{ Queen aiko and devi's love story }
Third Person's POV ;
Tuwang tuwa na tumatakbo papatakas ang prinsesa paalis sa palasyo habang ito ay tumatawa sakanyang sarili habang hawak ang hood nito na nagtatakip sakanyang suot at itsura.
"Habulin nyo! Bilis! Mapapagalitan nanaman tayo sa hari!" Sigaw ng isang royal knight na isang personal na knight ng prinsesa. Inutusan nya ang mga kasama nyang holy knight na hanapin ang prinsesa na humalo na sa madaming tao sa capital.
Tuwang tuwa na tumingin sa paligid ang prinsesa habang tumitingin sa mga kakaibang bagay na ang iilan ay hindi nya pa alam o nalalaman para saan ito. Katulad ng pagkain na iniluluto sa isang tindahan na tinitignan ng maraming tao. Na wirduhan ang prinsesa dahil sa paraan kung paano ito lutuin.
Ngunit dumaretso lang ang prinsesa sa pupuntahan nito. Nagpatuloy ito sa pagtakbo papunta sa Virgin river upang makipaglaro sakanyang kaibigan na sirena doon.
"Bleh! Hindi niyo ko mahahabol" Sabi ng prinsesa sa sarili tyaka ito natawa kaunti. Sa kakatakbo nito napunta na ito sa gubat at natigil sya sandali sa kakatakbo at nakahawak sa tuhod tyaka hinigal.
"aaaaaaaaaaAaaAAAaa!! Lumayo ka saken!! Tulong!" Sigaw ng batang lalaki na kasing edad o mas matanda pa sa prinsesa. Agad naalerto ang prinsesa at lumapit kung saan nanggagaling ang sigaw.
Nakita ng prinsesa na si aiko ang lalaki na may hawak na stick at pilit pinapalayo ang isang ahas na malaki at gusto syang katakihin.
"Judgement of light" Sabi ng prinsesa sa skill nito tyaka agad may lumabas na kulay puti at nag goglow na patusok sa paligid ng prinsesa at agad nya itong pinatama sa ahas na namatay agad.
Skill : judgement of light - a glowing light shaped as sharp blades of light that can strike at the target at the will of the user.
Light Magic - rare magic attribute that allows the user to generate and manipulate light.
Tumawa ang prinsesa sa itsura ng lalaki na sinisipon na kakaiyak na tumingin sakanya ng masama.
"Tinitingin tingin mo dyan ha?!" Tanong ng lalaki sa prinsesa na lalong tawa sa itsura ng lalaki na tumayo habang nagpupunas ng sipon at luha.
"HAHAHAHAHA!! Ang panget mo!" Sabi ng prinsesa tyaka hinampas hampas pa sa braso ang lalaki sa kakatawa nito. "Hahahah!! Lakas ng loob mo ha?! Ikaw na nga niligtas"
"H-hindi ko naman sinabing iligtas m-moko!" Inis na sabi ng lalaki sabay alis sa kamay ng prinsesa na nasa braso nito.
"Asus sumisigaw ka nga 'tulongg tulongg'---pffttt!!" Sabi ng prinsesa na ginaya pa kung papaano sumigaw ang lalaki kanina. "Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ng prinsesa sa lalaki na nakabusangot.
"D-devi"
"Gusto mo sumama saakin? May ipapakita ako sayong magandang lugar devi" Sabi ni aiko tyaka nya hinila si devi na hindi pa nakakapayag o salita kat aiko.
"S-sandali lang! Kaya ko tumakbo mag-isa" Sabi ni devi kaya natigil silang dalawa sa pagtakbo.
"Pero gusto 'kong hawakan ang kamay mo" Sabi ni aiko na nagpapula sa pisngi ni devi. "Isa lang kasi ang kaibigan ko.. ngayon dalawa na" Sabi ni aiko tyaka ito tumawa kaunti tyaka nginitian si devi na wala nang nasabi dahil ang puso nya ay tumitibok ng sobrang bilis.
Hinigpitan ni aiko ang paghawak nya sa kamay ni devi tyaka sila tumakbo ulit.
Maya maya pa ay narating nila ang enchanted forest na puno ng fog na kulay puti. "B-bawal pumunta dito" Sabi ni devi na pinigilan si aiko sa pagdaretso sa loob.
"Magtiwala ka, maganda ang pupuntahan natin" Sabi ni aiko na pinagkatiwalaan agad ni devi. Pagpasok nila sa enchanted forest sa una ay wala silang makita dahil sa makapal na fog sa paligid. "Aiko nga pala"
"Ano?"
"Sabi ko aiko ang pangalan ko" Sabi ni aiko sabay pinuno ni aiko ang mga spaces between sa fingers nila ni devi. Lalong namula si devi dahil sa way na paghahawakan ng kamay nila ngayon.
"S-salamat kanina...aiko"
To be continue...
YOU ARE READING
Dancing With The Devil { LIGHT SERIES #2 }
FantasíaDancing On Broken Glass : ⚠️BOOK TWO⚠️ ✧ Light Series #2 ✧ After the bloody and painful fight of the LIGHT guild with lucifero who's one of the unholy trinity. Aeston left the LIGHT with his heart filled with pain and sorrow. Now that Aeston's mind...
