Stage 13

1.6K 54 39
                                    

Stage 13

"Rhys invited me tomorrow for their team's victory party in basketball. Isama raw kita at si Luck," ate said when we arrived at our house. Nakasuot pa siya ng kulay orange na t-shirt habang nangangalikot sa ref namin.

Ibinaba ko ang baso at saka ko ito sinulyapan. "Sure."

Tumaas din ako agad para maligo at magpalit ng damit. Chineck ko muna ang cellphone ko at saka binuksan ang text ni Gave.

Gave:

Just got home. How about you?

Umupo muna ako sa aking kama at saka nagtanggal ng sapatos habang nagtitipa ng irereply sa kaniya.

Me:

jgh. too.

Ipinatong ko ang cellphone sa study table at saka pumasok sa walk-in closet para kumuha ng damit bago dumiretso sa banyo para maligo.

Nagtagal ako sa banyo dahil sa pagbababad ko sa bath tub bago tumayo at nagtuyo ng katawan. I didn't wet my hair so I don't have to dry it. Lumabas ako ng banyonat bumalik sa walk-in closet at saka pumwesto sa harap ng vanity mirror para mag-lotion at mag-spray ng perfume bago ako bumalik sa mismong kuwarto ko para magbukas ng T.V.

Manonood na lang siguro ako ng movie sa Netflix. Kinuha ko ulit ang cellphone sa study table at saka bumalik sa kama para tuluyang mahiga.

Gave:

I miss you already.

Muntikan ko na namang malaglag ang cellphone ko sa aking mukha nang mabasa ko ang text ni Gave.

Nakakainis!

Me:

Ang landi mo!

I bit my lower lip. I tried to avert my attention to the T.V. Naghanap ako ng puwede mapanood na action dahil mas gusto ko 'yon kaysa sa romance. I played an Angelina Jolie movie before I brought back my gaze on my phone.

Gave:

That's not how you are supposed to answer me, your highness. It should be 'I miss you, too.'

Umirap ako.

Me:

I'm watching. Stop bothering me.

Gave:

Anong pinapanood mo?

Me:

Wanted

Gave:

Haven't watched that movie. Just tell me about it later, then. Enjoy watching.

Ngumuso ako habang nakatingin sa huli niyang text. Hindi na ako nag-reply at nanoood na lang ng movie. Pero imbis na manood ako, nakatulog ako at nagtuluy-tuloy na hanggang kinabukasan.

"Hindi naman daw ganon karami ang inimbita ni Rhys. Mostly are his teammates and your club mates," ate mumbled while munching. "Kaya sumama ka na, Luck. I'm sure your band mates are there."

Luck sighed heavily. He gazes at us coldly before shrugging his shoulders. "I'll try."

Ngumiwi ako habang tinatanggal ang pasas sa tinapay.

"Akin na nga, Aster," kinuha ni ate ang mga pasas sa aking pinggan gamit ang kaniyang kutsara.

"You eat grapes, right? Raisins are dry grapes, Aster."

"I know, I eat raisins. I just don't like it with any other food like bread or chocolates. It doesn't taste good."

"It tastes good for me," ate shrugged.

Will I Know You? (The Lost Souls on Tour: The First Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon