Stage 4

2K 69 52
                                    

Stage  4

"Naiinis ako sa head ng cheerleading! Ang init ng ulo sa 'kin palibhasa nanligawan sa 'kin dati 'yong boyfriend niya!" Reklamo ni Eura.

Ngayon lang ulit kami nagkasama nang matagal kaya ngayon lang din ito nakapagkuwento. She is also busy with their own club. The second week of August are for club recruiting. And you must be a member of a club before the first semester ended. Malaking hatak din sa grades 'yon

Next month naman ang Olympics kaya ang mga varsity players naman ang magiging busy sa mga susunod na linggo ng August. I am more excited on this since we won't have classes for two weeks.

Nakinig lang ako sa mga rant ni Eura tungkol sa pagbabago ng club nila at sa mga kasama niya sa cheerleading squad. Excuse kami sa afternoon class dahil sa club, lalo na ako na kailangang mag-ayos ng auditorium para bukas.

Pagod kong tiningnan ang stage. The day before the audition, Dhanna suggested that we should put some design on the stage to make it look welcoming since the club is only about to open.

I am not good at arts, that's why I don't know if I did great or what.

"I brought some food and drinks!" Napatingin kami kay Ma'am Romero na nay hawak na nga pagkain.

I sighed, I don't feel like eating. Wala akong appetite 'pag pagod ako. Kaya no'ng lumapit ako ay inumin lang ang kinuha ko.

"You won't eat, Aster?"

"I'm not hungry, Miss."

I'm thankful that I am having my own peace. Walang away, and I am doing my job well. I am also putting a distance between myself and the other club members. Wala namang ibang rason. Mas maganda na rin para mas tahimik ang buhay ko.

After the break, we continued our work. Kaunting design lang naman ang nilagay pero dahil malaki ang stage, naging hassle pa rin sa amin.

Pati ang long table para sa judges ay inayos namin.

Kanina ko pa nararamdaman ang matang sumusunod sa bawat galaw ko kaya wala sa sarili akong napaangat ang tingin. 

His blue orbs are watching me while his long fingers are tapping on the table. Nakaupo ito mismo sa long table at may subong lollipop. Some of the strands of his chestnut hair are falling on his forehead. Hindi gano'n ka wavy ang buhok niya, pero laging magulo. 

Ako ang unang umiwas ng tingin nang mapansin niyang nakatingin din ako pabalik. 

Nang matapos, nagpahinga muna kami sa mismong upuan ng auditorium.

"Sorry for the sudden suggestion but... can you give them a performance tomorrow before the audition? Like a way to lessen the pressure?" Ma'am Romero spoke.

"Ngayon ko lang naisip. At saka, mas maganda na makita nila kayong mag-perform since kayo naman ang mga unang members ng club."

"D-Duet na lang po siguro, Ma'am? Para hindi po kapos sa oras," Dhanna muttered.

I shook my head. "We don't have enough time to practice."

"R-Right!" She looks offended but eventually smiled shyly.

Hindi ko 'yon pinansin at binalik ang atensyon kay Ma'am Romero.

"That's actually right. We don't have enough time to practice. Mag practice na lang kayo nang kaniya-kaniya."

Kaya nang makauwi ay naghanap ako ng kanta na puwedeng kantahin bukas. Since I am tired and I don't have enough time to practice new song, I just chose a Lana del Rey song.

Hapon ang simula ng audition kaya sa auditorium kami kumain ng aming tanghalian.

Hindi pa tapos ang break ay mayroon na agad ibang mga estudyante sa loob ng auditorium.

Will I Know You? (The Lost Souls on Tour: The First Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon