KABANATA XXXVI

59 6 2
                                    

                                     " Pananambang at Dating Kaibigan"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                     " Pananambang at Dating Kaibigan"


"Droog, alam kong klasipikado ang misyon na ito. Hindi ko alam kung trabaho sa ahensya itong misyon mo o kung anong klaseng misyon ang ginagawa ninyong tatlo kasama nang dalawa mong kaibigan na pansamantalang hinalilihan namin." Paunang salita ng droog na si Adeniji Ganiu, habang magkaka-sabay silang lulan nang kanilang mga kabayo at mabagal pa lang ang patakbo sa kabayo dahil hindi pa sila nakakalabas ng kapitolyo. "Hindi ko itatanong sa iyo kung ano ang misyon mo, dahil ang trabaho na tinanggap namin sa ahensya ay ang suportahan ka hanggang sa kailangan mo kami o kung sakaling makabalik ang mga naunang droog na nakasama mo. Pero kailangan mong sabihin sa amin kung saan ang destinasyon natin."

"Ang ibig sabihin ni Adeniji, ay nararapat lamang na malaman namin kung saang lugar na maaari naming puntahan kung sakaling dumating ang oras o sitwasyon na magkaka-hiwalay tayo." Singit naman ng isa pang droog na si Molt Asklepios na mula sa likuran ay pansamantalang pinabilis ang kabayo upang maka-sabay kila Enarion. "Base sa pinag-daanan ninyo nang dalawa mo pang kasama ay alam naming hindi basta-basta ang misyon na ito dahil nang kinuha namin ang misyon na ito ay nakasaad sa kahilingan na ang droog lang na nakatapos nang lagpas sa mahigit sa sampung misyon na may kategoryang limang bituin ang kwalipikado."

Hindi man lumingon at naka-diretso lang ang tingin sa malayo sa kanyang harapan ay naririnig naman niya ang mga sinasabi ng dalawang droog na ngayon lang niya nakasama. Pero napa-isip siya nang marinig niya ang antas ng mga droog na ngayon ay kasama niya dahil sa kahilingan sa ahensya na lagpas sa sampung misyon na may limang bituin na antas ang natatapos. Ang ibig sabihin lang ay marami nang mahihirap na misyon na pinag-daanan ang dalawa na ito, dahil kung pagbabasehan niya sa kanilang tatlo nila Daphrok at Swoops ay si Swoops ang may pinaka-maraming natapos na misyon na may limang bituin ang antas sa bilang na pito.

Kung tutuusin ay mahirap talagang makakuha nang misyon na may antas na limang bituin lalo pa kung galing ka lang sa mga maliliit na bayan, pero magka-ganun pa man ay kailangan mo munang makatapos ng apatnapung ordinaryong misyon bago ka malagay at mai-konsidera para mapayagan na mapasama sa grupo na maaaring magtrabaho ng misyon na may limang bituin ang antas. At kahit na ikaw ay naka-tapos na nang apatnapung misyon ay may mga ibang mga misyon na may kasamang iba pang kahilingan, kagaya na lang ngayon sa tinanggap na trabaho nila Adeniji at Asklepios na suportahan siya sa kanyang misyon, kailangan ay nakatapos ka na ng mahigit sa sampung misyon na may limang bituin ang antas bago ka mai-konsidera.

Nakikinig lang sa kanila ang kasabay din nilang si Eldaro Horiath. Wala siyang ideya sa mga narinig niyang sinasabi nila Adeniji at Molt pero may parte sa kanyang kalooban na interesado siyang malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa klase ng pamumuhay at mga trabaho ng droog kagaya ng isa sa mga Heneral na kanyang iginagalang sa kanilang Kaharian na kaibigan ng kanyang Ama at lubos na pinagkakatiwalaan ni Haring Elgkari, si Heneral Geldan Cibari na dating droog bago nakilala nang Mahal na Hari at ginawang Kapitan ng hukbong sandatahan ng Glandulas hanggang sa tumaas ang katungkulan base na rin sa husay nito.

(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon