Stage 36
"Ang tagal mo naman, Isota," inis kong sabi. Anong oras na kasi! Late na ako nagising, e may trabaho pa ako ngayong araw. Ta's itong si Isota ang bagal-bagal pang kumilos. Ayaw na ayaw ko pa naman ang nale-late.
"'Wag mo sa aking ibuntong 'yang pagiging late mo. Ikaw 'tong puyat nang puyat kakanood, ta's sa akin ka nagagalit?"
I rolled my eyes.
Well, yeah. The main reason why we are late is that I slept late last night. Oh wrong, earlier this morning. Napasarap kasi ang panonood ko sa Netflix. I had no idea Anne with an E was such a great series. It caused me to lose my sense of time.
Kaya lang kasi, nagmamadali na ako ta's itong si Isota naman parang nananadya pa dahil sa bagal ng kilos.
Nakita ko siyang mabagal na naghahalo ng kape habang nakatingin sa kaniyang cellphone. I sighed heavily, trying to control my temper.
"Trending 'yong post mo kagabi."
"Wala akong pake. Maiwan ka na riyan," I said impatiently as I turned my back to leave.
"Hoy!"
Pabagsak kong sinara ang pinto habang nakasimangot ngunit napatigil ako nang may nakita akong nakatayo sa tapat ng unit ko.
"Mornin'," Gave greeted huskily. Nakapamulsa ito habang tamad na nakasandal sa gilid ng pinto ko. "Ang aga naman sumimangot, kamahalan."
My eyebrows met. "Bakit ka nandito? Ba't 'di ka man lang kumatok?"
He shrugged. "I just want to wait for you here. Sabay na tayo pumuntang studio."
I blinked, still confused. "S-Sure..."
Tumayo ito nang maayos at saka sinubukang abutin ang hawak kong bag. "Give me your bag, your highness. I'll carry it for you."
Umiling ako. "No need. Tara na."
"Nah, I wanna carry it."
Wala na akong nagawa nang maagaw ni Gave ang bag ko. He snaked his arms around me after that as we walked towards the elevator.
Kinausap ko muna ang driver pati ang bodyguards bago ako sumakay sa kotse ni Gave. Namula ang pisngi ko nang maalala ang nangyari rito kagabi habang inaayos niya ang seatbelt ko. I smelled an aromatic-woody fragrance on him making me pucker my lips.
"'Di ba may isa ka pang kotse? Ba't 'di 'yon 'yong ginamit mo?"
Pumasada ang dila niya sa ibaba niyang labi bago umayos ng upo para ayusin ang seatbelt niya. Napansin ko ang basa at magulo nitong buhok na para bang daliri lang ang pinangsuklay.
"Mas gusto mo ba 'yon?"
I gulped before I look away. "H-Hindi naman..."
"Hmm... Why? Remember something, your majesty?" Makahulugan niyang tanong.
Napakurap ako at lalong nanginit ang pisngi ko sa sinabi niya. "Wala! Tara na nga! Anong oras na, oh. Late na tayo."
Nanunuya niya akong tinaasan ng kilay bago bahagyang ngumuso habang aliw ang matang nakatingin sa akin. "Sige, sabi mo, e," he chuckled.
Pinaandar niya ang sasakyan habang ako ay nakatingin lang sa bintana. Tiningnan ko sa side mirror ang pagsunod ng sasakyan ng bodyguards.
"Gusto mong kumain?" Tanong ni Gave habang nasa biyahe.
Humarap ako rito bago umiling. "Nope. Kakakain ko pa lang naman."
Prente niyang ginalaw ang gear shift bago bahagyang sumulyap sa akin. "Alright. I'll just buy you food later."
BINABASA MO ANG
Will I Know You? (The Lost Souls on Tour: The First Tour)
RomanceThe Lost Souls on Tour: The First Tour Reed Gustave Argyros was born with an embodiment of rock and roll, and music running in his veins. He believes that his passion for music is the sole thing that only matters to him after his mother died. Yet, w...