KABANATA XXXVII

44 4 6
                                        

                                                       "Dangal at Buhay"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                       "Dangal at Buhay"



Gabi at makapal ang ulap na tumatabing sa malawak na kalangitan, nagbabadya ang ulan at may mga naririnig silang mga kulog sa kalayuan ngunit alam ng siyam na kalalakihan na kung sakali man na uulan sa gabing ito ay hindi sa lugar na kanilang kinaroroonan.

May dalawang linggong byahe pa ang layo mula sa kinaroroonan nila ay mayroong nagaganap na labanan.

"May dalawang linggo na ang tagal nang mga bakas sa paligid ng mga hinihinala kong mga pakay natin." Sabi ni Raweto Kasage, mula sa unang grupo.

"Sa mga bakas na ito ay malaki ang tsansa na tama ka sa sinabi mo." Sagot naman ni Claudio Arkando, mula naman sa ikalawang grupo. "May mga bakas din ng tuyong dugo dito na mahigit sa isang linggo na."


Tahimik naman ang ikatlong grupo na nakikinig lang sa mga kasamahan. Bawat grupo ay kinabibilangan ng tatlong miyembro. Siyam na droog sa isang madalang na pagkakataon ay pinagsama sa iisang misyon.


"Mga droog, huwag sana ninyong mamasamain ang itatanong ko." sabi naman ni Vardal Celis mula sa unang pangkat, habang nakahawak sa kanyang kabayo na naglakad palapit sa ikatlong grupo. "Mukhang hindi pa humihilom ang mga sugat ninyo at sa lagay ninyo ay parang hindi pa ninyo kakayanin ang misyong ito. Sigurado ba kayo na gusto ninyong ipagpatuloy ang misyon na ito kasama namin? Mukhang napalaban kayo ng todo nitong nakaraang misyon ninyo ah."


"Lunix!" sagot ng isa sa pinagtanungan ni Vardal Celis. Napatingin naman ang ibang mga droog nang marinig ang salitang Lunix. "Sorpresang atake, sa lupain ng Glandulas."


"Hindi pa ako napapadpad sa Kaharian ng Glandulas at sa anumang anumang parte na malapit sa lupain na iyan." Sagot naman ni Salner Trics, at tumango rin ang isa pa niyang kasama sa ikalawang pangkat bilang pagsang-ayon na maging ito ay hindi pa rin nakakarating sa lupain ng Glandulas o anumang lupain na karatig ng Kaharian ng Glandulas. "Pero matagal ko na ring naririnig ang tungkol sa mga Lunix na iyan at sa mga pinsalang idinudulot nila sa maraming lupain."


Hindi pa nauubos ang kinakain na inihaw na kamote ay tumayo ang isang droog na may benda pa sa katawan, nakatingin sa kalangitan at marahang itinaas ang kanang braso sa ere. Napahinto naman si Salner Trics na kumakausap sa kanila habang ang iba pang droog ay pansumandaling napalingon din nang mula sa ere ay mabilis na dumapo sa itinaas na braso ng droog ang isang matalim makatitig na kulay kayumangging agila.


Binigyan ito ng pagkain ng droog na may benda sa katawan at saka pinainom ng tubig dahil sa itsura ng agila ay galing ito sa malayong paglipad. Makaraan lang ang limang minuto ay muli na naman lumipad ang agila at ang droog na dinapuan nito ay mabilis na sumampa sa kanyang kabayo kaya ang kasamahan nito na droog na may mga bakas pa ng pasa sa mukha at mga sugat na halos hindi pa lubusang humihilom ay sumunod na rin sa pagsampa sa kanyang kabayo at maging ang isa pang kasama nila sa pangatlong pangkat ng mga droog na si Galves Brun ay sumunod na rin.

(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon