Gabriella Serene Real
07:08 PM
ATE!!!
Pansinin mo ko ate
Ate Gab
Yuhooo!!!
Gabriella Serene:
Ano ba, Mavis Colleen?
Para kang tanga
Nandito lang ako sa katabing kwarto.
Bumaba ka na kakain na tayo
Sige po
Wait lang ate may sasabihin ako eh
Gabriella Serene:
Ano?
Sorry 😭😭😭
Gabriella Serene:
Bakit ka nagsosorry sa akin?
Wala ka namang ginagawang masama?
Uminom ako ate eh
Kahit hindi sadya
Nasa trabaho ako
Dapat responsable ako.
Dapat hindi ko pinairal yung pagkaisip bata ko
Gabriella Serene:
Alam mo naman pala eh
Ate akala ko ba hindi ka galit?
Bakit parang pasimple ka lang na manenermon
Gabriella Serene:
Hindi ah
Matanda ka na Avi
Alam mo na kung ano ang tama at mali
Alam mo kung ano ang dapat at hindi
Matuto ka sa mga nagawa mong pagkakamali
Mabuti na lang si Julian ang boss mo.
Mabuti na lang mabait at mabuting tao ang boss mo.
Paano kung masisante ka? Paano kung manyakis yun at pagsamantalahan ka?
Isipin mo nga, Avi.
Buhat ka ni Julian mula opisina niyo. Palabas sa sasakyan niya. Hanggang pag-uwi dito. Si Julian mismo ang nagbuhat sayo papasok ng kwarto mo.
Avi kung ibang tao yan, mamaya itapon ka na lang sa kalye.
Hindi kita pinagbabawalan uminom. Kung gusto mo sige. Basta siguraduhin mong kaya mo pa rin ang sarili mo pagkatapos.
Hindi yung hindi ka na nga manginginom, tutungga ka basta basta ng alak. Ano? Hilong-hilo ka 'no?
Ate naman 🥺
Gabriella Serene:
Bilisan mo na
Bumaba ka na at kakain na tayo
Tawagin mo si papa
Opo ate
Thank you ate
Gabriella Serene:
Kanina sorry ngayon thank you?
Eh ate wait lang moment ko to 🙄
Thank you ate Gab
Thank you kasi palagi kang nandyan para sa akin
Thankful din naman ako kay Dianne kahit impakta yun
Tsaka syempre kay papa
Pero ikaw, lagi kang strikto. Lagi kang nakabantay. Lagi kang nakasita sa akin.
Minsan nga mas takot pa ko sayo kaysa kay papa 😂😂😂
Gabriella Serene:
🙄🙄🙄
May sasabihin ka pa?
Mahal kita ate
Hindi ko man nasasabi sayo madalas pero mahal kita
Gabriella Serene:
Napakaarte mo
Komedyante ka di bagay sayo drama
Maghain ka dun
Ate nahihilo pa ko???
May hangover 🥺🥺🥺
Baka pwedeng si yan-yan na lang? 👉🏻👈🏻
Gabriella Serene:
Iinom inom tas di makapaghain?
Ikaw maghain tapos tawagin mo si papa
Bilisan mo Mavis Colleen
Oo na ate
Ang sungit mo na naman
Meron ka 'no?
Gabriella Serene:
😠😠😠
Joke!!!
Joke lang ate
Labyu hehe
😘❤️❤️❤️
Seen. 07:23 pm
![](https://img.wattpad.com/cover/268636161-288-k796349.jpg)
BINABASA MO ANG
Real Sisters Trilogy: The Second Best
Romance"Sige, Mavis. Pangalawa ka na naman? Lagi na lang." ×××××××××××××××××××××× Kapag sinabi mong second best, si Mavis Colleen ang unang-una na papasok sa isip mo. Kung hindi ba naman talaga sobrang mapagbiro ng tadhana, lagi na lang siyang number two...