KABANATA XXXXV

21 4 0
                                        

              KABANATA XXXXV (23)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KABANATA XXXXV (23)

Huling Pagkikita.... Muling Pagkikita....

Sa sakit na kanyang naramdaman sa kanyang tagiliran ay sandali siyang napayuko, at nang i-angat niya ang kanyang mukha ay isang malakas na sipa sa kanyang kaliwang panga ang tumama galing kay Enig na nagpa-talsik sa kanya sa kanyang kinatatayuan. Gumulong nang maka-ilang ulit bago mapasandal sa malaking poste at nabitawan pa niya ang kanyang malaking panangga sa kanyang pagtalsik.

Muling nilusob ni Enirwen si Enig at mabilis silang nagpalitan nang mga atake, ang espada ni Enig laban sa mahabang sibat na bakal ni Enirwen. Kahit na nanghihina at dehado sa labanan ay walang mababanaag na pagsuko sa mukha at resolba ni Enirwen na sinanay sa pakikipag-laban sa ilalim ni Heneral Preylan nang Kaharian nang Resinde. Sa tagpong ito ay sumabay na rin nang paglusob si Kapitan Eldaro, ngunit kahit na ganun pa man ay nahihirapan pa rin silang dalawa na mapasok ang matibay na depensa ni Enig lalo pa at mas matindi ang mga tinamo nilang mga sugat kumpara sa iniinda ni Enig na mga sugat.

Ang mga matutulis na bakal na pinapakawalan ni Enig ay nagtatalsikan sa iba't-ibang direksyon sa tuwing tatama sa malaking panangga ni Kapitan Eldaro, at sa tuwing magkakalapit sila ni Enig ay nagagawang makuryente si Enig dahil sa bumabalot na malakas na boltahe nang kuryente sa kalasag ni Kapitan Eldaro, at sa tuwing pansamantalang mapapahinto si Enig ay siya namang eksaktong tatama ang mahabang sibat na bakal ni Enirwen sa katawan ni Enig. Ang kanilang pinagsabay na kombinasyon na atake ay unti-unti nang nagkakaroon nang epekto sa mga kilos at depensa ni Enig na ngayon ay naka-luhod at naka-tukod ang dalawang kamay sa lupang kanyang kinabagsakan habang tumutulo ang mga dugo sa kanyang kilay at sa kanyang labi, bakas sa kanyang mukha ang sakit na dinaranas dahil maging ang kanyang kaliwang mata ay kulay pula na rin sa mga namumuong dugo sa mga ugat nito.

Muling tumakbo nang mabilis si Enirwen upang hindi na bigyan nang pagkakataon pang makatayo si Enig, ngunit sa kanyang mabilis na pagtakbo ay may napansin si Kapitan Eldaro na kakaiba sa pagtitig nang mata ni Enig, kaya naman mabilis niyang hinabol si Enirwen. Nang malapit nang mahawakan ni Kapitan Eldaro si Enirwen na seryoso at determinadong mabilis na malusob si Enig ay biglang naglaho sa paningin ni Kapitan Eldaro si Enirwen kaya pansamantala siyang napahinto at tumingin sa kanyang palibot at kung saan naroroon si Enig dahil alam niyang kay Enig ang tungo ni Enirwen, at kagaya ni Enig ay may ideya na rin si Eldaro kung paano hanapin si Enirwen at ito ay sa pamamagitan nang pagmamatyag sa bakas nang paa na maiiwan ni Enirwen sa kanyang pagtapak sa lupa.

Nang isang sandali na makita ni Eldaro na mapako ang paningin ni Enig sa isang bahagi nang lupa na tiyak na kakatapak lamang ni Enirwen at ito ay dalawang dipa na lamang ang layo sa kinaluluhuran ni Enig ay alam na ni Enig kung saan susunod na aatake si Enirwen at iyon din ang naging palatandaan ni Eldaro kaya naman mailis niyang sinunggaban ang lugar kung saan nanduon si Enirwen at hindi nga siya nagkamali dahil nagawa niyang mayakap si Enirwen at mabilis silang nakatalon si ibang pwesto, nagulat man si Enirwen at nakita niya na mula sa ilalim nang lupang kanyang naunang tinapakan ay naglabasan ang madaming matutulis na bakal na sana ay tatamang lahat sa kanyang katawan at dahil nga sa ginawa ni Kapitan Eldaro ay nailigtas siya sa tiyak na kapahamakan. Ngunit hindi pa tapos ang tagpong iyon dahil ang mga matutulis na bakal na hindi tumama sa kanyang katawan ay nagawang mautusan ni Enig na habulin sila sa kanilang kinatatayuan, kaya naman ang malaking kalasag ni Kapitan Eldaro ay ginamit niya upang maging panangga at harangin lahat nang matutulis na bakal na ngayon ay tumamang lahat sa kanyang kalasag.
Dahil na rin sa ang kalasag ni Kapitan Eldaro ay mas malaki pa sa isang tao at kayang ikubli ang dalawa hanggang tao kung titignan mo ang lapad ay kampante siyang walang makakalusot na kahit na isang bakal na pinakawalan si Enig, mararamdaman mo ang yanig sa bawat pagtatama nang mga matutulis na bakal sa kalasag ni Eldaro at sa sobrang lakas ay makikita mo sa kanyang katawan ang malakas na pagpigil. Sa ilang segundo na ito ay nakatitig lamang si Kapitan Eldaro sa kagandahan nang mukha ni Enirwen na nang mapansin ang pagkakatitig sa kanya nang Kapitan nang kalabang Kaharian ay biglang namula ang kanyang pisngi kaya naman mabilis niyang iniwas ang kanyang mga mata.

(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon