THREE
After class ay nagprisinta si Jelo na ihatid muli ako tutal wala naman silang basketball practice ngayon. Kasalukuyan na kaming nakasakay sa sasakyan niya.
"Uhmm,Lovi.."-Jelo
"Hmm?"
"Pwede ba kitang yayaing mag date?"
Awtomatiko namang napalingon ako sakanya "Huh?"
He smiled 'Ok fine ang ganda niya ngumiti.. nakaka-inlove pero sorry di eepekto ang charm mo sakin Jelo dahil faithful ako kay Creig my loves ko!'
"I want to date you on Saturday..ok lang ba?"
'Ok lang naman sigurong makipag date ako kay Jelo tutal mabait naman siya sakin eh.. iisipin ko na lang na friendly date lang yun'
"Ok.. friendly date"
"Huh? Friendly date? No hindi! It's a date Lovi.. hindi ba nililigawan kita.."
"Ok sige.. date na kung date.." i agreed
Smile lang yung iginanti niya sakin.
Hanggang sa tinatahak namin yung daang papuntang house ay si Jelo lang ang malimit na nagkwe-kwento. Nakakatuwa din palang kasama siya hindi mo ma-fee-feel ang boredome kung ano ano ang shin-ne-share niya tungkol sa pet niyang si Spotty, sa family member niya, at sa mga tropa niya. Ok medyo nakikilala ko na siya.. di naman pala siya katulad ng ugali ni Creig na mean mabait siya. Oh baka naman kasi mabait siya dahil nagpapabango siya sakin?
"Uhm..Jelo salamat nga pala sa paghatid at pag share sakin nung mga kwinento mo"
"Wala yun.. ikaw pa malakas ka sakin eh" he smiled
"Baliw! Malakas ang payat ko nga eh pano akong naging malakas sayo? Adik toh.." i giggled
Tumawa siya "Hoo! That's why i like you.. napapatawa mo ko sa simpleng joke mo.."
Kumunot naman yung noo ko "Joke? Hindi naman joke yung sinabi ko eh"
"Ok..ok.." *deep breathe* "Basta sa Saturday ah! Fixed na yun (^.^)"
"Oo" bumaba na ako sa sasakyan niya "Uy! Ingat Jelo ah.." i waved at him
"Geh! Kitakits na lang bukas sa school" he waved back at me
"Sige!" Isinara ko nang tuluyan yung pintuan ng sasakyan.
Hinintay ko munang makaalis siya bago ako tuluyang pumasok sa bahay.
"Sino yun?" Mamsi asked
Napatingin naman ako kay Mamsi "Sino?"
"Yung naghatid sa'yo"-Mamsi
"Ate's manliligaw.." sabat ni Coleen
Nagulat naman si Mamsi sa narinig mula kay Coleen "Alam ba ni Creig?"
'Oo alam din ni Mamsi ang past namin ni Creig at halos botong-boto silang lahat kay Creig, Pero siyempre hindi ko sinabi yung about sa relationship namin ni Creig kung paano kami naghiwalay dahil sa kagagawan ni Creig ayoko naman kasing pag isipan siya ng masama nila Mamsi. Ang alam ni Mamsi nag cool off lang kaming dalawa dahil kailangan naming mag-focus sa studies namin'"Opo Mamsi alam ni Kuya Creig na may nanliligaw sakanya kaso deadma lang kay Kuya Creig yun ang sabi ni Ate..." sabat na naman ni Coleen
Pinandilatan ko naman si Coleen 'Grabe tong babaing toh! I-chismis ba daw ako? Traydor! Di na ulit ako mag-kwe-kwento sa'yo!'
BINABASA MO ANG
Inlove With A Mean Guy! (On Going)
Teen FictionFirst love never dies yan ang paniniwala ni Lovi sa sobra niyang pagmamahal kay Creig ay hindi niya na naisip ang sarili niya. Umaasa siya na muli siyang mamahalin ni Creig pero paano kung sa paghihintay niya na mapansin muli ng minamahal ay mayroon...