KABANATA XXVIII

58 3 10
                                        

                                             (MAPAIT NA TADHANA)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                             (MAPAIT NA TADHANA)


"Enarion, gusto ka daw makausap nila Skolras at Ripan!" sabi ni Daphrok nang bahagyang makapasok sa silid kung saan nagbabantay si Enarion kay Andrea na wala pa ring malay tao. "Nanduon sila ngayon sa may bulwagan. Hindi ko alam pero sa tingin ko ay mayroong kinalaman kay Prinsesa Andrea ang pakay nila sa iyo."

Sa una ay parang ayaw pang iwanan ni Enarion si Andrea dahil mas nanaisin niyang magbantay at maghintay na muling magising ang babaeng nililiyag kaysa ang magpunta kahit na saan, ngunit nang marinig niyang maaaring may kinalaman kay Andrea ang pakay sa kanya ng dalawang droog ay bigla siyang napatingin kay Daphrok at tumayo mula sa kanyang kinauupuan.

"Daphrok, maaari bang ikaw na muna ang magbantay kay Andrea hangga't hindi pa ako nakakabalik?" sabi ni Enarion nang makalapit sa pintuan at sa kaibigan. "Kailangan kong malaman kung tungkol nga kay Andrea ang sadya nila sa akin."

"Teka, paano naman ako?" mahinang pagtutol ni Daphrok sa nais ipakisuyo ni Enarion na siya muna ang magbantay kay Andrea. "Gusto ko din malaman kung ano ang sasabihin nila."

Hindi na narinig o sadyang hindi na pinakinggan ni Enarion ang mga sumunod pang sinabi ni Daphrok at dali-dali siyang nagtungo sa bulwagan.

Gaya nang mga nakaraan nilang pagpupulong ay muli niyang nadatnan sina Skolras at Ripan, nanduon din si Swoops at ilang sandali pa ay humahangos mula sa likuran ni Enarion ay dumating si Daphrok na agad nagpaliwanag na siya ay pinalitan nang dalawang droog sa pagbabantay kay Prinsesa Andrea nang mapansin niyang hindi maganda ang tingin sa kanya ni Enarion na parang nagtatanong kung bakit niya iniwanan si Andrea sa silid nito.

Mayroon na ba kayong nakuhang impormasyon para sa solusyon kung paano malulunasan ang karamdaman ni Andrea?" tanong agad ni Enarion habang nakatingin kina Skolras at Ripan.

"Prinsesa Andrea!" pagtatama ni Ripan Sacarpo sa sinabi ni Enarion kung paano dapat na ituring si Prinsesa Andrea at hindi basta Andrea lamang.

Matapos ay nagkaroon nang nakaka-binging katahimikan at walang nagsasalita habang ang mga mata ng mga droog na nanduon para sa pagpupulong ay naghihintay sa susunod na sasabihin ng dalawang beteranong droog.

Hindi na nakatiis si Enarion at muling tumalikod upang balikan si Prinsesa Andrea upang bantayan kaysa ang maghintay kung gaano pa katagal bago magsalita ang dalawang beteranong droog.

"Kamatayan!" mahinang anas ni Ripan na nagpa-hinto sa paghakbang ni Enarion. "Kamatayan ang naghihintay kay Prinsesa Andrea, at wala ni isa man sa amin ang may kakayahan para mapigilan iyon. Kami na ang tungkulin ay protektahan ang Prinsesa at Prinsipe."

"Hindi ko maintindihan." Sagot ni Enarion na naka-talikod pa rin at unti-unting humaharap. "Iyang mga katagang binibitawan mo.... Ay puros WALANG KABULUHAN!!!!" sigaw ni Enarion na puno nang galit, galit sa lahat maging pati sa kanyang sarili dahil siya ang kasama ni Andrea ng araw na ito ay dukutin at galit na rin kay Skith na kapatid ni Prinsesa Andrea na siya pang namuno sa pagdukot dito.

(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon