"Ang Alyansa"
Nang mag-umpisang lumusob si Ysar ay sumabay din ng lusob si Swoops, samantalang bago pa mag-umpisang kumilos si Daphrok ay halos nasa harapan na niya si Enig.
Sa unang pagtatama pa lang ng mahahabang kutsilyo ni Swoops sa espada ni Ysar ay alam na ni Swoops na isa na naman itong labanan hanggang kamatayan at kung sino ang malilingat ng sandali ay tiyak na magbabayad ng sariling buhay. At ganun din ang pakiramdam ni Daphrok na ngayon ay pilit naghahanap ng butas kung paano mapapasok ang depensa at atake nang katunggali na si Enig.
Sa bawat paglusob ni Daphrok ay buo ang intensyon na tapusin ang kalaban, ngunit sa bawat sandaling masisilayan nang kanyang mga mata ang matatalim na titig ni Enig kapag nagkaka-lapit silang dalawa ay hindi niya maitatago sa kanyang sarili ang panlalamig nang kanyang mga buto na parang humihigop nang dahan-dahan sa lakas ng kanyang tuhod. Hindi niya maiwaksi sa kanyang isipan na maihambing ang kilabot na kanyang nararamdaman kagaya na lang nuong mga panahon na nasa harapan at katunggali nila si Skith.
Samantala, kapag nagtatama naman ang espada ni Ysar at ang mahahabang balaraw ni Swoops ay nagpapa-kawala si Swoops ng malalakas na kuryente upang patamaan si Ysar ngunit hindi ito umaabot kay Ysar dahil nahaharang agad ito ng makakapal na mga lupa na nag-aangatan mula sa kanyang harapan at kasabay din ng depensang ito ay marami ding mga lupa ang umuusbong na pilit iniiwasan ni Swoops dahil sa oras na madikitan siya nito ay tiyak na hihilain siya pailalim.
Nakarinig si Enarion nang mga mabibilis na yabag malapit sa kinaroroonan nila ni Andrea kaya isinukbit niya ang kanyang sandata at marahang binuhat si Andrea at tumakbo palayo. Ang tanging intensyon ay ang mailayo si Andrea sa mapanganib na lugar at madala sa mas ligtas na pook kung saan maaari siyang makapag-isip kung paano magagamit ang bagong sandata para tuluyang mapalaya si Andrea.
Ang kanyang tinatahak na daan ay patungo sa kakahuyan kung saan nagtataasan ang mga puno, wala na ang kanyang kabayo na naiwan niya. May kaunting kulimlim sa gubat ngunit mataas na ang sikat nang araw at matutulis ang mga sinag nito na tumutusok na parang sibat sa mga butas mula sa magkaka-hiwalay na dahon sa sanga nang mga puno.
"Enarion...." Mahinang anas ni Andrea na sinamahan niya nang matamis na ngiti kahit malamlam at nanghihina ang kanyang paikiramdam. Ang sandaling pagngiti ni Andrea na iyo ay hindi nakaligtas kay Enarion kaya naman sa kanyang pagtakbo ay lumukso ang kanyang puso sa kaligayahan. "Nandito ka na.... Salamat Enarion."
Naramdaman ni Enarion na mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Andrea sa kanyang balikat habang buhat-buhat niya ang babaeng minamahal sa kanyang harapan. Sa kanyang pagtakbo ay para silang lumilipad at hindi mararamdaman ang mga lubak nang mga lupa at ang mga nag-aangatang mga malalaking ugat nang puno. Puno nang konsentrasyon na maitakas si Andrea at nakatuon ang matalim na paningin sa hinaharap, hanggang sa hindi karaniwang kumulimlim nang todo ang pook na kanilang kinaroroonan at makaramdam siya nang kakaiba sa paligid kaya kahit ayaw niya ay napa-hinto siya sa kanyang pagtakbo ngunit mahigpit pa rin ang pagkaka-hawak kay Andrea.
BINABASA MO ANG
(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)
AdventureRead Book I - Huling Kasaysayan (Gintong Palay) before reading this Book II. Matapos mailigtas ni Enarion Berenor si Andrea del Amita ay akala niya ay duon na magtatapos ang hirap, ngunit imbes na kasagutan ay maraming katanungan pa ang naging kapal...