Stage 30

1.5K 40 41
                                    

Stage 30

"Paladesisyon, huh, Isota? Edi ikaw ang sumama sa kanila sa promotion!" Inis kong sabi kay Isota habang nasa loob ng  elevator. Ngising-ngisi naman ito sa akin habang pinapanood akong halos bumuga ng apoy sa harap niya. 

"At sino namang ka-lunch date mo, aber?" She asked not even responding to what I said earlier. 

Nagtiim-bagang ako habang umiiwas ng tingin. 

"Hmm... So, wala? Affected much ka pa rin, ah?"

Inis ko itong sinamaan ng tingin. Hindi naman sa ganoon! I just don't like the way Dhanna looks at me as if she's declaring victory over me! Naiinis ako! Hindi ko binitawan ang mayroon kami ni Gave noon para lang mapunta sa kaniya. 

Mariin akong pumikit. Pero ito na, sila na. Ano pa bang magagawa ko? 

It's so irritating when the fact that I have to bear being with them for like weeks of working with that band! Obvious naman na laging bibisita si Dhanna sa studio para puntahan si Gave. And Gave, I understand his grudges about me. Hindi ko naman masisisi na galit siya sa akin pero inaasahan ko pa rin na hindi ganoon lalo na ngayong may Dhanna na siya. 

But still, I think I need to apologize to him. 'Yon pa naman ang pinaka ayaw niya, ang iniiwan siya nang walang paalam. Ta's 'yon ang ginawa ko, it's not unexpected that he's dissatisfied while I'm around.

"Sabagay. Kung ganoon ba naman ka-hot ang ex ko, hindi ko pa rin maiiwasan na pagnasahan siya. Kaya lang may girlfriend na, e. Better luck next time."

"Manahimik ka Isota o sasalpakan ko ng heels 'yang bunganga mo," inis kong sabi rito. 

Pagkasakay namin sa kotse, muling tumawag ang fiancee ni Isota sa kaniya na siya naman ikinalalim ng simangot ko. Her giggles are so annoying. Parang ang sarap itulak palabas ng kotse, e!

"Manong, puwede ka po bang dumaan sa Jollibee?" I mumbled. 

Balak kong dumiretso sa condo ni ate para sana bisitahin ang pamangkin ko. I miss eating fast foods so I chose Jollibee to bring. Wala naman dito ang dietitian ko kaya okay ako ang masusunod sa cheat day ko. 

Nag-drive thru kami sa Jollibee. I ordered two buckets of eight pieces of chicken joy, some spaghettis and burgers, I also ordered some sundae for Gael and peach mango pie. Nag-order na rin ako ng pagkain para sa driver at sa bodyguards ko para makakain na rin sila habang naghihintay sa akin mamaya. 

"Gusto ko ng fries," Isota said. 

Umirap ako. "Edi um-order ka. Ikaw na rin ang magbayad," inis kong sambit. 

"Hala siya, oh. Galit na galit."

Pinagdiskitahan ko ang fries na in-order ni Isota habang nasa biyahe. Ang ending, ako pa rin ang nagbayad. 

Dumating kami sa tapat ng building ng condo ni ate. Habang tinatahak ang daan pababa sa parking lot, hindi ko maiwasang mapaisip kung dito na lang ba ako kukuha ng sariling condo o kaya sa building nila Luck. 

Maganda rin naman ang condo dito, kaya lang mas secured sa building nila Luck dahil doon halos mga nakatira ang mga sikat na music artists at artista.

Well, alangan nga namang sa hotel ako buong stay ko rito sa Pilipinas. Hindi naman talaga mura ang isang gabi sa hotel na 'yon. 

Tinulungan kami ng isang bodyguard ko na dalhin ang pagkain pataas. Nagsuot ako ng mask at itim na cap pati na rin ang sunglasses ko para hindi ako makilala ng tao habang papunta sa room ni ate. 

Si Isota ulit ang nakipag-usap sa receptionist bago kami sumakay sa elevator para tumaas. 

Pagbukas pa lang ng elevator ay nakaabang na ulit si ate katulad noong unang punta ko. This time, Gael is with her. 

Will I Know You? (The Lost Souls on Tour: The First Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon