"Kuya Shonn, may naiisip ka na bang pwede nating gawin kay Ate?" tanong ni Dianne kay Bevin nang dumating ang binata matapos nilang mag-usap ni Avi sa chat. Malakas ang kutob niyang may problema ang ate niya, at hindi ito tungkol sa kanya. Sa loob ng limang taon, ngayon niya lang nakitang balisa si Avi. Lagi itong masigla. Madalas itong maging honor dahil magaling itong mag-balanse ng oras sa pagre-review sa lahat ng subject nito nang hindi nawawalan ng oras para pasiyahin sila ng mga papa niya.
Kanina, habang kausap niya ito ay bigla na lamang itong natulala. Tinanong niya ito pero hindi naman ito nagsalita. Hindi na sana niya ito kukulitin pero ng mag-chat ito sa kanya ay bumalik ang paghihinala sa kanya. May ibang iniisip ang ate niya.
"Malay ko, Yan. Magagalit 'yon. Bakit hindi mo na lang tanungin?"
"Tingin mo ba, Kuya, hindi ko pa 'yan ginawa? Tinanong ko na si ate kanina. Hindi naman siya nagsalita. Tapos nag-chat siya sa akin. Sabi niya pinapaamin mo siya." napahinto si Dianne. Oo nga, may alam si Bevin. "Oo nga pala. Pinapaamin mo siya. Ibig sabihin may alam ka. Curious ako. Ano 'yon?"
"Wala 'yon—"
"Wag mong sabihin na wala kasi alam kong mayroon. Magsi-sinungaling ka pa ba sa akin, Kuya?"
"Tungkol lang 'yon kay Dionisio." nagkibit-balikat si Bevin. Hinampas ito ni Dianne sa braso dahil naghihintay pa siya ng karugtong sa sasabihin nito pero tikom na ang bibig nitong tumingin sa kanya. Umarte pa na parang sinasarhan ang bibig na parang nagsasara ng zipper. "Aray naman, Yan-yan."
"Ang ingay niyong dalawa. Ano bang pinag-uusapan ninyo? Natutulog si papa." biglang dumating si Gab. Nakaramdam ng pagka-ilang ang dalawa dahil masyado silang malapit sa isa't-isa. Dahan-dahan silang naglayo. Si Dianne ang bumasag sa katahimikang bumalot sa kanilang tatlo. "Si ate Avi kasi, ate. Parang may something sa kanya."
"Anong something? Loka-loka lang talaga 'yon." sagot ni Gab.
"Hindi, ate. Sabi ni Kuya Shonn tungkol daw kay Kuya Julian."
"Yan-yan!" sita ni Bevin. Napatingin ito kay Gab na nakataas ang kilay sa kanya. "Wala akong sinabi. Hanggang doon lang sinabi ko sa kanya."
"Hala! May alam kayo pareho?" tumayo si Dianne at naka-pameywang na humarap sa mga ito. "Ang daya niyo! Walang nagsabi sa akin, bakit hindi ko alam?"
"Matagal na namin napapansin na may gusto si Julian kay Avi. Ang sinasabi ko lang sa 'yo, baka... baka lang naman. Baka may gusto na rin ate mo kay Julian kaya hindi siya mapakali." paliwanag ni Bevin kay Dianne.
"Ah, 'sus! Hinalikan na nga siya ni Kuya Julian. Ano pang inaarte niya?" wala sa loob na pagsasabi ni Dianne.
"Hinalikan ni Julian si Avi?!" sabay na pasigaw na sabi ng dalawa. Napahawak si Dianne sa bibig niya, sabay hampas.
Sorry, ate. Hindi ko sinasadya. Nadulas lang ako.
"Anong alam mo, Yan-yan. Magsalita ka na." hindi iyon patanong. Seryoso ang mukha ni Gab kaya biglang natakot siya. Hindi mahigpit sa kanya si Gab kaya naman mas natakot siya na parang gusto siya nitong pagalitan sa nasabi niya. Tiyak na magagalit ang Ate Avi niya sa kanya kapag nalaman nito na nasabi niya iyon kay Gab. Baka hindi lang sabunot ang abutin niya.
"Ate... magagalit si Ate Avi."
"Galit ni Avi o galit ni Gab? Mamili ka, Yan." parang nang-aasar pa si Bevin sa reaksyon nito. Gustong burahin ni Dianne ang pang-aasar sa mukha nito. Bigla namang tumikhim ang ate Gab niya kaya bumaling siya dito. Isang tingin lang ng ate niya ay nasabi na niya lahat ng nalalaman niya.
Ah, mas takot pa rin pala ko kay Ate Gab. Sorry, Ate Avi!
"Alam ko na kung paano mapapa-amin si Avi." nagkatinginan sina Dianne at Bevin. Si Gab? Sumasakay sa plano nila? "Ganito ang gagawin niyo."
BINABASA MO ANG
Real Sisters Trilogy: The Second Best
Romance"Sige, Mavis. Pangalawa ka na naman? Lagi na lang." ×××××××××××××××××××××× Kapag sinabi mong second best, si Mavis Colleen ang unang-una na papasok sa isip mo. Kung hindi ba naman talaga sobrang mapagbiro ng tadhana, lagi na lang siyang number two...