Stage 1

3K 70 10
                                    

Stage 1

"Sayang, hindi ako nakasama kagabi. My Mom is not feeling well, e. Hindi na kami nakapunta," nguso ni Eura habang fina-final touch ang drawing niya. Mabuti pa siya tapos na, habang ako ni linya hindi matuwid-tuwid dito. Pambatang bulkan na nga lang ang balak ko'ng gawin, 'di ko pa magawa nang tama.

"It's fine, Eura."

Lumalim ang simangot ko habang nakatingin sa aking dino-drawing. I don't understand why do I have to draw a volcano. Dapat sa subject na 'to, basic knowledge na lang ang itinuturo. Dinaig pa major subject.

"Babe, 'yong pencil, baka maputol."

"Hayaan mo. Marami akong tago sa bag."

"Wow! Sipag mo po."

I sighed again when I felt unsatisfied while looking at my drew line. Kanina ay nilulukot ko lang ang papel. Ngayon, walang habas ko itong pinunot sa inis. "Volcano my fucking ass."

"Ano ba 'yan! Ako na nga ang magd-drawing! Ikaw na lang mag kulay at mag-label!"

Inagaw ni Eura ang papel at lapis sa akin. I let her. Hindi na ako tatanggi at grasya naman ito. And since she can draw, I could trust her with this. Hindi ko masasabi na magaling siya pero maalam naman. Sadyang ako lang 'tong walang alam kahit tuwid na linya o kaya bilog! Nagiging oblong ang bilog ko!

After our Earth and Life Science class, breaktime came. Magkasama kami ni Eura na nagpunta sa cafeteria para bumili ng pagkain. Pagkabili ay dumiretso kami sa tabi ng abandunadong simbahan ng campus. Dito kami madalas tumambay ni Eura. I like how silent and peaceful here. Minsan nga lang ay may kadakilaang kaepalan si Eura at sinasabing may Madre raw rito.

"May kumakaway," Eura pointed inside the church."

"Kawayan mo rin pabalik kung gusto mo," I rolled my eyes.

May dalang libro si Eura. Nagtaka ako roon dahil hindi naman siya madalas nagdadala ng libro kapag recess namin. Minsan lang talaga kapag may quiz. 

"Ano'ng libro 'yan?"

"Oral Comm."

"Huh? Bakit? Anong meron?"

Naiwan sa ere ang kamay niyang may hawak na fries.

"Babe, may recitation tayo. Paulit-ulit pinaalala ni Ma'am Santos. Halatang 'di nakikinig."

Pumikit ako nang mariin bago tumayo. "Wait me here. I'll just get my book."

"Hoy, gaga! 'Wag mo 'kong iwan dito. Baka nga may kumaway sa 'kin!"

"Good for you, then."

Takbo ang ginawa ko papuntang building ng senior high. Jesus, how can I be this dumb.

Hindi ko na masyadong nakita ang daan sa bilis ng aking takbo. Hindi ko pa alam kung ano ba ang topic na kailangang i-review.

"The fuck."

Napatigil ako sa pagtakbo nang may nabunggo ako. Mags-sorry sana ako kaya lang nang humarap ako ay si Gave pala iyon. Bahagyang natapunan ng kape ang coat niya dahil siguro sa pagkakabunggo ko.

"I'll just pay for it," I said coldly.

Tatakbo na sana ako nang maramdaman ko ang malaki nitong kamay na pumulupot sa aking pulso at saka ako hinila. I almost hissed at him but when I saw our distance, I didn't even manage to utter a word right away. 

"I don't need your money. Uso rin humingi ng sorry, kamahalan," inis nitong sabi.

Tinaasan ko ito ng kilay. "Ano bang gusto mo? Dilaan ko pa 'yang coat mo?"

Will I Know You? (The Lost Souls on Tour: The First Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon