KABANATA XXXV

29 5 0
                                        

                                                       WALANG TATAKAS AT WALANG MAKAKALIGTAS!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                       WALANG TATAKAS AT WALANG MAKAKALIGTAS!


Isang linggo na silang naglalakad sa bundok ngunit wala pa rin silang makitang kahit anong bakas o palatandaan na maaaring makapag-turo sa kanila kung saan matatagpuan ang bampira na kanilang hinahanap. Si Skith ang pinaka-abala sa kanilang lima dahil sa kanilang grupo ay siya ang may mas malawak na kakayahan pagdating sa pangangaso at paghahanap, ngunit kahit magka-ganun pa man ay maging siya ay walang mahagilap na bakas sa putikan man, sa mga halamanan at maging sa itaas ng mga puno.

Hindi rin naman sila naliligaw at nasisiguro nilang hindi sila napag-lalaruan ng kung ano ang meron sa kagubatan dahil natitiyak naman nilang lahat ng tinatahak nilang daanan ay hindi sila nagpapa-balik-balik.

Kapag may mga nadadaanan naman silang mga kumpol ng halaman ng demica ay sinisigurado nilang pumipitas sila nang dahon nito para parati silang may sobra na alam nilang magamit nila sa mga darating na matinding labanan.

Kahit papaano ay nakakabawas ng ginaw na mula sa pagbuhos ng ulan at paminsan-minsan na paghampas ng hangin ang kanya-kanya nilang mga suot na abrigo. Halos wala din silang masyadong panahon para makapag-usap sa kahabaan nang kanilang paglalakbay dahil ang lahat ay nakatuon ang konsentrasyon sa iisang layunin, ang maka-hanap nang bakas na maaaring naiwan at galing sa bampira. Magkaka-layo rin sila ng pwesto sa paglalakad upang mas malaking bahagi ng gubat ang kanilang mapag-hanapan nang palatandaan. Magkaka-layo na sapat lang para makita pa rin naman ang isa't-isa dahil napag-usapan nila na walang lalayo nang sobra dahil lubos na mapanganib ang kanilang hinahanap.

Nagpasya silang kumain muna nang kamoteng nilaga ni Elisa habang patuloy na naglalakad dahil nasa alas tres na rin ng hapon nang mga oras na iyon. At ang marahan na pag-ulan ay unti-unting lumalakas at maging ang hampas ng hangin ay sinasamahan pa nang malalakas na tunog at maging ang mga sanga at dahon nang mga puno at halaman ay hindi rin nagpa-huli at nakisali rin sa ingay na likha ng kalikasan na parang inoorkestra.

Medyo may kalabuan na din ang paligid bunga nang mga ulan na sumasabog sa ere sa tuwing hihipan nang malakas na hangin, at dahil diyan ay hindi na uubra na magkaka-layo pa sila dahil mahirap na silang magkakitaan sa kanilang distansya kaya naman nagpasya silang lumapit sa isa't-isa para na rin sa kanilang sariling kaligtasan at ma-proteksyunan nila ang bawat isa.

Nang magkakalapit na sila ay saka lamang nila nalaman na wala na pala si Meishen Klara sa kanilang paligid kaya pansamantala silang huminto at pinag-usapan kung gaano na katagal na nawawala si Meishen at ilang minuto na ang nakalipas mula ng huli nila itong nakita na kasama nilang naglalakad. At base nga sa kanilang pare-parehas na pagkaka-alam ay nasa isang oras hanggang isang oras at kalahati na ang nakaka-raan nang huli nga itong makita ni Elisa dahil sa kanang bahagi niya naka-pwesto si Meishen.

Bagama't ngayon lang nila nakasama si Meishen ay hindi pa rin nila maaari itong pabayaan na mag-isa at mapahamak na walang kasama at walang makakatuwang kung sakali mang mapalaban ito sa bampira, kaya nagpasya silang balikan ang lugar na kanilang dinaanan sa loob ng mga oras na huli nila itong nakita.

(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon