Read Book I - Huling Kasaysayan (Gintong Palay) before reading this Book II.
Matapos mailigtas ni Enarion Berenor si Andrea del Amita ay akala niya ay duon na magtatapos ang hirap, ngunit imbes na kasagutan ay maraming katanungan pa ang naging kapal...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Tagumpay at Karangalan"
"Matagal na tayong walang balita mula kay Heneral Lucas." Sabi ni Ripan Sacarpo sa kaibigan na naka-upo sa labas nang maliit na upuan sa labas ng makitid na beranda sa ika-apat na palapag na paborito nilang tambayan dahil sa ganda ng tanawin sa pwesto na ito ng lumang muog na kanilang lihim na pinag-kukutaan, habang siya naman ay nakatayo habang kapwa sila nakatanaw sa maulan na paligid ng lupain ng Latre. "Wala pa ring sinasabi si Heneral Lucas kung ano ang pina-plano niya."
"Nararamdaman ko na lalong lumalakas ang pwersang bumabalot kay Prinsesa Andrea." Sagot naman ni Skolras Kedio sa kaibigan. "Bawat araw na lumilipas ay nadadagdagan ang pangamba ko na tuluyan nang mangyari ang kinakatakutan natin, at kapag nangyari iyon ay hindi ko alam kung kakayanin natin ang pwersang maaari nating kaharapin."
"Hindi ako nawawalan nang tiwala sa ating mabuting Heneral." Sagot uli ni Ripan. "Maraming beses na nating nakasama sa hindi natin mabilang na labanan at mahihigpit na sitwasyon, pero kahit isang beses ay hindi niya tayo binigo sa lahat nang mga desisyon na ginawa niya. Matagal nang lumuha at patuloy na lumuluha ang puso ni Heneral Lucas ngunit sa kahit na pinaka-mahirap na desisyon na ginawa at isinakripisyo niya ay para sa kabutihan nang lahat kahit pa ang kapalit ay sarili niyang kaligayahan na hanggang sa ngayon ay naka-baon pa rin sa kanyang puso ang punyal at sugat ng kahapon."
Bakas sa mukha nang dalawang beteranong droog ang labis na kalungkutan at ang tagos sa pusong sakit na idinulot ng kahapon sa kanilang kaibigang Heneral. Bagama't umuulan ay hindi rin maiwasan mahulog ang ilang patak nang luha sa kanilang mga pisngi sa tuwing maalala ang pait sa ganitong pagkakataon na muling pagbalik-tanaw sa huling kasaysayan nang kanilang nakaraan.
Pagpatak nang alas-dose nang gabi, sa kasagsagan nang pagbuhos nang malakas na ulan at dagundong nang mga kulog na inoorkestrahan nang magkakasunod na guhit nang kidlat ay nagising mula sa pagkakatulog ang dalawang beteranong droog nang makaramdam sila nang pagtayo nang kanilang mga balahibo at nakaka-kilabot na pwersa. At mula sa kanilang magkalayong silid ay sabay na lumabas sina Skolras at Ripan na iisa lang ang tanging nasa isipan, ang puntahan ang silid ni Prinsesa Andrea sa ika-limang palapag ng lumang muog.
Sa kanilang mabilis na pagtakbo at bago pa sila makarating sa hagdanan sa ikalawang palapag ay magkasabay silang natumba sa kanilang kinaroroonan dahil sa magkakasunod na malakas na pagsabog at tuloy-tuloy na pagyanig kaya mabilis pa rin silang tumayo at kahit na nagmamadali ay hindi pa rin nila mapabilis nang todo ang kanilang pagtakbo dahil sa mga tipak nang bato na nahuhulog mula sa konkretong hagdanan at pader nang lumang muog.
Pagdating nila sa ika-limang palapag ay malapit nang tuluyang gumuho ang muog at mga pader ay giba-giba na, kaya't nagpatuloy pa rin sila sa kanilang pagtakbo at kahit malayo pa ay tanaw na nila ang apat na droog na naka-handusay at agaw buhay sa harapan ng silid ni Prinsesa Andrea habang sugatan naman ang apat pa na droog na sina Clad Linus, Cyrus Linus, Yohab Murtag at ang kapatid nito na si Brodi Murtag. Ang apat ay nasa harapan ng wasak na pintuan nang silid ni Prinsesa Andrea at puno na mga sugat sa kanilang mga katawan at pawang hirap makatayo na naka-taas ang mga sandata at hindi para umatake ngunit para dumipensa na banaag sa mga mukha ang labis na pangamba sa kung ano man o sino man ang nasa kanilang harapan.