KABANATA XXXVIII

22 4 0
                                    


                                "Labanan sa Putikan ng Puting Uwak"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                "Labanan sa Putikan ng Puting Uwak"



Abala sina Molt at Adeniji sa kanilang kalaban para tulungan pa ang dalawang kabalyero na dehado nang todo laban sa mabangis na halimaw. Ang isa naman sa dalawang taong lobo na kalaban ni Tigdas ay halos gumagapang na dahil sa putol na ang isang paa at laylay na rin ang kaliwang balikat mula sa mga kalmot at matatalim na pangil ni Tigdas, habang ang isa pang halimaw ay may malalalim ding mga sugat pero nasa maganda pang kundisyon para magpatuloy sa paglaban kay Tigdas na naging pula na ang kanina'y puting balahibo, at sa tuwing kikilos si Tigdas ay tumatagas din ang maraming dugo galing sa kanyang katawan na dulot naman ng dalawang taong lobo.

Napatay na nga ang pinuno ng mga taong lobo pero hindi sapat iyon na dahilan para matakot ang mga taong lobo sa kanila, bagkus ay lalo pang tumapang at nagsilbi pa itong gatong upang lalong magdingas ang kanilang pagnanasa na masalanta ang taong bayan ng Puting Uwak at maging ang mga droog na nagbibigay proteksyon sa munting bayan na nakahiga sa malapad na bukana ng karagatan.

Sa mabatong parte ng kapatagan ay nagawang makalapit ni Enarion at sinalo niya ang atake ng halimaw kay Molt gamit ang kanyang apache, habang maagap naman si Adeniji para siya naman ang umatake sa taong lobo, ngunit lahat ng atake ni Adeniji ay pawang naiilagan ng taong lobo. "Molt, kay Ivgen. Bilisan mo droog!" sabi ni Enarion sabay tingin sa direksyon kung saan niya inihiga si Kapitan Ivgen na mabilis namang tinungo ni Molt. Alam niyang kailangan niyang magmadali dahil kahit na may dalawampung dipa ang layo niya sa kinaroroonan ni Kapitan Ivgen ay tiyak niyang nasa panganib ito. Sa pagtakbo niya ay dalawang halimaw naman ang mabilis na nakasunod sa kanyang likuran.

Hindi makatakbo ng diretso si Molt papunta sa kinaroroonan ni Kapitan Ivgen kahit na alam niyang kailangan niyang magmadali dahil kailangan niyang iwasan ang dalawang halimaw na mabilis ding humahabol sa kanya, at alam din niyang mawawalang saysay ang kanyang pagsisikap dahil hindi din niya magagawang lunasan ang mga tinamong sugat ni Kapitan Ivgen hanggat nandyan na nakasunod ang mga taong lobo na nakahandang wasakin ang kanyang katawan. Sa pagtakbo ni Molt Asklepios ay nagagawa niyang kumunoy ang paligid na kanyang dinaraanan upang mapabagal ang mga halimaw at hindi makalapit sa kanya ng lubos, ngunit dahil na rin sa tagal ng pakikipag-laban at sa nanghihina na rin ang kanyang katawan dahil sa dami ng mga tinamong sugat ay hindi na rin gaano kalakas ang pagpapakawala niya ng tarba ng kumunoy.

Nais sanang sundan ni Enarion si Molt upang tulungan na maharang ang dalawang halimaw na sumusunod dito, ngunit hindi naman niya maaaring maiwan na mag-isang nakikipag-laban si Adeniji at kailangan niyang tulungan ito laban sa isa pang halimaw dahil kagaya ng lahat ay sugatan na rin ito at alam niyang sa oras na iwan niya ang kasamahang droog ay tiyak ang kapahamakan nito. Si Kapitan Eldaro at ang dalawang kabalyero ay sinasagupa din ang isa pang halimaw habang si Tigdas naman ay kakatapos lang tuluyang lapain ang isa sa dalawang halimaw na kasagupa niya.

(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon