Read Book I - Huling Kasaysayan (Gintong Palay) before reading this Book II.
Matapos mailigtas ni Enarion Berenor si Andrea del Amita ay akala niya ay duon na magtatapos ang hirap, ngunit imbes na kasagutan ay maraming katanungan pa ang naging kapal...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(KAAWAY.... KAIBIGAN.... At BAMPIRA!)
"Maraming buhay ang nagwakas at masyado nang maraming dugo ang dumanak sa araw na ito." Sabi nang lalaki habang bumababa sa kanyang matangkad na kabayo. "Sa tingin ko ay tama na yan at hindi na natin kailangan pang dagdagan pa."
"Base sa mga kasamahan mo ay nasisiguro kong isa ka sa mga dugong maharlika nang lupaing ito." Sabi ni Skith habang naka-tingin sa lalaking ganap nang nakababa sa kanyang kabayo at naglalakad papalapit sa kanya at hindi alintana ang dalawang sibat na gawa sa matulis na yelo na naka-tutok sa kanyang katawan at leeg.
"Rothabax! Gulvan Rothabax!" sabi nang lalaki nang huminto ito nang lakad isang dipa ang layo sa harapan ni Skith. "Sa tingin ko ay iisa lang ang ating kalaban, kaya wala akong nakikitang dahilan para tayo ay maglaban."
"Mabuti naman, dahil marami pa akong importanteng bagay na dapat gawin kaysa ang tumagal dito." Sagot ni Skith. "Wala na tayong dapat na pag-usapan pa kaya aalis na kami."
"Huwag kang bastos kausap, huwag mong talikuran ang...." Galit na sabi ng Kapitan ng mga kabalyero, ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin ay sinenyasan na siya ni Gulvan na huwag nang ituloy ang sasabihin.
Nagpatuloy na sa paglakad sina Skith at ganun din si Denroy na nasa likuran lang na inaalalayan si Elisa sa paglakad, hanggang sa marating nila ang tatlong kabayo na gamit ng mga Lunix na nasawi sa labanan. Naka-masid lang si Gulvan Rothabax sa kanila habang sila ay naglalakad palayo.
Sumakay si Skith sa isang kulay kayumanggi na kabayo at nasa harapan niya si Elisa na hindi pa kayang sumakay na mag-isa sa kabayo, habang si Denroy naman ay sumakay sa itim na kabayo at hawak din niya ang tali nang isa pang kabayo na gagamitin ni Elisa kapag nakabawi na nang lakas si Elisa at kaya nang sumakay sa kabayo ng mag-isa.
"Prinsipe Gulvan!" sabi ni Lupo na gustong makalapit sa prinsipe ngunit hinarang siya nang mga kawal. "Paumanhin kung hindi kita nakilala at tinawag kita sa pagpapakilala mo sa akin na ang pangalan mo ay Kwatog."
"Ako si Prinsipe Gulvan Rothabax at ako rin si Kwatog!" sagot ng prinsipe. "Simula ngayon, ang grupo mong Kulog ay hindi kikilos hanggat hindi ko sinasabi. Lahat nang aksyon na gagawin ninyo ay manggagaling sa akin."
Ang lahat ay naka-luhod ngayon sa harapan ng prinsipe, habang si Lupo ay tanggap na magpapasa-ilalim na ang kanyang grupo sa pamamahala ng prinsipe dahil sa muling pagkakataon ay marami na namang nalagas sa kanyang mga kasamahan, ngunit masaya rin siya dahil alam niyang magiging maganda na ang laban nila dahil ang maharlikang pamilya ng Rothabax ay kilala sa pagiging mahusay na taktisyan sa larangan nang digmaan at ang tanging katapat lang nila sa husay sa pagpaplano at taktika na bumasag sa kanilang reputasyon sa digmaan ay ang pamilya nang Espiyel na tumalo sa kanila sa tinawag na 'Digmaan ng mga Kwago', mahigit sa limampung taon na ang nakakalipas.