Kabanata XXXXIV

21 3 0
                                    

             KABANATA XXXXIV (22)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

             KABANATA XXXXIV (22)

                "Dugong Buhay"

Isang bandera na may insigniya nang Berdeng Asong Lobo at sa likuran nang babaeng may hawak nang bandera ay nasa limang libong mga kabalyero na kumpleto sa kanilang mga baluti simula sa paa hanggang sa kanilang ulo at ang lahat ay may armas na mahahabang sibat na gawa sa matibay na bakal. Habang sa kabilang panig naman nang burol ay may isang lalaki na nakahawak naman nang isang bandera na may insigniya nang Bughaw na Musang at sa likuran nang lalaking ito ay may kaparehas din na bilang ng mga kabalyero na tinatayang nasa limang libong lakas at ang bawat isa ay may tangan na malalaking mga kalasag na halos kasing laki nang isang tao.

Ang pwersa nang Kaharian ng Resinde at ang pwersa nang Kaharian ng Glandulas, nagtataka si Prinsipe Gulvan dahil sa huling ulat at hindi lingid sa kaalaman nang karamihan ay matagal nang may digmaan sa pagitan nang dalawang kaharian na ito. Ngunit bakit ngayon ay tila magkasama at walang tensyon habang magkalapit na naka-pwesto sa mataas na burol, pero kung ano man ay natitiyak niyang maganda ito para sa kanila dahil sa sampung libong lakas ng dalawang Kaharian ay nakaramdam si Prinsipe Gulvan na kahit papaano ay magkakaroon sila ngayon nang mas malaking tsansa sa kanilang pakikipag-laban sa Emerald at malaking bagay ang pwersa na ito upang makatulong sa mga pagod at nanghihina na nilang sandatahan.

************************************

"Kamusta ang paglalakbay mo, Anak?" sa isang malaking bulwagan na tanong ni Heneral Eldpati Horiath sa kanyang kararating lamang na anak na si Kapitan Eldaro Horiath. Naka-upo sa kanilang mga trono ang kanyang Tiyuhin at Tiya na sina Haring Elgkari Horiath at Reyna Maria Horiath. "Nagtagumpay ka ba sa iyong misyon?"

"Iyan na nga rin po ang aking sadya kaya't pormal akong humaharap sa inyo ngayon sa bulwagang ito, Mahal na Hari, Mahal na Reyna at Ama." Sagot ni Kapitan Eldaro na mula sa kaninang pagkakaluhod ay tuwid na nakatayo at nakatingin sa mga mata nang mga nakatatandang Horiath. "Ang kabayaran na Kaljarhi Eslahira ay hindi ko napag-tagumpayang bayaran, bagkus ay lalo pang nadagdagan nang sa muling pagkakataon ay ako naman ang kanyang iniligtas sa tiyak na kamatayan nang ako at ang ilang droog ay mabihag sa Isla ng Marunug. Isang nagngangalang Golrack nang Tribo ng Zudlak-Qan ang naka-bihag sa amin, ngunit itinaya ni Enarion ang kanyang buhay sa isang sagradong labanan at hamunin si Golrack upang mabawi kami."

"Wala akong alam na sa Isla nang Marunug ang tungo nang mga droog na ito." Sagot nang kanyang Ama na si Heneral Eldpati. "Walang sinabi ang tatlong droog na ganyan ang kanilang plano."

"Tama ba ako sa aking narinig? Ang sinabi mo ba ay Zudlak-Qan?" gulat na tanong ni Haring Elgkari Horiath na hindi lamang siya ang nagulat sa kanilang narinig, maging ang lahat ng mga tengang naroon sa bulwagan ay nanlalaki ang mga mata sa salitang kanilang narinig. "Totoo ba ang sinasabi mo na nakalaban ninyo ang mga Zudlak-Qan? Sigurado ka bang mga Zudlak-Qan ang nakasagupa ninyo at hindi ibang tribo lamang? Ang mga Zudlak-Qan ay isang alamat na lamang at walang katunayan na sila ay nabubuhay pa sa panahong ito, at kung totoo man na mayroong mga Zudlak-Qan na sinasabi nang alamat ay walang taong binubuhay ang mga Zudlak-Qan at ang lahat nang nakakasagupa nila ay kanilang pinapaslang at wala silang kahit na isang iniiwan na humihinga."

(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon