KABANATA XXIII

274 3 0
                                    

                                                                      (Kulog)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                                      (Kulog)


Taon 132

"Lahat nang maaaring mapakinabangan! At lahat nang maaaring maibenta ay limasin!" sigaw ng batang pinuno habang isinisilid sa malaking sisidlan ang mga kasangkapang gawa sa pilak. "Hanggat kasya sa lalagyan at hanggat kaya nating buhatin ay dadalhin natin."

"Lupo!!!!" sigaw ng isang bandido, patungkol sa batang pinuno. "Mayroong apat na Lunix sa malaking silid, mga sugatan na at wala nang kalaban-laban. Ano ang gusto mong gawin namin sa kanila? Huhulihin ba natin sila nang buhay at ipatutubos sa Emerald? Malaking halaga rin ang makukuha natin kapalit ng apat na Lunix na yan."

Walang matitirang buhay sa hanay nang ating mga kalaban." Sagot ni Lupo na pansamantalang huminto sa ginagawang pangungulimbat, at ngayon ay nakaharap sa kasamahan na nagsisiga ang mga mata. "Tutubusin nang Emerald ang apat na Lunix ng ating buhay at dugo. Walang kapalit na maaaring isukli ang Emerald kundi pighati at kasawian, tanging dahas ang dapat na itumbas sa bawat kasamaan na kanilang dulot. Tapusin na ang apat na Lunix at hindi na tayo magtatagal pa dito. Dadalhin natin ang mga kasamahan nating nasawi upang mabigyan nang marangal na libing."

Mabilis na tumalima ang bandido sa kautusan ni Lupo.

Si Lupo ang batang pinuno ng mga bandidong tinawag niyang KULOG. Isang samahan na binuo niya limang taon na ang nakakaraan, nuong siya ay desi-otso pa lamang. Nagsimula sa limang miyembro na siya at ang apat niyang mga kaibigan ay nabuo ang kanilang grupo na ang tanging layunin lamang ay maghanap ng kayamanan o mga pagkain upang maitulong sa mga nagugutom niyang kabaryo, sa malawak na lupain ng Kaharian nang Lastre.

Sa loob nang limang taon, ang grupo ng KULOG ay mayroon nang aabot sa animnapung miyembro na puro kabataan. At sila ay tumutulong na suportahan at pakainin ang apat na bayan na naghihirap.

Ang kaharian ng Lastre ay mayroong dalawampu at dalawang bayan. At sa loob ng isang taon ay labing isang buwan dito ay walang tigil ang pag-ulan, magkaganuon pa man ang mga pangkabuhayan dito ay kontrolado ng Emerald. Isa ang lupain na ito sa pinag-tutuunan nang pansin ng Emerald, sapagkat sagana ito sa iba't-ibang likas na kayamanan.

At dahil sa ganitong sitwasyon kaya't napili ni Lupo na maging isang bandido upang makatulong sa nakararaming tao. Sila ay nagnanakaw ng mga likas na yaman mula sa mga kabundukan na dapat ay napapakinabangan at tinatamasa nang lahat, nang malaya at walang nagbabawal. Paminsan-minsan ay nagagawa ring pasukin at looban ng grupo ang imbakan ng Emerald, ngunit pinag-bubuwisan naman ito nang buhay ng karamihan sa kanilang mga kasapi, dahil sa ang mga imbakan ay gwardyado ng mga Lunix.

"Kailan ka ba titigil sa ginagawa mo Lupo?" tanong ni Chona. "Sobra akong natatakot sa mga ginagawa ninyo, sa mga plano mo at sa mga maaaring mangyari sa grupo ninyo tuwing kayo ay may operasyon. Ayaw kong mapapahamak kayo, at lalung-lalo ka na Lupo."

(COMPLETE) Huling Kasaysayan Series BOOK II (Karugtong ng Isang Buhay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon