Stage 18

1.7K 42 48
                                    

Stage 18

"Melendez, Santos, Gallego, Roxas, Llamado. Magsama-sama na agad at pag-usapan ang kung sino ang leader at ang mga topic proposal niyo. Gano'n din, write two or three short sentences to explain the importance of the topic you chose then present it next week."

Sa dami-dami ng puwede kong maka-group, si Baron pa talaga, huh?

At ang nakakainis pa, bakit ngayon lang kami ginroup ng teacher namin? Last November pa nagsimula ang second sem!

Some teachers and their incompetency, ta's sa amin isisisi kung bakit late na ang outputs namin, e, 'di nga sila nagtuturo!

Nagtagpo ang mata namin ni Baron na siya namang nagpa-irap sa akin. I looked at him coldly before I stood up to walk near their chairs and sit on the floor together with my other group mates.

Hangover pa rin ako sa Christmas Break, how I wish I could just live without studying. That would be better.

"Ikaw raw leader, Aster..."

I raised an eyebrow when my other groupmate spoke.

"Bakit ako?"

"A-Ano, makakahingi k-ka kasi ng tulong sa ate mo..."

"Ha? So, anong connect?"

Justin looked away. Muli akong umirap bago naupo sa sahig.

"Hi, Aster..."

"Ayaw kong mag-leader," hindi ko pinansin ang pagbati ni Baron.

Yumi nodded her head. "Sige, ako na lang. Pero sa inyo na lang tayo gumawa, Aster. Maliit lang kasi bahay namin."

Nagkibit-balikat na lang ako.

"Galit ka pa rin sa 'kin, Aster? I'm really sorry if I offen-"

"Qualitative tayo, 'di ba?"

"Oo. Isip na kayo ng tig-iisang topic ta's lagyan niyo ng two to three short sentence na nage-explain ng significant ng study na naisip iyo."

I nodded my head before I stood up.

"Aster," Baron held my wrist. My eyebrows met before I glare at him and pull my hand.

"Leave me alone," I said coldly as I strode away to go to my chair to get a paper and a pen.

Hindi na ako bumalik sa puwesto at naupo na lang sa tabi ni Eura para magsulat.

"Ang bobo. Kainis naman talaga! Kung kailan malapit na ang foundation saka tayo is-stress sa lintik na Practical Research! Hindi agad magbibigay, parang kasalanan pa na 'tin na tamad siya!"

"I won't disagree," I murmured.

"Why not report her? This school is not just a fucking school! This is a big university in our country, then there's an incompetent teacher like her?! Nakakasira ng image ng school!"

"Matangaal man 'yan o hindi, walang magbabago na late na tayo sa PR na 'tin. I just don't have enough time to file a petition."

Eura rolled her eyes. "No need. Ako na lang ang magf-file, ta's pumirma ka na lang. She should get what she truly deserves."

I shrugged. "Bahala ka, Euratheia."

I started writing but I stopped when I realized that I don't know what should I write 'cause I don't have any idea! Kailangan pa ang topic namin ay connected sa strand namin. Well, common sense! And since I'm in Humanities, I have to think about social issues in our society.

"Nakatingin si Melendez," bulong ni Eura.

"Hayaan mo nga 'yang gago na 'yan."

Gumalaw ang balikat ni Eura. "Sabi ko naman sa 'yo, babe. May gusto 'yan sa 'yo. Sayang lang, may Gave ka na."

Will I Know You? (The Lost Souls on Tour: The First Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon