KABANATA XXXIV

61 5 9
                                    

                                           Dalawang Dagok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                           Dalawang Dagok


"Ang susunod na mga pag-atake natin sa mga natitirang mga bayan at kampo ng Emerald dito sa ating lupain ay ang magdidikta sa kinabukasan nang ating buong kaharian." Sabi ni Prinsipe Gulvan sa dalawang Heneral ng Kaharian ng Latre at sa iba pang mga Kapitan na nasa ilalim nang kanyang pamumuno sa ginagawa niyang kampanya para sa pagpapalaya nang Kaharian ng Latre mula sa agresibong pag-okupa ng Emerald sa kanilang lupain.

"Sa mga magkakasunod na tagumpay na pag-atake natin sa kampo ng Emerald at pagkalagas ng mga Lunix sa pagbawi natin sa mga muog na kanilang inokupa ay humihina na ang kanilang pagkakahawak sa maraming parte ng ating lupain." Sabi ng isa sa dalawang beteranong Heneral na kasama nila sa pagpaplano sa ginaganap na pagpupulong.

"Ganun pa man ay hindi tayo maaaring maging kampante at magtiwala dahil lang sa magkakasunod nating tagumpay." Sabi naman ng isa pang Heneral.

"Malaki rin ang pinsala sa ating hanay sa gitna nang tagumpay." Muling sabi ni Prinsipe Gulvan. "Bawat tagumpay na tinatamasa natin ay pinagbabayaran natin nang maraming buhay mula sa hanay ng ating mga kawal. Hindi biro ang pagkikipag-laban sa mga Lunix, sa labanan ay 5 kawal natin o higit pa ang katumbas nang isang Lunix. Maging ang mga droog na inupahan natin sa ahensya ay lubhang nahihirapan na rin sa mga labanan."

"Masyado nang maraming buhay ang nabuwis sa ating pakikihamok sa Emerald at masasayang ang lahat ng buhay na nai-sakripisyo kung ngayon pa tayo hihinto at magdadalawang-isip." Paalala ng isang Heneral. "Lahat ng tatktika na dinisenyo mo ay nagtagumpay at kung hindi sa mga taktika na ginawa mo ay hindi ako nakakatiyak na mapagtatagumpayan natin ang kahit alinman sa mga labanan na tayo ay nanaig sa mga Lunix."

"Malaki ang tiwala namin sa iyo Mahal na Prinsipe." Pagsang-ayon ng isa pang Heneral na inayudahan naman ng lahat ng mga kapitan na kasama sa pagpupulong sa pamamagitan ng pagtango ng kanilang mga ulo. "Ang lahat ng kaganapan ay nakakarating sa palasyo at masaya ang Mahal na Hari at ang Mahal na Reyna sa iyong kasalukuyang kampanya."

"Nakakapag-taka lang na puro depensa ang ginagawa ng Emerald nitong nakaraang mga buwan." Muling sabi ni Prinsipe Gulvan habang naka-tingin sa malaking mapa ng lupain ng Latre na nakapatong sa ibabaw ng malapad na lamesa. "Ang Emerald at ang mga Lunix ay kilala sa pagiging agresibo at unang gumagawa ng inisyatibo pagdating sa usapin ng labanan. Nakakapag-taka, ano ang pinaplano ng Emerald. Sa isang maling hakbang ay maaaring gumuho kung ano man ang kalamangan natin at maaaring mabaliktad ang lahat, kaya maiging maging maingat at magdahan-dahan tayo at pag-isipan maigi ang susunod na gagawin natin."

Halos lahat ng kasama sa pagpupulong ay buo ang paniniwala sa kanilang isipan na kaya hindi na makagawa ng inisyatibo ang Emerald ay dahil malamang ay bumaba na ang moral ng mga ito dahil sa magkakasunod na pagka-gapi na kanilang sinapit sa tuwing makakaharap ang kanilang mahusay na Prinsipe.

(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon