KABANATA XXVI

39 2 0
                                    

                                                  (MGA KATANUNGAN)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                  (MGA KATANUNGAN)


"Subukan mong pumasok kasama nang mga droog na nandyan para masaksihan mismo nang mga mata mo kung paano mangyari ang mga kinakatakutan mo!" babala ni Skith nang makitang sinusubukang tunawin ni Enarion ang harang na ginawa niya. "Nakakatawa kayo, ako lang mag-isa ang nandito at nakikita ko sa inyong mga mukha ang pagkatalo. Ang dami ninyo pero wala man lamang kayong magawa, bakit hindi ninyo gayahin ang dalawang droog na kasama ninyo na kung hindi ako nagkakamali ay mga kaibigan nina Tux at Roe, na walang reaksyon sa mga nangyayari ngayon."

Tumigil lang si Enarion sa pagtunaw sa makapal na yelo nang hawakan siya nina Swoops at Daphrok sa kanyang magkabilang balikat. Naghihintay silang lahat nang anumang pagkilos mula kina Skolras at Ripan para mahuli na at mawakasan ang kasamaan nito, at ang mga mata nang lahat ng droog na nakatingin kina Skolras at Ripan ay mga mata na puno nang panunumbat at paninisi dahil imbes nang pinatay na si Skith ay nag-desisyon pang gamutin ang mga sugat nito at paigihin ang kalagayan ng kalaban na muli na namang nakagawa nang panganib sa kanilang lahat.

Nananatiling nakatayo at hindi natitinag sa kani-kanilang pwesto sina Ripan at Skolras, naka-masid lamang sa lahat ng mga nangyayari at hindi mo mawari kung nag-iisip ba nang paraan upang muling madakip si Skith at mailigtas ang tatlong bihag nito sa loob ng silid. Banaag sa mukha nang dalawang droog ang pagiging kalmado sa kabila nang mapanganib na sitwasyon, ang hindi lamang nila maintindihan ay kung bakit parang may kasiguruhan sa mga mata nina Skolras at Ripan na nag-iiwan sa kanila nang malaking katanungan na, Kasiguruhan saan? Dahil wala man lang ginagawang hakbang ang mga ito para matapos na ang kaguluhan na nagaganap sa isang tahimik at payapang gabi.

"Ano ba ang hinihintay ninyo? Wala ba kayong gagawing paraan?" magkakasunod na tanong ni Daphrok kina Skolras at Ripan habang nananatiling naka-hawak sa balikat ni Enarion para pigilan ang kaibigan. "Hindi tayo pwedeng manatiling nakatayo dito at walang ginagawa habang pinapanuod natin si Skith na gawin ang mga bagay na nais niya, kinukumbulsyon si Andrea at kailangan siyang malapatan ng lunas at si Elisa lang ang may kakayahan dito na mapabuti ang kalagayan ni Andrea. Sinasabi ninyong si Andrea ay ang panganay na anak ng Hari pero wala kayong ginagawa para mailigtas ang prinsesa, wala bang halaga sa inyo ang buhay ng isang prinsesa? Kapag wala kayong ginawa ay hahayaan ko na lang si Enarion na gawin ang gusto niya at tutulungan ko pa siya kung iyon na lang ang tanging paraan para matapos na ang kasamaan ni Skith."

"Nagkakamali ka!" sagot ni Skolras kay Daphrok habang ang mga mata ay hindi inaalis ng tingin kay Skith at sa loob ng silid. "Kailangan mo lang na mag-tiwala."

"Hoy! Ikaw na madaldal, gusto mo nang matapos ang kaguluhan na ito hindi ba?" muling salita ni Skith patungkol kay Daphrok, kaya't muling napako ang atensyon nang lahat kay Skith at naghihintay nang susunod nitong sasabihin. "Sundin mo ang mga sasabihin ko at papalayain ko nang ligtas ang tatlong ito na nandito, kunin mo ang dalawang dilpas sa kung sino man ang may tangan nito at iabot mo kay Elisa. Binabalaan kita na huwag kang magkakamali kung ayaw mong mapahamak ang mga kaibigan mo sa loob ng silid na ito, bilisan mo lang dahil baka mainip ako."

(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon