Stage 15
"Una na ako, Eura," hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at agad na rin na tumayo para lumabas. I was anxious when I glanced at the side of the door and instantly stride away.
Hindi naman sa umaasa ako na maghintay si Gave sa may pinto na lagi niyang ginagawa kapag dadalhan ako ng pagkain. It's just my anxiety reacted.
Bumaba agad ako ng building namin at saka dumiretso sa kabilang bulding para puntahan ang English Club. I'm just hoping that they will still accept me.
Binuksan ko agad ang pinto nang makarating at bumungad agad sa akin sina Kelly at Rochelle na dati ko pa kasama sa club na 'to. They were reading something when their heads lifted up to gaze at my way. Bahagyang nanlaki ang mata nila ngunit agad din akong binati.
"Aster! Napadalaw ka?" Kelly stood up from sitting. Madalas silang tumambay rito lalo na kapag break time. Kelly is the president of the club while Rochelle is the vice. And I was the former secretary so I got closed with them even though they are one year ahead of me.
"Okay lang ba na bumalik sa club niyo?"
Rochelle blinked her eyes before she glanced at Kelly who is now smiling sweetly at me. "Okay lang! Fortunately, available pa rin ang position mo sa club."
Tuluyan na akong pumasok sa loob ng room. "Pero puwede ba kitang tanungin kung bakit? I mean, no offense, ah. E, 'di ba kasama mo 'yong boyfriend mo sa club niyo? Ba't ka lilipat ulit?" Takang tanong ni Rochelle.
Kumunot bigla ang noo ko sa sinabi nito. "Sinong boyfriend? Wala naman akong boyfriend?"
"Si Gave!"
My mouth went ajar while staring at Rochelle who is also looking at me with so much curiosity.
"He's not my boyfriend. Kaibigan ko lang siya."
"Hay nako, Aster. 'Wag mo na itago sa amin. Si Theo naman 'yong crush ko sa banda kaya okay lang 'yan."
Umiling ako. "I'm not hiding anything. Walang kami."
Parehas nagtataka ang tingin sa akin ng dalawa. "Talaga? E, bali-balita nga sa campus 'yong pagdadala ni Gave sa 'yo ng pagkain tuwing break, e! Ta's no'ng olympics pa, siya lagi mong kasama nang two weeks!" Kelly beamed. Tumango rin agad si Rochelle.
"Nag-break ba kayo?"
Umiwas ako ng tingin. "Hindi kami. Kaibigan ko lang siya."
"I doubt that."
Umalis din ako agad ng club pagkaayos ni Kelly ng listahan dahil hindi na nila ako tinigilan sa kakatanong.
Imbis na dumiretso sa cafeteria para bumili ng makakain ay sa library ako dumiretso.
Tahimik ang library nang makapasok ako. Hindi gaano karami ang estudyante rito at saka masungit ang nagbabantay kaya mapapaalis ka talaga kapag nag-ingay ka.
Silence helps me calm. Not that I am still in a state of bursting out. Kailangan ko lang talaga magpunta sa mga bagay na mapapakalma ako lalo na ngayon na alam kong sa sariling hindi ako okay.
Inikot ko ang library at naghanap ng puwedeng mabasa. Hindi ako mahilig magbasa, pero sususbukan ko kaysa naman maupo lang ako rito at magmukhang tanga na nakatunganga.
Pero sa paghahanap pa lang ng libro, naubos na agad ang pasensya ko. Bukod sa mga academic books, puro romance naman ang genre sa fiction section. Kinuha ko na lang ang isang dark fantasy book na siguro ay may romance pa rin. Well, at least there's an action scene, I guess?
I sighed while staring at the first line of the first page of the book. I can't even comprehend it. Well, maybe reading is really not for me. Hindi ko naman dala ang cellphone ko at hindi ko pa rin kinukuha kay ate 'yong bag ko.
BINABASA MO ANG
Will I Know You? (The Lost Souls on Tour: The First Tour)
RomanceThe Lost Souls on Tour: The First Tour Reed Gustave Argyros was born with an embodiment of rock and roll, and music running in his veins. He believes that his passion for music is the sole thing that only matters to him after his mother died. Yet, w...