TEN
LOVI MARGARET'S POV
School time was over at papunta na ako ng school court practice kasi ng basketball team ng campus. Pero teka yung polo hindi ko pa naisosoli dun sa masungit na lalaking iyon hindi ko kasi siya makita eh.. nasaan na kaya yun?
"Lovi!"
Si Janine at nagmamadali siyang maglakad papunta sa akin.
"Papunta ka ng court?"
I nodded "Sabay na tayo?"
She just smiled at me tapos sabay na kaming naglakad papalayo doon sa hallway. As we walked hindi mapigilan ni Janine na manahimik, tinatanong niya ko kung bakit hindi daw ako bumalik kaninang lunch? Tapos may ikinukwento siyang pinsan ni Kino, Eh ano namang pakielam ko sa pinsan ni Kino.. wala akong pake dun kaya ayan daldal siya ng daldal hindi naman ako nakikinig.
"Nakikinig ka ba?"-Janine
"Ha?.. ah oo naman noh..." faked smile
"Ok.. tapos ganto yung nangyari...." patuloy niya ulit sa kwento niya
Ilang minuto din yung itinagal ng lakad namin bago kami nakarating sa court at ganoon din yung pagdaldal niya kahit hindi naman talaga ako nakikinig.
Agad kaming pumasok doon sa loob at katulad ng dati dun kami ulit sa bench ng mga players nanonood. Nagsimula na pala kanina pa yung praktis nila nahuli na pala kami ni Janine.
Isang oras na lang ang itatagal ng praktis nila kaya puspusan na ang paglalaro nila.
Ito namang si Janine kinalabit ako at may itinuturo siya banda malapit doon sa bench mismo nila Creig. Kaya ako naman tong tingin agad siyempre curious ako sa kung ano ang itinuturo ng babaing toh.
Nang makita ko kung sino ang ititnuturo niya ay halos mapasigaw ako ng 'Ikaw!' Pero siyempre napigilan ko kaagad yun kakahiya eh (^_^)
"Ayun yung sinasabi ko sayong pinsan ni Kino.."-Janine
Nakatingin lang ako dun sa lalaking nakaupo tapos naka de-kuatro pa, siyang siya nga yang masungit na lalaki kanina.
"Oh titig na titig ka? Na gwa-gwapuhan ka noh?" Janine teased me
Tinignan ko naman kaagad siya "Hindi noh.. pamilyar lang yung mukha niya.. teka sandali" bigla akong tumayo sa kinauupuan namin ni Janine naramdaman ko pang hinawakan ni Janine yung kamay ko pero dinedma ko na lang gusto ko kasi makausap yung lalaking yun at nang sa ganoon maibalik ko na rin sakanya yung polo niya.
Lakad, lakad, lakad, lakad, lakad ,stop! Halos nasa likuran niya na ako pero hindi niya ko napapansin malamang busing-busy sa kapapanood ng laro. Hindi ko sinasadyang madaanan ng paningin ko si Janine na nakaupo parin doon sa upuan namin at may kung ano siyang sinesenyas sa akin.
"A.NONG GI.NA.GA.WA MO?" Mouthing niya
Agad ko din naman siyang sinagot ng mouthing "MAY.RO.ON A.KONG I.SO.SO.LI SA.KAN.YA!" itinuturo ko tong nasa harapan ko
"WAG KANG SU.MI.GAW! BA.KA MA.RI.NIG KA NYA!" Patuloy parin siya sa pag mouthing but this time may hand gestures na
"HIN.DI A.KO SU.MI.SI.GAW! BA.KA I.KAW!" Pin-ni-point ko siya
Nagtataka naman ako kay Janine dahil hindi na siya nag ma-mouthing, turo lang siya ng turo sakin.
"A.NO BA? BA.KIT BA?"
Tumigil na siya sa pagtuturo at nag act normal na para bang walang nangyari.
Ako naman takang-taka kung bakit biglang ibinalik ni Janine yung atensyon niya doon sa game.
BINABASA MO ANG
Inlove With A Mean Guy! (On Going)
Teen FictionFirst love never dies yan ang paniniwala ni Lovi sa sobra niyang pagmamahal kay Creig ay hindi niya na naisip ang sarili niya. Umaasa siya na muli siyang mamahalin ni Creig pero paano kung sa paghihintay niya na mapansin muli ng minamahal ay mayroon...