KABANATA XXXI

53 3 1
                                    

                                           (Nauupos na Kuryente at Kidlat)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                           (Nauupos na Kuryente at Kidlat)


"Sigurado ka ba na gusto mong sumama sa lakad na ito?" tanong ni Daphrok Haulirr sa kasama habang parehas silang nag-aayos nang kani-kanilang mga kabayo at mga piling gamit na kailangan sa mahabang paglalakbay.

"Kapag umoo ako sa isang bagay ay hindi ako ang taong tumitigil hangga't hindi ko nagagampanan ang aking pangako." Sagot ni Swoops Kalron. "Ikaw, sigurado ka bang gusto mong sumama sa lakad na ito?"

"Seryoso ka sa tanong mo? Ngayon pa ba ako aatras, malaki na ang puhunan na itinaya ko sa laban na ito?" sagot ni Daphrok na halatang hindi sigurado sa kanyang sagot at halata ring pinapalakas lang niya ang sariling kalooban sa sariling mga sagot niya.

"Sa pagbabalik ko ay gagawin ko ang lahat para makalaya ka na nang tuluyan sa bigkis na gumagapos sa iyo sa paghihirap na kinalalagyan mo ngayon." Sabi ni Enarion sa kasintahan na nakatingin sa maraming puno na walang humpay na pinapaliguan ng ulan habang nakatayo sa beranda ng muog na kanilang pinag-kukutaan.

Hindi naman sumagot si Prinsesa Andrea pero bagama't nangingilid ang luha ay mababanaag din sa kanyang maamong mukha ang ngiti sa kanyang mga labi. Masaya siya dahil sa haba nang panahon ay muli niyang nakita at nakasama si Enarion na hindi tumigil at ginawa ang lahat para mahanap siya at mailigtas mula sa rehas ng Emerald.

Sapagka't alam ni Enarion na naghihirap nang lubos ang kalooban ni Prinsesa Andrea sa dami ng mga pasanin nito sa buhay simula pa lang nang kanya itong makilala ay labis din ang paghihirap na nararamdaman niya para sa babaeng nililiyag. Gusto na niyang wakasan ang paghihirap ni Andrea pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya nakakakita ng liwanag kung kailan muling mabibigyan ng ngiti ang mga labi ng kanyang minamahal na babae.

Iniwan ni Enarion si Prinsesa Andrea sa kanyang silid na wala man lang nangyaring pag-uusap ngunit ang lahat ng ito ay naiintindihan ni Enarion dahil alam niya kung gaano kabigat ang sitwasyon na kinalalagyan ni Andrea na siya mismo ang magiging daan para magunaw ang mundo ng sangkatauhan kapag natapos na ang ritwal upang mangyari ang Batlaya.

Sa kanyang silid ay naka-bantay ang mga droog habang hindi rin maaaring lumisan sa muog sina Skolras Kedio at Ripan Sacarpo upang bantayan ang Prinsesa laban sa mga magtatangka sa buhay nito at kapag dumating ang panahon ay silang dalawa rin ang may tungkulin na tapusin ang buhay ng prinsesa upang hindi mangyari ang Batlaya.

Sumakay na si Enarion sa kanyang kulay kayumanggi na kabayo habang kanina pa naghihintay ang naka-handa nang sina Swoops Kalron at Daphrok Haulirr. Isang huling lingon ang pinakawalan ni Enarion patungo sa bintana nang silid ni Prinsesa Andrea bago inayudahan ang kabayo na nagsimula nang kanilang paglalakbay, na ang pakay ay makuha ang Izhirion.

Mula sa lupain ng Latre ay tatawirin nila ang lupain ng Glandulas ngunit ang daan ay hindi magiging madali dahil kinakailangan nilang umiwas sa mga malalawak na daanan upang maikubli ang kanilang mga sarili mula sa panganib na alam nilang naka-abang o maaaring sumunod sa kanila dahil hangga't maaari ay nais nilang maiwasan ang kahit na anumang sagupaan upang hindi maantala ang kanilang gagawing paglalakbay dahil kahit na isang maliit na laban ay maaaring makapag-bigay ng palatandaan kung sino sila at kung gaano sila kalayo mula sa mga taong naghahangad na makasunod sa kanila.

(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon