25

26 3 2
                                    

Juan Agustin Real

06:57 PM

Papa ang sakit ng ulo ko

Juan Agustin:

Musta ang anak ko

Buti maaga ka nagising

Kapag tinamaan ng hangover na ganyan kadalasan ay inaabot na ng kinabukasan bago magising

Hangover?

Hindi naman ako umiinom papa

Juan Agustin:

Alam ko naman anak

Alam din ng ate mo

Kaya nga hindi siya nagalit bagkus pinagtawanan ka niya

Si ate Gab?

Luh bakit kayo natawa

Juan Agustin:

Anak ang pagsusungit sa susunod ay ilugar mo ha

Masyadong mainit ang ulo mo

Nangunguha ka ng baso na hindi iyo

Pa 😭😭😭

Hindi kita maintindihan

Ano bang sinasabi mo?

Juan Agustin:

Aba eh inihatid ka ni Julian dito

Buhat buhat ka akala ng ate mo ay ano na ang nangyari sa iyo

Malaman laman namin kay Julian tinungga mo ang vodka niya

Bakit siya iinom ng vodka nasa trabaho kami papa?

Isusumbong ko yan si Dionisio sa HR

Juan Agustin:

Sobrang sungit mo kasi kay Julian anak

Wala kang alam doon sa tao

High school pa lang kayo ay ibinibili na ni Mareng Lilia ng vodka yun si Julian

Kapag sobrang lalim ng iniisip nung bata ay dinadala pa ni Lilia sa ospital yun

Isang beses pinagtripan ng pinsan pinainom ng alak

Ayun mas matipid pala kapag nakakainom

Hindi ko alam yan papa

Wala akong kinalaman sa alak alak na yan

Juan Agustin:

Wala ka nga alam kaya nga nalasing ka nak hahaha

Papa bakit mo ko pinagtatawanan

Juan Agustin:

Ikaw kasi nak

Ano bang iniisip mo at bigla kang tumutungga ng inuming hindi iyo

Di ko alam papa

Ang huling naaalala ko pinagalitan ko si Megan kasi kinuha yung baso ko

Nilagay niya pa yung yelo ko tas pinasok niya daw sa office ni Case

Juan Agustin:

Haha nakakatawa ka talaga nak

Ikaw talagang bata ka lagi mo kong napapasaya

Kahit hindi ako magaling papa?

Juan Agustin:

Ano bang sinasabi mo?

Syempre magaling ka

Ikaw ang pinakamagaling sa lahat

Anak yata kita

Papa 😭😭😭

Pa sorry kasi lagi na lang akong second honor

Sorry kasi hindi ko kayang maging top 1

Juan Agustin:

Anak hindi mo kailangan maging honor

Makatapos ka lang ng pag-aaral ayos na sa akin

Napagtapos ko kayo ng ate mo

Tapos si Yanyan malapit na rin

Yun lang ang mahalaga sa akin anak

Magkaroon kayo ng magandang edukasyon

Pa 😭😭😭

Thank you papa

Juan Agustin:

Alam mo naman na mahal na mahal ko kayo

Kayo ng mga kapatid mo

Lahat gagawin ko masiguro ko lang na maganda ang magiging buhay niyong tatlo

Pagkatapos nun kahit mawala na ko ayos lang sa akin

Pa ang pangit mo magsalita

Anong mawala? Hindi ka pa mawawala

Juan Agustin:

Hindi pa naman talaga nak

Mag-asawa muna kayo ng ate Gab mo

Kayo na bahala sa magiging asawa ni Yanyan

Bakit ganon hihintayin mo yung amin tas yung kay Yanyan hindi?

Juan Agustin:

Kasi alam kong hindi niyo pababayaan ang kapatid niyo

Alam kong kahit mawala ako gagabayan at dadamayan niyo ang isa't-isa

Sus pa

Impakta nga yun si Yanyan

Nabibwisit talaga ko pag tinatarayan ako nun

Juan Agustin:

Haha oo na nak

Impakta na si yanyan

Pero mahal ka nun Colleen

Mahal ka ng kapatid mo

Talaga lang ah?

Seen. 07:36 pm

Real Sisters Trilogy: The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon