KABANATA XXXXVI

53 4 0
                                        

              KABANATA XXXXVI (24)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

              KABANATA XXXXVI (24)

          "Wagas na Pagmamahalan"

Wasak na ang halos kabuuan nang kanyang pang-itaas na kasuotan at halos nanunuyo ang buong balat dahil sa pagkasunog mula sa nakakapasong sinag na bumabalot kay Prinsesa Andrea at bukod pa sa mga butas sa kanyang katawan na gawa nang pwersa nang kapangyarihan nang Bathala nang Kadiliman na unti-unti nang lumulukob sa katauhan ni Prinsesa Andrea ay hindi pa rin napapawi ang matibay na determinasyon sa puso ni Heneral Lucas.

Sa muling pag-atake ni Prinsesa Andrea sa nakatayong si Enarion na nalilito kung ano ang gagawin ay mabilis siyang dinamba ni Heneral Lucas upang maka-iwas sa direktang sinag nang kamatayan ni Prinsesa Andrea.

"Enarion!!!! Kalmahin mo ang sarili mo." sabi ni Heneral Lucas kay Enarion habang naka-hawak si Heneral Lucas sa magkabilang balikat ni Enarion at parehas silang nakatitig sa mata nang isa't-isa. "Kailangan kita sa laban na ito Anak! Gumising ka, kung nais mong mailigtas si Prinsesa Andrea."

"Ang kwintas!" usal ni Enarion nang matauhan mula sa pagyugyog sa kanya ni Heneral Lucas. "Kailangan kong makuha ang kwintas sa leeg ni Andrea."

"Tama!" nabuhayan nang loob na sagot ni Heneral Lucas. "Kailangan mong makuha ang kwintas ni Prinsesa Andrea."

"Ang kwintas mo, bakit kaparehas nang kay Andrea?" maikling tanong ni Enarion.

"Hindi na iyan ang mas mahalaga sa mga oras na ito, ipapaliwanag ko sa iyo kapag may oras pa tayo." sagot ni Heneral Lucas. "Pero sa ngayon, ang mahalaga ay sundin mo ang sinasabi ko sa iyo.  Lulusubin ko si Prinsesa Andrea at kukunin ko ang kanyang atensyon, at abangan mo ang tamang pagkakataon para matanggal sa leeg niya ang kwintas."

Maikling tango nang ulo lamang ang pinakawalan ni Enarion na tanda nang pagsang-ayon sa plano ni Heneral Lucas. Pansamantala silang naka-kubli sa isang malapad at bilog na poste ngunit kagaya nang sinabi ni Heneral Lucas ay maagap itong tumakbo papalayo upang sa kanyamaituon ni Prinsesa Andrea ang atensyon nito na siya namang nangyari. Isang malaking bola nang apoy ang pinakawalan ni Heneral Lucas patungo kay Prinsesa Andrea ngunit kahit na gaano kabilis ang kanyang pag-atake at bago pa man makalapit kay Prinsesa Andrea ang bola nang apoy ay mistulang binuhusan ito nang asido na agarang nalusaw. Ngunit hindi duon natapos ang pag-atake ni Heneral Lucas, dahil ang tinatapakan naman ngayon ni Prinsesa Andrea ay naging isang kumunoy na gawa sa kumukulong putik na parang galing sa sumabog na bulkan. Ang lahat nang makakaya ni Heneral Lucas ay ginagawa na niya at wala na siyang itinitira pa, ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay naka-angat sa semento ang mga paa ni Prinsesa Andrea na natatakpan nang kanyang mahabang puting kasuotan.
Mula naman sa kaliwang bahagi ni Prinsesa Andrea ay magkakasunod din na mga bolang apoy ang piakawalan ni Enarion, tarba at istilong namana niya sa kanyang Ama. Sa pagpaling ni Prinsesa Andrea kay Enarion ay ikinumpas nito ang kanyang kanang kamay at kahit na hindi sila magkalapit ay naramdaman ni Enarion ang mahigpit na pagpiga sa kanyang leeg kaya naman pilit siyang naghahanap nang paraan upang makahinga, habang nakatitig sa kanya si Prinsesa Andrea. Sa ganung pagkakataon ay nakita ni Heneral Lucas ang kianasasadlakan ni Enarion kaya naman agaran siyang lumusob kay Prinsesa Andrea at ang lahat nang mga nakakapasong sinag na nagmumula kay Prinsesa Andrea ay pinilit niyang inilagan at ang karamihan ay tumutusok at bumabaon nang todo sa kanyang laman pero hindi hindi niya ito alintana sapagkat nais niyang mailigtas si Enarion sa pagkakasakal nito.

(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon