Read Book I - Huling Kasaysayan (Gintong Palay) before reading this Book II.
Matapos mailigtas ni Enarion Berenor si Andrea del Amita ay akala niya ay duon na magtatapos ang hirap, ngunit imbes na kasagutan ay maraming katanungan pa ang naging kapal...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Kabiguan at Tagumpay"
Ang kwintas na kanina ay tinanggal ni Gamuda kasabay nang pagtanggal din ni Shadbrack ng kanyang sariling kwintas ay pinulot ni Gamuda at muling isinuot sa kanyang leeg. Nuong unang nakalaban ni Enarion si Gamuda ay hindi ito gumamit ng sandata ngunit ngayon ay hindi na binitiwan ni Gamuda ang kanyang dalawang tabak na tangan-tangan na sana ay gagamitin niya laban kay Shadbrack dahil desidido na siyang tapusin agad ang laban kay Enarion upang masimulan na ang sagradong labanan nila ni Shadbrack para tanghaling bagong Hari ng Zudlak-Qan.
Umaapaw sa kompyansa si Gamuda dahil alam na niya ang kakayahan ng katunggali at nakakasiguro siyang hindi siya mahihirapan na dispatsahin ito ngayon gaya nung una silang maglaban, at sa pagkakataong ito ay wala na siyang balak pang patagalin pa o buhayin pa ang batang droog.
Binunot ni Enarion ang kanyang apache at nagbabaga na agad ito na parang galing sa bunganga ng bulkan na bumabagay ang dingas sa normal na madilim na kaanyuan ng buong kapaligiran, umaga man ay parang palaging gabi at maririnig mo ang mahinang tunog na parang kwitis na likha ng mga hamog na nililipad ng hangin galing sa malaking talon kapag dumadapo sa alab ng apache ni Enarion.
Malayo na ang narating ng kapangyarihan na taglay nang tarba ni Enarion at marami na siyang mga natuklasan na iba pang kakayahan nito. Gaya nang sabi noon ni Lolo Belga na kung gaano niya mapapa-lakas ang kanyang isipan at mapapa-tatag ang kanyang puso ay ganun din lalakas ang kanyang taglay na tarba dahil ang lakas ng isipan at tatag ng puso ang pagkain nang bawat tarba upang marating nito ang pinaka-malakas na potensyal na kapangyarihan nito. Naihambing pa ni Lolo Belga ang kanyang tarba ng apoy nuon, sa isang bagong silang na sanggol nuong una niyang ipatong sa kanyang kanang palad ang kanyang tarba. Malaki na ang itinaas nang lakas ni Enarion mula nuong nag-umpisa siyang umalis sa kanilang tirahan ng kanyang Lolo Belga at kasabay nito ang paglakas din ng kanyang tarba, gayun pa man ay hindi pa nararating ng tarba ni Enarion ang pinaka-mataas na potensyal na maaaring maibigay na kapangyarihan nito.
Sa paglusob ni Gamuda ay mabilis ding naglalabasan ang mga makakapal na nagbabagang pader na gawa sa lupa na humaharang sa bawat puntahan ni Gamuda. Ang karamihan ay naiilagan ni Gamuda at ang iba naman ay binabasag lamang niya na hindi man lang napapaso o nasusugatan. At sa tuwing babasagin ni Gamuda ang pader ay saka biglang susulpot si Enarion para lumusob at umatake, ngunit ang bawat pag-atake niya ay sinasabayan din ng pag-atake ni Gamuda gamit ang kanyang dalawang tabak.
Tahimik ang kapaligiran at maging ang mahigit sa dalawang libong Zudlak-Qan ay walang ingay na nililikha at nanonood lamang sa naglalaban. Bawat pagtatama ng apache ni Enarion at dalawang tabak ni Gamuda ay mararamdaman mo ang pagyanig sa iyong kinatatayuan dahil sa lakas ng pwersa ng bawat pagsusugpong ng mga sandata. Mabibilis din ang bitaw ng bawat suntok at sipa na pinapakawalan ng dalawang magka-tunggali ngunit ang mga atake ni Enarion kay Gamuda ay nasasanga nito na hindi man lamang natitinag samantalang sa bawat suntok at sipa na pinapakawalan ni Gamuda kahit nagagawang masalag ni Enarion ay tumatalsik pa rin siya dahil sa tindi ng pwersa ng katawan ni Gamuda.