KABANATA XXIV

81 3 0
                                        

                                                            (Kwatog)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                            (Kwatog)


Bago pa man tuluyang mabatak ni Lupo ang lubid para mapalapit sa kanya ang misteryosong lalaki ay agad siyang natigilan nang makaramdam siya nang isang matulis na bagay na naka-tutok sa kanyang lalamunan at sa kanyang pakiramdam ay bahagyang nahiwa ng manipis ang balat niya duon dahil sa dugong pumatak sa kanyang palad na nasalat niya.

"Kapag hindi mo tinanggal ang patalim na iyan sa leeg ko ay tutuluyan ko ang inyong pinuno." Matapang na utos ni Lupo sa lalaking may hawak na patalim na nakatayo sa kanang bahagi niya na hindi niya nakikita dahil sa dilim nang paligid. Bahagya niyang pinahigpit ang pagkaka-palupot nang lubid sa katawan nang lalaking bihag niya kaya napa-sigaw ito. "Hindi ako nagbibiro, nasa akin ang bentahe sa sitwasyong ito. Kaya't tanggalin mo na ang patalim na iyan at tinitiyak kong walang mangyayaring masama sa pinuno ninyo."

"Paano ka nakakatiyak na ang bihag mo sa iyong lubid ay ang taong pakay mo?" bigkas nang lalaking may patalim na ikina-gulat ni Lupo nang marinig ang boses ng lalaki dahil bagama't sobrang dilim ngayon sa loob ng taberna dahil sa kawalan nang ilaw at hindi sila nagkaka-kitaan ng mukha ay natatandaan naman niya ang boses na kanyang narinig.

"Hindi ka pa rin talaga natuto nuong unang beses kang nagpunta dito, alanganin ang posisyon mo nuon pero mas malala ang sitwasyon mo ngayon. Sa ganitong klase nang pagkilos na hindi mo pinag-iisapan ng maigi ay marami sa mga kasamahan mo ang nagbuwis nang kanilang mga buhay at magpapa-tuloy pa sa darating na mga araw, buwan at taon na mapapa-laban kayo. Inaakala mo ba na mahuhulog ako sa napaka-babaw mong patibong? Maganda ang naiisip mong paraan at ang isang ordinaryong tao, Lunix o maging ang ilang droog ay pwedeng mabiktima ng naiisip mong paraan, pero masyado mong minamaliit ang kakayahan ko. Hindi kita masisisi kung minaliit mo ako dahil hindi mo ako lubos na kilala, ngunit isang malaking kahangalan ang tumungo sa isang labanan na hindi mo lubos na alam ang tunay na kakayahan at lakas nang iyong katunggali at lalo na ay kung hindi mo alam kung ano ang mga kaya nitong gawin sa iyo sa gitna nang labanan."

"Paano mo nalaman ang gagawin ko?" tanong ni Lupo. "Isang bagay lang, hindi ko nais ang makipag-laban sa iyo. Nagpunta ako dito para kausapin ka at imbitahin na sumama sa aming grupo, kailangan namin nang taong kagaya mo para maging malaki ang tsansa ng grupo na mapag-tagumpayan ang aming layunin. Ibibigay ko sa iyo ang pagka-pinuno nang samahan kung iyan ang paraan para pumayag ka.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin mo, Lupo. Ang alam ko lang ay matagal mo na akong hinahanap at hindi ko alam kung ano ang dahilan mo. Bago sumuong sa isang labanan, ang pinaka-unang ginagawa ay kung papaanong makakakuha nang malaking bentahe sa katunggali, kailangan nang masusing preparasyon at pagkilala sa lakas at kahinaan nang iyong kalaban at ang isa sa pinaka-epektibong paraan para maka-lamang ay ang paraan nang panlilinlang at paggawa nang walang butas na estratehiya." Sagot ng lalaki. "Iisang pwesto ang palagi mong inuupuan dito kapag inaabangan mo ako at alam ko ring natandaan mo kung paano ako manamit kaya umupa ako nang isang tao para magpanggap na ako at kinagat mo naman ang pain ko."

(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon