(Katanungan at Desisyon sa Bulwagan)
Kahit tigmak ng dugo at maraming sugat na tinamo sa katawan ay mabilis pa ring pinapatakbo ni Enarion ang kanyang kabayo upang makahabol at matulungan ang kaibigang si Daphrok para maprotektahan si Eldpati laban sa walong Lunix na humahabol sa kanila.
Napansin ni Daphrok na unti-unti nang nakakalapit ang walong Lunix na humahabol sa kanila dahil higit silang mabagal dahil mabigat magpatakbo ng kabayo habang iniingatan mo na huwag mahulog ang naghihingalong si Eldpati para sa isang kabalyero at para naman kay Daphrok na kung sa kanya lang ay magaan ang kanyang malaking maso pero hindi para sa kanyang kabayo.
Huminto si Daphrok maging ang isa pang kabalyero para harangin ang walong Lunix at para na rin makapag-patuloy ang kabalyero na may tangan kay Eldapti. Sa ginawa nilang pagharang gamit ang tarba ng tubig ni Daphrok ay napahinto nila ang anim na Lunix ngunit ang dalawa ay nakalampas at patuloy pa ring humahabol sa kabalyero at kay Eldpati.
Ang isang Lunix ay mabilis na tinapos ni Daphrok sa paglunod dito mula sa ginawa niyang maliit na lawa mula sa kanyang tarba. Ang isang kabalyero ay halos wala ring nagawa laban sa dalawang Lunix na kaharap nito maliban sa nagawa lang niyang mapilay ang isang paa ng isang Lunix at matapos niyon ay walang buhay din itong bumagsak dahil sa laki ng diperensya ng kakayahan ng mga Lunix kumpara sa mga ordinaryong mandirigma lamang. Ngunit sa ginawang pagtapos ng dalawang Lunix sa kabalyero ay nagawa rin agad ni Daphrok na makitlan ng buhay ang Lunix na napilay ang paa mula sa atake nang namatay na kabalyero.
At dahil bawat galaw ay may kapalit na kabayaran ay nagtamo rin ng saksak sa tagiliran si Daphrok kasabay nang paghampas niya ng malaking maso sa mukha ng Lunix na sumaksak sa kabalyero. Napa-atras si Daphrok at pilit na pinipigilan ang sarili na huwag mapaluhod dahil alam niyang sa oras na lumuhod siya ay mahihirapan na siyang makatayo para lumaban pa.
Ngayon hirap na siyang kalabanin ang natitirang tatlo na kaharap niya dahil sa kanyang gipit na sitwasyon. Hirap na siyang kumilos para labanan ang tatlong Lunix na ang isa ngayon ay tinadyakan pa siya ng walang kalaban-laban kaya napahiga siya at nabitawan niya sa kanyang ulunan ang kanyang maso. Ang dalawang Lunix ay naglalakad palapit sa kanya habang ang isa ay nasa bandang likuran lang ay mabagal din makalakad dahil sa tinamong malaking hiwa sa pagitan ng hita at binti sa likod ng tuhod na dulot ng talim ng espada nang kabalyero bago pa ito mamatay.
Ang unang Lunix na nakalapit kay Daphrok ay mabilis nasunog ang buong katawan nang mula sa likuran ay dumating si Enarion at nagpakawala nang malaking bola ng apoy. Hindi na huminto si Enarion para tulungan si Daphrok laban sa dalawa pang natitirang Lunix at mabilis na nilampasan ni Enarion ang kaibigan upang habulin ang dalawa pang Lunix na humahabol sa kabalyerong may tangan kay Eldpati.
Dahil sa gulat sa biglang pagkasunog ng kasamahan ay nawala ang atensyon ng isang Lunix na malapit sa kanya kaya naman kahit nanghihina ay pilit na kinuha ni Daphrok ang kanyang natitirang lakas upang madampot ang kanyang malaking maso na nakalapag sa damuhan sa kanyang ulunan at mabilis na hinampas ang magkabilang tuhod ng Lunix na nasa harapan kaya't agad na napilay at bumagsak ang Lunix sa kanyang harapan at sa isa pang mabilis na kilos ay nabasag ni Daphrok ang bungo nang Lunix na ito habang nakahiga sa isang malakas na hampas ng kanyang maso sa ulo nito.
BINABASA MO ANG
(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)
AventuraRead Book I - Huling Kasaysayan (Gintong Palay) before reading this Book II. Matapos mailigtas ni Enarion Berenor si Andrea del Amita ay akala niya ay duon na magtatapos ang hirap, ngunit imbes na kasagutan ay maraming katanungan pa ang naging kapal...