Stage 24

1.2K 37 17
                                    

Stage 24

I left. 

I left without anyone knowing it besides my mother. 

Nag-iwan lang ako ng sulat sa ibabaw ng aking kama kung sakali mang hanapin ako ni ate. She is pregnant and I don't want her to stress out about my whereabouts. 

Ramdam ko pa rin ang paninikip ng aking dibdib habang nakaupo sa loob ng eroplano. My tears won't even stop pouring and the pain inside is too heavy to bear. 

"Are you okay, Miss?"

Napaayos ako ng upo dahil sa tanong ng katabi ko. I just nodded my head without saying anything.

Inabot sa akin ng babae ang tissue box niya.

"Here."

Nahihiya ko itong tinanggap. "T-Thank you."

I closed my eyes. I want to rest, to sleep forever. Napapagod na ako sa lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong masama para maranasan ang lahat ng ito. 

Letting go. One of the things that I am good at. Siguro dito ako magaling, ang bitawan ang lahat ng bagay na mayroon ako para sa ibang tao. I used to believe that I was selfish since I constantly chose things that would make me happy. I thought I am too greedy for wanting too much in my life. But now I realize how selfless I am. That I am far too willing to sacrifice what makes me happy for the sake of other people.

Minsan ko na nga lang piliin ang sarili ko. Pero ang ending ito, binibitawan ko pa rin. Kailan naman 'yong ikaw, Aster? Kailan mo uunahin ang sarili mo? 

I cried my heart out inside the plane, intending to leave all of my feelings here and never carry them with me to the new life that awaits me. Tama na ang sakit. Unahin mo na ang sarili mo. Stop being weak and start standing on your own for the sake of yourself. 

Wala na akong balak pang bumalik sa Pilipinas. Mamumuhay na lang ako nang mag-isa rito, malayo sa kanila. I should just stay alone forever, perhaps I will choose myself if I'm only alone. 

Pinunasan ko ang luha nang marinig ang announcement. Umayos ako ng upo upang maghanda sa pag-depart ng eroplano sa Greece. Sa 13 hours na biyahe, hindi man lang ako nakatulog kakaiyak. Ni hindi man lang ako nakakain nang maayos at pakiramdam ko ay naaabala ko pa ang katabi ko. 

Kinuha ko ang aking luggage nang makapag-depart na ang eroplano. Lahat kaming sakay ay mga nakatayo na at naghahanda sa pagbaba. 

Tiningnan ko ang aking cellphone. Pinatay ko ito pagkasakay ko ng eroplano. Hindi ko rin naman ito magagamit dito dahil iba signal ng Greece sa signal ng Pilipinas. Hindi ko tuloy alam kung paano ko mako-contact ang mga pinsan ko na susundo sa akin. 

Bumaba na ako ng eroplano at agad na dumiretso sa checkpoint. Hinanap ko ang gate ko at hinintay doon ang aking luggage bago dumiretso sa waiting area. I roamed my eyes, looking for someone familiar. 

Napahinga ako nang malalim nang makita si Cleon. He is sitting while scrolling through his phone. 

Grabe, makikita nga niya ako.

Nakasimangot akong lumapit at agad na binatukan si Cleon. 

"Ti sto diaolo."

Galit ang mga mata ni Cleon na dumirekta sa akin habang hinihimas ang ulo. Nang makilala ako ay agad na sumimangot.

"What the fuck to you, too, Cleon."

"Tagal mo," he grunted. 

Tumaas ang kilay ko rito. "Wow, mukha ka ngang abala riyan sa cellphone. You didn't even bother looking for me?"

Will I Know You? (The Lost Souls on Tour: The First Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon