Levi's POV ;
"Ang light guild ay buhay pa! Napaka kapal ng mga mukha na bumalik pa rito sa nucleus"
"Ayon dito sa dyaryo nasa north daw sila at nakikipag laban, inaatake nila ang vampire realm!!"
"Dapat talaga sakanila ay namatay nalang!!"
"Subukan nilang pumunta rito papatayin ko sila! Ninakaw nila ang prinsesa ng ating kaharian!"
Napatakip ako saaking tenga sa mga taong nagbabasa ng newspaper na kakalabas lang. Lahat sila ay mali wala silang alam.
Pero ang misyon ko ngayon ay hanapin ang kapangyarihan ng reyna. Ngayon ay abala ang light guild na makipaglaban sa northern kingdom. Hindi pwe-pwedeng relax relax lang ako rito.
Maraming sabi sabi na mayroong isang magic portal na nandirito sa maliit na village na ito. Kailangan 'kong malaman kung totoo nga ito. Sabi ni junko saakin na isang malapit na servant ng reyna ay nararamdaman daw ng reyna ang kanyang kapangyarihan sa virgin water.
Pero ang virgin water ay isang mito at sabi sabi lamang pwede rin itong sabihing isang kwento kwento lang. Kung naramdaman ng reyna ang kanyang magic sa virgin water ibig sabihin ay totoo ang virgin river at hindi kwento kwento lamang.
"Uhh pwedeng magtanong?" Tanong ko sa isang lalaking magsasaka.
"Oo naman!"
"May malapit bang tubig o isang river o pond rito?" Tanong ko sakanya na napailing agad habang nag iisip.
"Walang kahit anong river o kung ano man rito na malaking parte ng tubig... Pero merong balon" Sabi nya tyaka sya tumuro sa isang well water.
"Sige po salamat" Sabi ko tyaka yumuko sakanya kaunti. Napahawak ako saaking sword tyaka nagpatuloy sa paglalakad. Halos ang ilan ay napapatingin saakin dahil saaking armor bilang isang holy knight. Mataas ang aking ranggo dahil saaking kapangyarihan dahil may dugo akong isang royal. Azia is my favourite cousin and tita aiko is so nice. I'll help them with all my heart.
Pagkarating ko sa balon sumilip ako sa baba. Hinila ko ang balde at tinanggal ang armor at sword ko. Nagdala lamang ako ng maliit na kutsilyo. tyaka na nagsimulang umakyat sa wall ng balon para humanda ng tumalon pababa.
"H-hoy! Anong ginagawa mo!" Tawag saakin ng matandang lalaki na napadaan. Napangiti ako ng nakakaloko tyaka sumaludo sakanya at tumalon na.
Hinawakan ko ang ilong ko tyaka pagbagsak ko sa ilalim ay sinubukan kong huminga sa ilalim ng tubig. Dahil ang virgin wate raw eh safe na paghingahan ng isang tao. Napa ngiti ako ng sobra noong makahinga ako kahit nasa lalim ng tubig. Napatingin ako sa paligid at puno ito ng mga isda na color orange, white, silver, gold. Ang ilalim ng well ay parang isang buong dagat. Sobrang lawak at hindi nakakatakot dahil sa iba't ibang klaseng kulay na ilaw sa iba't ibang lugar.
May mga magagandang mga tubig halaman rin at malulusog ang mga isda rito may nga ginto rin sa ilalim napaka dami. Ngunit napukaw ng aking atensyon talaga ay ang isang isda na napakalaki. Sya ang pinaka malaki kesa sa lahat. Sya ay may kulay na purple, pink, light blue, white, a little gold and white. Halo halo ang kulay nito na nagpaganda rito. Napakaganda din ng buntot nito dahil makulay at maganda talaga.
"A-ahh-ehh-ihh-ohhh-wow! Pwede akong magsalita!" Sabi ko sa sarili tyaka gumawa ng kakaunting sayaw dahil sa saya.
At dahil kakaiba ang isdang malaki ay sya agad ang aking pinuntahan. Baka nasakanya ang magic ng reyna.
Napahinto ako sa paglanggoy nang paglapit ko sa isdang malaki ay may biglang gumalaw sa binabantayan nitong lupa. Isang napakalaking clam ang lumitaw mula sa buhangin at lupa. Ito ay shiny at kulay light pink.
"Woah" Sabi ko sa sarili habang hindi mapigilan ang pag ngiti.
"Anong ginagawa mo rito????" Biglang nagsalita ang malaking isda na nagbabantay sa clam.
"Uhh--may hinahanap ako--"
"Sinusubukan mo bang nakawin ang pearl ko?!" Sabi nya tyaka sya humarang sa clam pinipigilan akong pumunta roon. Hindi naman ako pumupunta doon eh ano ba isdang malaki (╥﹏╥)
"Hindii! Teka may pangalan kaba?" Tanong ko.
"Ohh! My name is yvara" Sabi nya tyaka ako napangiti.
"Magandang pangalan" She's a girl fish.
"May hinahanap ako, ang kapangyarihan ng reyna ng avalor kingdom...sabi nila narito daw iyon" Sabi ko sakanya na lalong humarang sa clam.
"Nacurse ako at kailangan 'kong bantayan at huwang ipanakaw itong pearl na nasa loob ng clam na ito...kunin mona lahat ng ginto rito ngunit wag lang ito.... Kung hindii--"
"Kung hindi ano?"
"Hindi na ako makakabalik sa tunay kong anyo" Sabi nya tyaka sya nagmukhang malungkot.
"Baka iyan talaga yung hinahanap ko?" Sabi ko sakanya na nagmukhang galit saakin. Maya maya pa ay may biglang circle water barrier na pumalibot saakin. Sinubukan kong hawakan ngunit hindi ako makakalabas rito.
Yun ang akala nya.
"Wag..na wag kang lalapit dito" Sabi nya ng seryoso.
Natawa ako kaunti tyaka hinawi ang aking kamay na nagpaalis sa barrier na nilagay nya. Nagulat ito.
"I'm levi, I'm a royalty" Sabi ko tyaka sya tumingin ng masama saakin.
"Tss..royals..i have royalties" Sabi nya tyaka sya umaksyon na kakagatin ako. "I despise them the most" Sabi nya tyaka ko tinaas ang both hands ko tyaka natawa.
"Chill, I'm not a bad guy"
YOU ARE READING
Dancing With The Devil { LIGHT SERIES #2 }
FantasyDancing On Broken Glass : ⚠️BOOK TWO⚠️ ✧ Light Series #2 ✧ After the bloody and painful fight of the LIGHT guild with lucifero who's one of the unholy trinity. Aeston left the LIGHT with his heart filled with pain and sorrow. Now that Aeston's mind...