FORTY FOUR
Nakasimangot si Lovi habang nakaupo sa hospital bed.
"Oh bakit ganyan mukha mo?" Tanong ni Hansel
Napabuntong hininga si Lovi ng sinagot niya si Hansel "Yung O.B naman kasi biglang lumabas kung kailan malalaman na natin yung gender ng Baby natin.. Pinapa-excite pa ko"
Napangiti si Hansel dahil sa kinikilos ni Lovi "Huwag ka na mainis dyan.. sige ka pag na ultrasound si Baby nakasimangot yun.."
"Ewan ko sa'yo.."
Limang Buwan na ang nakalipas at ngayon na ang oras para malaman nila ang kasarian ng kanilang magiging anak.
"Oh.. I'm sorry for the inconvenience... I had to take that phone call.. Anyways are you both ready to know what's the gender of your Baby?" Masayang sinabi ng doktora
"Yes Doc.. We we're so excited!" Todo ngiti pa si Hansel
"Well then... Miss Lovi can you lay down we're going to start now" utos ng doktora
Agad na humiga si Lovi
"Okay first i have to put this gel.." agad na inilagay ng doktora ang ultrasound gel sa tyan ni Lovi
Matapos lagyan ng gel ay sinimulan na ang pag-u-ultrasound."Oh my Gosh! Is that the heartbeat of my Baby?!" Excited na sabi ni Lovi at napahawak sa kamay ni Hansel
"Yes.. look at the monitor that's your Baby" nakangiting sabi ng doktora
Teary-eyed si Lovi habang nakatitig siya sa monitor "Hi Baby.."
Tahimik lang na nakatingin si Hansel mukhang hindi pa siya makapaniwala na nakikita niya na ang Baby niya mula sa maliit na monitor at naririnig niya pa ang heartbeat nito.
"Mukhang medyo shy si Baby.. ayaw niyang ipakita ang gender niya" sabi ng doktora
Lovi giggled "Aw Baby don't be shy.."
"Aba mukhang obedient si Baby kay Mommy.." napahinto ang doktora at tinignang mabuti ang monitor "Oh! It's a Baby Boy.."
"Hi Baby Kei..." bati ni Lovi
"Excited na kaming makita ka Baby Kei.." Masayang nasabi ni Hansel lumapit siya kay Lovi at hinawakan ang kamay nito
Mahigpit ding hinawakan ni Lovi ang kamay ni Hansel at maluha-luhang pinagmasdan ang monitor.
Hindi mapaliwanag ng dalawa ang nararamdaman nila.. ganoon pala ang pakiramdam ng magulang..
Mabilis na natapos ang appointment nila sa oby kaya naman nagpasya na ang dalawang umuwi na't ibahagi ang magandang balita sa pamilya ni Lovi.
LOVI MARGARET'S POV
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa pintuan namin ay si Coleen lang ang nakita ko na nakaupo sa sofa.
"Si Mamsi?" Tanong ko kaagad habang pinapatong ko ang sling bag sa lamesita
Lumingon siya sakin "Nag Grocery..kamusta ang pamangkin ko?" Naka smile siya
Napangiti rin ako "It's a boy,Coleen"
Nanlaki ang mga mata niya at agad lumapit sakin "Oh my Gosh! Hello Keito" hinaplos niya ang tummy ko "Excited na si Tita na makita ka"
"Coleen may pagkain ba tayo?" Tanong ko nagugutom na kasi ako hindi na kami kumain ni Hansel sa labas dahil excited nakong ibalita sakanila ang tungkol kay Keito.
"Ahh.. Oo nagluto na si Mamsi"
"Hay salamat" Sinundan ko si Coleen papuntang kusina "Hansel tara dito" yaya ko kay Hansel
BINABASA MO ANG
Inlove With A Mean Guy! (On Going)
Fiksi RemajaFirst love never dies yan ang paniniwala ni Lovi sa sobra niyang pagmamahal kay Creig ay hindi niya na naisip ang sarili niya. Umaasa siya na muli siyang mamahalin ni Creig pero paano kung sa paghihintay niya na mapansin muli ng minamahal ay mayroon...