KABANATA XXVII

38 2 0
                                    

                                             (ALAMAT NG KAHAPON)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                             (ALAMAT NG KAHAPON)


Habang patuloy ang maigting na labanan sa ilalim nang maulap na gabi ay malaki rin ang tensyon sa kampo ng Kaharian nang Antrim. Ang isa ay malakas ang boses habang naka-hawak sa kanyang espada na naka-tusok sa lupa habang ang isa naman na bagama't hindi nakabunot sa sariling espada ay mahigpit din ang pagkakahawak dito na naka-handa ring bunutin ano mang oras hilingin ng pagkakataon.

"Naghahanap lamang iyan nang pagkakataon para iligtas ang kanyang sarili." Galit at malakas na sabi ni Heneral Karas habang nasa gitna at nakikinig si Haring Zelmos, kasama pa ang iba pang mga Heneral sa kanilang ginagawang biglaang pagpupulong sa kasagsagan ng digmaan. "Halata namang nababahag na ang buntot nitong si Lucas kaya gusto tayong iwanan sa sitwasyon nating kinakaharap ngayon."

"Matagal akong naglingkod sa iyo at kahit na isang beses ay hindi kita binigo," sagot ni Heneral Lucas na naka-bantay sa kapwa Heneral. "Sa huling pagkakataon ay hihilingin ko sa iyo na muli mo akong pagkatiwalaan sa importanteng bagay na nais kong gawin."

"At ano pa ba ang mas importanteng dapat gawin nang isang Heneral sa ganitong sitwasyon kundi ang samahan ang kanyang mga kawal sa pakikipag-laban at pagtatanggol sa sariling bayan." Muling sagot ni Heneral Karas na ipinupunto ang walang iwanan sa oras nang kagipitan. "Imbes nang umaalis ka ay dapat nanduon ka sa gitna nang labanan upang palakasin ang loob ng mga kasamahan natin na unti-unti nang pinang-hihinaan ng mga kalooban. Mismong ang Hari natin ang pumupunta sa gitna ng labanan tapos ikaw naman ang aalis? Ni hindi mo nga kayang sabihin kung saan ka pupunta at ano ang nilalaman ng utak mo. Dahil hindi talaga ako maka-isip nang mas importanteng lugar kung saan dapat naroroon ang isang Heneral kung hindi duon kung saan nangyayari ang tunay na labanan."

"Hindi ko kayo iniwan nuon at sa maraming pagkakataon ay itinaya ko ang aking buhay para sa iyo kasama ni Heneral Karas." Muling sabi ni Heneral Lucas na ngayon ay naka-luhod ang isang tuhod sa harapan ni Haring Zelmos bilang tanda nang katapatan at pagpapa-kumbaba. "Kapag ako ay nabigo sa aking balakin, babalik ako dito sa inyong harapan upang ipaputol ang aking ulo sa inyong kautusan."

"Karuwagan!!!!" sigaw ni Heneral Karas. "Isang malaking karuwagan, hindi magandang ehemplo ang ipinapakita mong halimbawa sa harapan nang iyong mga tauhan at lalo na sa ating Hari. Dapat ngayon pa lang ay pugutan ka na nang ulo."

Matapos makapag-salita ni Heneral Karas ay mabilis nitong binunot ang espada na nakatusok sa lupa at direktang hihiwain ang ulo ng kapwa Heneral, habang si Heneral Lucas naman na bagama't nakaluhod ay nabunot at nailabas na rin niya ang sariling espada na handa na ring itarak sa lalamunan at ibaon sa ulo ni Heneral Karas. Ang mga Kapitan ng dalawang Heneral na sina Skolras, Ripan, Tux at Roe ay naka-handa na ring sumagupa sa isa't-isa upang tulungan ang kani-kanilang mga Heneral.

Ngunit bago pa man mangyari ang malagim na sagupaan at pagdanak nang dugo at pagkakawatak-watak mula sa kanilang sariling kampo ay maagap na napigilan ni Haring Zelmos ang kanyang dalawang matapat na Heneral at nasangga niya ang mga espada nang dalawang Heneral gamit ang kanyang sariling espada. Ang pagtayo ng Hari ay kapwa ikina-gulat nang dalawang Heneral at apat na Kapitan, ang anim ay natigilan at ngayon ay naka-luhod na sa harapan nang kanilang Hari.

(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon