TWENTY

77 3 0
                                    

TWENTY

LOVI MARGARET'S POV

Ang sarap talaga matulog! Nag-unat muna ako bago dahan dahang umupo mula sa pagkakahiga ko. Ang weird ng panaginip ko pumunta dito si Hansel kagabi tapos gusto niyang mag panggap akong girlfriend niya for one week pero ako naman tong tanga pumayag dun sa panaginip ko! Phew! Buti na lang at panaginip lang yun maloloka talaga ako kung naging tunay yun! Parang bangungot!
'Hay! Makaligo na nga at papasok pa ko'

Inayos ko na muna yung susuotin kong uniporme bago tuluyang naligo.
'Bakit pakiramdam ko parang totoo yung panaginip kong iyon? ganun talaga siguro pag binabangungot parang nagiging totoo..'

Several minutes yung tinagal ko sa banyo ng makalabas na ko ay ang mapang asar kong kapatid ang nadatnan kong nakaupo sa kama ko.

"Oh bakit?" Tanong ko sakanya

"Wala..masama bang nandito ako?"

I nodded at dumiretso sa make-up table ko, kinuha ko yung face cream at agad nag-apply nun sa mukha.

"Baka may gusto ka sa aking i-chika?" She said at nakangiti siyang nakakaloko

Tinignan ko naman siya mula sa salamin "Ano naman ang i-chi-chika ko sayo?" Magkasalubong yung kilay ko

"Yung about dun sa kagabi?" Tumayo siya at lumapit sa 'kin

"Anong kagabi?"

"Sus..kunyaring di alam" she rolled her eyes

"Ay! Oo naalala ko na! May sasabihin nga pala ako sa'yo!"

Nag-sparkling naman yung mata niya "Ano yun?! Excited na ko!" Nag-clap pa siya

"Alam mo...." lumingon ako sakanya "Mas mabuti kung lumabas ka muna para makapag bihis ako!" Tinuro ko sakanya yung pintuan "Labas!"

She pouted "K.J naman.." padabog siyang naglakad palabas sa pintuan.

Lumingon muli ako sa salamin "Tsk! Napaka-chismosa talaga ang aga aga"

After kong maglagay ng mga beauty regimè ay agad na kong nagbihis ng pamasok ko. Bumalik akong muli sa make-up table ko at tinitigan ang litrato ng Fiancè ko.

"Good morning, Fiancè! Ginaganahan na kong pumasok simula ng naghiwalay kayo ni Chelsea impakta! (>o<) sana hindi na talaga kayo magkabalikan for life!" Nag-flying kiss muna ako sa picture niya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Habang pababa ako sa hagdanan piling ko may mali,may kakaiba..bakit ang tahimik naman ng paligid? Walang maingay na Coleen at Mamsi na sumasalubong sa'kin pababa. Hanggang sa tuluyan na kong nakababa sa hagdanan ay tahimik parin kaya agad ko ng tinungo yung kusina and guess what kung sino ang kausap nung tatlo?

"Ay nandito na pala siya! Halika dito Lovi at umupo ka na dito sa tabi ni Hansel" -Mamsi

Oo! Tama ang nabasa nyo ang Demonyo..Ang aga naman niyang maghasik na lagim!

Parang napako naman ako sa kinakatayuan ko..hindi ko expected na papapasukin nila yang si Hansel at take note! Nag-aalmusal na siya! Lumelevel-up na!

"Boss! Upo ka na dito" Yung demonyo at tinuturo niya yung vacant seat sa tabi niya.
'Boss? Ako? Luh! Masamang hangin siguro nalanghap nito'

"Ate umupo ka na! Dali!" Si Coleen at nakangisi siya

Hindi parin ako gumagalaw sa kinakatayuan ko ayoko talagang tumabi dun kay Hansel! Ayaw!

"Si Boss talaga gusto alalayan ko pang umupo eh" Si Hansel at aakma na siyang tatayo

Ngunit naglakad na agad ako papunta sakanila kaya muli siyang naupo. Nang makaupo na ko nakikita ko yung tuwang tuwang mukha ni Coleen ang sarap batuhin ng plato eh!

Inlove With A Mean Guy! (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon