Read Book I - Huling Kasaysayan (Gintong Palay) before reading this Book II.
Matapos mailigtas ni Enarion Berenor si Andrea del Amita ay akala niya ay duon na magtatapos ang hirap, ngunit imbes na kasagutan ay maraming katanungan pa ang naging kapal...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Mga Binhi nang Gintong Palay"
"Alam kong maraming mga katanungan ang matagal mo nang hinahanapan ng kasagutan." Sabi ni Heneral Lucas habang ngayon ay nakaharap na kay Enarion na nangungusap ang mga mata. "Kung kasagutan ang hanap mo ay susubukan kong gawan nang paraan pero kung kapayapaan ng kalooban ang hanap mo ay hindi ko maipapangako na iyan ay kaya kong tugunan."
"Bakit? Bakit mo ako iniwan kay Lolo Belga?" tanong ni Enarion sa malakas na boses ngunit bago matapos ang tanong niya ay maririnig mo na ang paggaralgal sa tono ng kanyang boses. "Anong mas mahalagang bagay pa ang maaaring ipagpalit ng kanyang mga magulang para iwanan ang sariling anak? Anong mas mahalagang bagay pa ang pwedeng idahilan ng isang Ama para iwanan at pabayaan ang anak na lumaking mag-isa????"
"Kung hinihintay mo na sasagutin ko ang mga tanong mo nang mga katagang magpapatakas sa akin sa aking mga kasalanan sa iyo.... Hindi mangyayari iyan." Sagot ni Heneral Lucas. "Hindi ako naging mabuting Ama para sa iyo at wala akong karapatan na humarap sa iyo na nakataas ang noo. Hindi ko isasalba ang aking sarili para matakasan ang maraming taon na pagkukulang at pagkakasala ko sa iyo. Hindi ako mabuting Ama at hindi ako mabuting asawa sa iyong Ina."
"Wala kang karapatan na magdesisyon sa aking kaisipan!" lumuluha sa galit na sabi ni Enarion kay Heneral Lucas. "Ako ang magsasabi kung anong klaseng tao ka at kung anong klaseng tao kayo ng sinasabi mong aking Ina!!!! Ako ang magdedesisyon kung anong klaseng mga magulang kayo na kaya ninyong gawin sa akin ang ginawa ninyo!!!! Naghihintay ako ng paliwanag mo, at ipinapangako ko sa iyo, sa lahat ng mga paghihirap na dinanas ko sa buong buhay ko, simula nang magka-isip ako hanggang sa mga oras na ito na puno ng pighati at poot ang puso ko, ipinapangako ko sa iyo na kaya kong tapusin ang buhay mo sa kinatatayuan mo ngayon.... Magpaliwanag ka!!!!"
"Hindi paliwanag ang kaya kong ibigay sa iyo, Enarion." Sabi ni Heneral Lucas sa batang droog na nakikita niyang nakayuko ang ulo at pinupunasan ang luhang umaagos sa mga mata.
"Huwag!" sigaw muli ni Enarion. "Wala kang karapatan na tawagin ako sa aking pangalan. Hindi kita kilala, at para sa akin ay hindi kita kaano-ano. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito, at alam ko sa sarili ko na hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nangyari ang oras na ito. Ngayon alam ko na, galit ang ang nasa puso ko para sa iyo."
"Hindi ko susubukang palubagin ang iyong kalooban, kung ano ang nararamdaman mo ay makabubuting huwag mong pigilan." Sabi ni Heneral Lucas. "Pero alam kong hindi ka nagpunta dito para lang sabihin mo sa akin ang iyong galit, gusto mong malaman ang katotohanan. Pero gusto kong ipaalam sa iyo na ang gusto mong marinig ay isang mahabang istorya at mangangawit ang paa mo kung papakinggan mo ako na nakatayo ka."
Muling tumalikod si Heneral Lucas kay Enarion at sandali siyang tumingin sa madilim na kalawakan na puno ng mga nagkikislapang mga bituin, ang buwan ay malaki ngunit malamlam ang ibinibigay nitong liwanag, kakaunti ang ulap na kahit sa kadiliman ng gabi ay magagawa mo pa ring maaninag at ang hangin ay may kalamigan. Sa ilalim nang kanyang paningin, kahit hindi siya direktang nakatingin ay mababanaag niya ang maraming ilaw na nagmumula sa mga sulu na gamit ng maraming kawal ng Latre. Sa ganyang paglakataon sa maraming gabi nang kanyang buhay simula nang mangyari sa kanya ang masalimuot na gabi ay palagi siyang hinahabol nang sariwang ala-ala ng mapait na nakalipas hanggang sa kasalukuyan, hindi niya kayang matakasan ang panahon na iyon dahil ito ay nakatanim sa kanyang isipan na bumabaon sa kaibuturan nang kanyang kaluluwa. Ang kanyang isipan at puso ay preso nang kanyang kabiguan.