1

141 4 5
                                    

Shonn Bevin Barrios

01:46 PM

Shonn Bevin:

Tropa

Busangot na naman ang mukha mo

Anong problema?

Ano pa ba?

Birthday daw ni Die-An An 😊

Buni, alipunga at hadhad 😂😂😂

Teka paano mo nalaman na nakasimangot ako?

Shonn Bevin:

Uy wag mo ganyanin

Kapatid mo pa rin yan

Nandito ako sa pwesto ni Bossing

Kitang-kita ko yung mukha mong makapal ang pulbos

Nabibwisit ako sa iyo Bevin

Baka hindi kita matantiya dyan

Shonn Bevin:

Hahahahahahaha

Chill tropa

Masama ang masyadong high blood

Baka magka atake ka sa puso

Naiinis ako tropa

Mabait naman akong ate ha

Inaasikaso ko pa yung babaitang yun

Pero sobrang ilap sa amin

Parang tanga

Laging may sariling mundo

Shonn Bevin:

Alam mo intindihin mo na lang

Ikaw ang mas nakakatanda

Tsaka alam mo naman na hindi sa inyo lumaki ang kapatid mong si Yanyan

Natural lang na maiilang sa iyo yun

Bakit siya maiilang?

Tsaka kaya nga ako gumagawa ng paraan para kausapin niya ko

Kaya ko siya kinukulit para mawala pagkailang niya sa akin

Shonn Bevin:

Miss sabihin ko lang sa iyo ha

Di lahat makakapag-adjust agad agad

Magta-tatlong taon na siya sa amin?

Kamusta naman yun sir?

Shonn Bevin:

Oo nga

Pero 15 years ng buhay niyo yung nawala sa inyo

Di lahat ng tao tatanggapin ang pagiging makulit mo miss

Okay sir

Ikaw na po tama sir

Salamat na lang po sa lahat sir

Ako yung kaibigan mo pero mas kinakampihan mo pa yung iba sir

Awts gege sir

Shonn Bevin:

HAHAHAHAHAHA

Wag ka na magmukmok dyan

Lika na kumain na lang tayo

Siomai rice ba na may kasamang black gulaman at apat na kwek kwek?

Shonn Bevin:

Oo na po

May kasama pang orange popsicle kasi nakalimutan mo sabihin

Bilisan mo na

Thank you tropa! 🥰🥰🥰

The best ka talaga

Shonn Bevin:

At nang-uto pa talaga si ma'am

Akala mo naman di magpapalibre

May reklamo ka ba?!

Nagrereklamo ka sir?!

Shonn Bevin:

Di po ma'am

Tara na po kain na po tayo para makabalik po tayo dito agad

Ganyan dapat sir!

Real Sisters Trilogy: The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon