KABANATA XXIX

48 3 1
                                        

                                (Sibat sa nag-uumpugang Patibong)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                (Sibat sa nag-uumpugang Patibong)


Mula nang gabing tumakas si Skith mula sa lumang muog na pinag-kukutaan nila Enarion ay lubos na siyang nakalayo. At sa bawat daan na kanyang tahakin ay walang buhay na mga Lunix ang naiiwan sa daan, hindi alam kung saan magsisimula pero iisang bagay lang ang tanging nasa isipan. At sa lahat nang pagkakataon ay hindi siya iniwan ni Elisa, maging sa lahat ng labanan ay katuwang ni Skith ang babaeng droog.

"Matagal na kitang pinalaya, bakit hindi ka pa rin umaalis para bumalik sa mga kasamahan mong mga droog?" Kaswal na tanong ni Skith habang naka-upo at naka-titig sa konehong kanyang iniihaw. "Ang susunod na mga laban ay magiging lubhang mapanganib na para sa iyo, dahil sa Antrim ako magtutungo."

"Mas delikadong lugar, mas kailangan mo ako." Ganting kaswal na sagot ni Elisa. "Ako ang gumamot sa iyo nuon at ako pa rin ang gagamot sa iyo sa mga susunod pang mga labanan. Hindi pa ba luto iyan? Nagugutom na ako eh."

Tatlong bayan na rin ang kanilang nalagpasan at malayo pa sila sa kanilang destinasyon, hanggang sa mapahinto na naman sila mula sa ilang araw na pangangabayo. Nasa mapunong lugar sila kaya mabilis silang nakapag-kubli, tanaw nila ang sampung Lunix na nagpa-patrolya sa lugar. Ngunit sa pagkakataong iyon ay pinili ni Skith ang maghintay at magmatyag na taliwas sa kanyang nakagawian dahil ang sampung Lunix ay balewala lang para sa kanya, ngunit kagaya niya ay parehas lang sila ni Elisa na may kakaibang pakiramdam sa pagkakataong ito.

Mayroong iba sa pwesto at galaw ng mga Lunix na ito, at sa kanilang pakiramdam ay mayroong kakaiba sa paligid. Nagpasya silang manatili pa sa kanilang kinakukublian at magpatuloy pa sa ginagawang pagmamatyag.

Tanghaling tapat na at bagama't bumubuhos ang ulan ay hindi naman gaanong madilim ang paligid dahil kalat-kalat ang mga ulap at ang haring araw ay bahagya lamang na natatabingan. Maputik ang lupa na pangkaraniwan lamang sa buong lupain ng Latre at ang mga damo ay pawang mga naka-yukong lahat dahil sa walang humpay na pag-ulan, ang hangin ay normal lamang ngunit mangangatal pa rin ang iyong buong katawan na laging basa tuwing iihip ang hangin.

"Dito ka lang Elisa, titignan ko ang paligid." Utos ni Skith kay Elisa. "Mayroong hindi tama sa mga Lunix na ito."

Umalis si Skith habang nananatili si Elisa na naka-kubli na minamatyagan ang sampung Lunix at nasa isip niya na hindi gawain nang mga Lunix na tumigil sa isang lugar nang matagal na walang ginagawa.

Mabilis na sinuyod ni Skith ang buong paligid at maingat sa bawat hakbang na siya naman niyang katangian bilang isang mahusay na mangangaso na nakasanayan na niya mula pa nuong siya ay bata pa.

Nakita ni Skith ang grupo nang mga bandido na naka-kubli sa mataas na bahagi nang burol na tahimik na minamatyagan ang grupo nang mga Lunix na nakita nila ni Elisa, at sa tantiya niya ay kulang sa isang daan ang dami nang mga bandido. Ngunit hindi pa rin nakuntento si Skith kaya't muli siyang nagpatuloy sa pag-iikot.

(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon