Read Book I - Huling Kasaysayan (Gintong Palay) before reading this Book II.
Matapos mailigtas ni Enarion Berenor si Andrea del Amita ay akala niya ay duon na magtatapos ang hirap, ngunit imbes na kasagutan ay maraming katanungan pa ang naging kapal...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(GUNITA)
"Isang malaking kalokohan ang sinasabi ninyo." Galit na sabi ni Swoops Kalron. "Hindi ako makapaniwala na gusto ninyong tanggapin namin nang maluwag sa aming mga isipan ang mga sinasabi ninyong mga kasinungalingan. At kahit pa na sabihin nating totoo nga ang mga sinasabi ninyo ay hindi ko pa rin matatanggap at hinding-hindi ako luluhod sa taong iyan na hindi mo na kayang bilangin kung ilang inosenteng tao na ang pinatay, ilang pamilya ang winasak at ilang mahuhusay na droog ang kinitlan nang buhay. Wala kayong anumang katibayan na magpapatunay na totoo ang sinasabi ninyo."
"Alam kong masakit para sa iyo Andrea na marinig ang lahat nang mga ito." Singit naman ni Daphrok, na nakatingin sa babaeng umiiyak. "Pero ang lahat nang sinabi ni Swoops ay totoo, isang ligaw na kaluluwa ang iyong kapatid at maraming tao ang nagdusa at hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring nagdurusa dahil sa kanyang mga naging aksyon nuon. Ikaw mismo ay nakaranas nang kanyang kalupitan, nasaksihan mo ang kasamaan niya nang dukutin ka niya sa bayan ng Robasa."
Si Enarion ay nakatayo lamang sa isang gilid nang malaking silid habang naka-tingin kay Andrea. Alam niyang nahihirapan ito ngayon na bagama't natagpuan na nga ang kapatid ay pawang masama naman ang lahat nang kanyang naririnig tungkol dito. Hindi rin naman niya masisisi ang mga kasamahan niyang droog dahil katotohanan lang naman ang lahat nang sinasabi ng mga ito at kung hindi lang dahil kay Andrea ay malamang na pati siya ay nakapag-salita na rin nang hindi maganda tungkol dito.
"Hindi niya alam kung ano ang kanyang ginagawa nuon." Sagot ni Andrea na bahagyang gumagaralgal ang boses. "Alam kong mayroong ginawa ang Emerald para lasunin ang kanyang isipan kaya siya nakagawa nang mga hindi magagandang mga bagay na nagawa niya nuon. Nakita ko sa kanyang mga mata nuong nag-usap kami na hindi niya alam at parang wala siyang kontrol sa mga nangyayari sa kanyang buhay, kagaya nang hindi niya alam kung sino siya at kung ano ang kanyang tunay na pagkatao. Naniniwala ako na kapag nalaman niya kung sino talaga siya ay mag-iiba ang lahat, maging ang kanyang pananaw sa buhay."
"Isa siyang ligaw na kaluluwa at ikaw na mismo ang nagsabi na wala siyang kontrol sa mga nangyayari sa kanyang buhay." Muling sagot ni Swoops. "Ang isang taong kayang kumitil nang buhay nang maraming inosenteng tao ay walang kontrol sa kanyang buhay? Malaking kalokohan iyan, sabihin na nating totoo ang sinasabi ninyo kung sino siya, ang lahat ng mga bagay na nagawa niya at mga kasalanan niya ay kakalimutan na lang ba natin lahat? Ang lahat ng mga kasalanang nagawa niya na sobrang dami ay walang kapatawaran at dapat lang niyang pagbayaran para sa kapayapaan ng lahat ng mga taong naging biktima niya."
"Ikaw Enarion, ano ang masasabi mo sa usaping ito?" tanong ni Ripan Sacarpo na naka-upo sa tabi ni Andrea. "Kanina ka pa nananahimik, makabubuti kung malalaman din natin ang iyong saloobin dahil ikaw ang namuno sa matagumpay na pagliligtas kay Andrea at pagkakahuli kay Skith."