Read Book I - Huling Kasaysayan (Gintong Palay) before reading this Book II.
Matapos mailigtas ni Enarion Berenor si Andrea del Amita ay akala niya ay duon na magtatapos ang hirap, ngunit imbes na kasagutan ay maraming katanungan pa ang naging kapal...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Apoy ng Pag-asa"
Nakatali pa rin ang barko pero anumang oras ay naka-handa na ang walong mandaragat sa utos ni Kapitan Darius kung anong oras nito sasabihin na pakawalan ang mga tali.
Makaraan ang sampung minuto ay namataan na nila ang dalawang mandaragat na naatasan ni Darius na sumundo sa probisyon nila na mga pagkain, kasunod nang mga nakataling dalawampu at tatlong kabayo ay nakasakay ang dalawang mandaragat sa katamtamang laki ng karuwahe na naglalaman ng kanilang probisyon na pagkain, at pagdating sa tapat ng barko ay mabilis na nagsipag-kilos ang sampung mandaragat upang maisampa ang mga kabayo paakyat sa barko at isinunod nilang pagtulungan na iakyat ang lahat ng pagkain na nasa loob nang karuwahe papasok sa barko, nagmamadali ang lahat na napansin naman nila Enarion kaya tumulong na rin silang apat. Napapahinto sila Swoops sa ginagawang pagtulong dahil may mga magkaka-hiwalay na mahinang pagsabog at pagliliyab sa kalayuan.
Ilang sandali matapos mai-karga sa barko ang huling kahon ng pagkain ay agad ding tinanggal ng mga mandaragat sa pagkakatali ang barko at unti-unti nang kumakalas ang barko at sa hindi kalayuan ay parating na ang tatlong droog na sina Afolabi, Dagogo at Ebi na hinahabol ng maraming armadong kalalakihan. Nakapag-tataka para kila Daphrok na habang tumatakas ang tatlong droog sa mga armadong kalalakihan ay hindi gumagamit ng tarba ang tatlong droog kahit na bilang pang-depensa lamang at ang kanilang mga suot na abrigo ay hindi nila hinahayaang matanggal mula sa pagkaka-talukbong sa kanilang mga ulo para hindi sila makilala.
Pagdating sa dagat ay magkaka-sabay na tumalon at sumisid ang tatlong droog at hinabol naman ang tatlong ito nang maraming mga sibat at pana.
Madilim pa nang mga oras na iyon, dalawang oras at kalahati makalipas ang hating-gabi. Pag-layo ng barko sa pantalan ay mabilis na pinatay ng mga mandaragat ang lahat ng ilaw sa barko sa kautusan ni Kapitan Darius at hindi pina-andar ang makina.
"Ilaglag ang lubid sa pabor!!!!" sigaw ni Kapitan Darius na mabilis namang sinunod ng mga mandaragat.
Ang makapal na tali ng barko ay naka-sayad na ngayon sa kaliwang bahagi ng barko at naka-hinto ang barko. Tahimik ang lahat at halos walang kumikilos at pigil ang paghinga ngunit mabilis ang tibok ng mga puso. Ang desisyon ni Darius na patayin ang lahat ng ilaw ng barko ay hindi upang hindi makita ang kanilang barko dahil kahit malayo ay makikita pa rin naman ito ng kahit sino dahil sa liwanag na dulot ng buwan at sumasalamin pa sa karagatan, pinatay ang lahat nang ilaw ng barko upang kahit papaano ay hindi makilala ng kahit na sino ang kanyang barko nang sa gayun ay hindi ito maideklarang kaaway ng kaharian ng Cetus.
Walang maliliit na bangka sa pantalan kaya kampante rin si Kapitan Darius na pansamantalang patayin ang makina ng barko at sandaling huminto sa parteng hindi kalayuan ngunit sapat lang para hindi sila maabot ng mga pana at sibat.
"Bira!!!!" muling sigaw ni Darius nang makitang naka-sampa na sa barko ang tatlong droog na kanilang hinihintay. Ang lubid na nakalalaylay sa dagat na ginamit ng tatlong droog para maka-akyat sa barko ay nabira na kaya't hindi na nag-aksaya pa nang segundo si Kapitan Darius at agad na ipinag-utos ang pag-andar nang makina at siya na mismo ang nag-timon upang masiguro na mabilis nilang maiiwan ang lugar at matiyak na hindi papaling ang barko na makikilala ito sa gitna ng kadiliman.