Read Book I - Huling Kasaysayan (Gintong Palay) before reading this Book II.
Matapos mailigtas ni Enarion Berenor si Andrea del Amita ay akala niya ay duon na magtatapos ang hirap, ngunit imbes na kasagutan ay maraming katanungan pa ang naging kapal...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Pangako nang Buhay"
"Hindi natin makakamit ang inaasam nating tunay na kapayapaan kung ang namumuno sa atin ay isang mahinang Hari!" sabi ng isang Heneral sa kanyang mga kawal na pinamumunuan nang kanyang pinagkakatiwalaang dalawang masunuring mga Kapitan. "Hindi na ako papayag na manatiling mahina ang kaharian na ito at patuloy na magbuwis nang buhay ang ating mga magigiting na mga sundalo na walang inaasahang tagumpay!!!!"
"Tama!!!! Tama!!!!" sigawan ng nasa humigit kumulang na limang libong mga kawal na naka-handa na sa nagbabadyang pag-aaklas.
"Kaya tayo patuloy na nagagapi at hindi nagtatagumpay sa matagal na digmaan na ito ay dahil walang tapang ang naka-upo sa trono!" patuloy na mainit na salita ng isang Heneral. "Marami nang pamilya ang nawalan nang Ama at anak sa digmaan na ito at marami na ang nagugutom sa buong kaharian! Kailangan nating patuloy na palakasin ang ating pwersang pandigma upang matutunan nang ibang kaharian kung paano tayo dapat galangin at diyan lamang natin makakamit ang ating hinahanap na tunay na kapayapaan, kapag wala nang kahit na sinong kaharian ang magnanais na lumaban sa atin. Iyan ang aking pangako sa inyo ibibigay ko sa inyo ang kapayapaan. Iyan ang aking Tungkulin at Sumpa sa inyo!"
"Tungkulin at Sumpa!!!! Tungkulin at Sumpa!!!!" muling sigawan ng mga kawal bilang pagbubunyi at pagpupugay sa kanilang Heneral.
Pagbabalik tanaw nila Tux Tilros at Roe Gorvus sa isa sa pinaka-mahalagang araw na nangyari sa kasaysayan ng kanilang kaharian.
"Nakahanda na ang lahat at oras na para isakatuparan ang huling bahagi ng preparasyon." Sabi ni Roe Gorvus habang kausap si Tux Tilros.
"Dadalawin natin ang ating mga kaibigan para kamustahin." Sabi naman ni Tux kay Roe habang kapwa sila nakatayo sa balkonahe at tinatanaw ang sampung grupo ng mga Lunix na palabas sa garison ng Palasyo. Ang bawat grupo ay isang dosenang Lunix.
"Masyado nang malakas ang pwersa ng Batlaya sa katawan ng Prinsesa, at hindi magtatagal ay makukumpleto na ang lahat." Sabi naman uli ni Roe na ngayon ay kasabay ni Tux na naglalakad pababa sa hagdanan upang lumabas sa palasyo. "Hindi natin hahayaan na mabalewala ang lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo na ibinigay natin nang mahabang panahon, dahil ang kapangyarihan nang Batlaya ang susi para sa kabutihan ng buong Nustardia kaya kailangan nating isakripisyo ang Prinsesa."
"Ang lahat ng mga Navirleh ay kailangan maubos maliban kay Prinsesa Andrea upang wala nang masaniban pang iba ang Batlaya." Sabi naman ni Tux. "Kailangan na lamang natin makuha si Prinsesa Andrea at siguraduhing makukumpleto ang ritwal na pagsanib sa kanya. Nagkakamali sila kung inaakala nila na Hiyas ng Disyerto at Hiyas ng Karagatan lamang ang nasa kamay natin at nasa kanilang pangangalaga ang Hiyas ng Kagubatan."
"Ang bawat hiyas ay may kakambal at nakuha natin ang Hiyas ng Kagubatan sa Lupain ng Latre." Bahagyang nakangiti na sabi ni Roe. "Ngayong kumpleto na ang mga hiyas ay si Prinsesa Andrea na lamang ang kulang. At sa eksaktong oras na mabuo ang pagsanib ng Batlaya sa kanyang katawan at sa oras na matapos ang ritwal ay iaalay natin sa Bathala ang Korona na gawa sa Tatlong batong hiyas upang tanggapin ng Bathala na tayo ay handang maglingkod sa kanya at maibigay sa atin ang ilang kahilingan."