh di yan mamroblema ka ngayon!
Nang eksaktong natapos ang game practice nila ay agad na kaming dumiretso ni Hansel sa sasakyan niya upang umuwe na. Halos paliparin niya na yung sasakyan niya sa bilis niyang magpatakbo..buti di toh nahuhuling over speeding.. Well ng maihatid niya na ko sa bahay ng safe and sound ay dumiretso na rin siya ng uwe.
I hope matapos ni Hansel ang gagawin niya ngayon at ma-solve niya yung problem sa company nila.. May laro pa naman sila bukas...sana maging okay siya para hindi maapektuhan ang magiging performance niya for tomorrow.

Inlove With A Mean Guy! (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon