“Welcome to the team, Ms. Real.”
Ngayon ang unang araw niya sa trabaho. Tinawagan siya ng hiring manager ng Kalmer Inc. dalawang araw matapos ang graduation niya. Ito ang pinasukan niyang kumpanya noong nag-OJT siya. Dahil walang mapasukan noon at nagsisimula na lahat ng kaklase niya, sinubukan niyang mag-apply sa Kalmer Inc. Wala siyang nilagay na posisyon sa interview. Ang sabi niya, kailangan niya lang matapos ang working hours niya para hindi siya mahirapang grumaduate.
Pinalad naman siyang mapapunta sa opisina ni Mr. Teodoro. Ang finance director ng Kalmer Inc. Napag-alaman ni Mavis na kaka-file lang ng maternity leave ng dating sekretarya ni Mr. Teodoro kaya naghahanap talaga ito ng magiging sekretarya sa loob ng apat na buwan. Tatlong buwan lang ang kailangan niyang bunuin sa OJT niya pero tinanggap pa rin niya ang posisyong inalok sa kanya ni Mr. Teodoro. Bonus na rin na may allowance siya sa pagta-trabaho dito dahil may kahirapan daw ang trabahong ibibigay nito sa kanya.
Matapos siyang ma-interview ay pinag-report na agad siya sa opisina para mag-asikaso ng requirements niya. Ngayon nga, matapos ang dalawang linggo ay magsisimula na siya sa trabaho bilang Executive Assistant sa head ng Multimedia Department. Nalungkot si Avi ng malaman na hindi siya sa opisina ni Mr. Teodoro mapupunta na agad namang napawi ng makita na ito rin ang makakaharap niya sa final interview niya.
“Thank you po, sir.” Matapos ang mahabang kamustahan at briefing sa magiging bagong trabaho at posisyon niya, nagpaalam na sa kanya si Mr. Teodoro para bumalik sa trabaho nito. Kakamayan na sana niya ito nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking pinakaayaw niya sanang makita hanggang sa kahuli-hulihang hininga niya. Walang iba kundi si Julian Case Dionisio. “Mr. Dionisio.”
Ano ba naman 'yan? Sa dami naman ng pwedeng sumulpot talaga. Itong lalaking 'to na naman ang makikita ko. At sa first day of work ko pa talaga!
“Hello, Mr. Teodoro. Ms. Real, it's good to see you here.”
“Magkakilala kayo?”
“Yes.”
“No.” nagkatinginan sila ni Julian. Napangisi ito sa sagot niya. Tiyak siya ang maiipit sa pagsagot niya ng hindi.
“Really, Ms. Real?” nakangiting tanong ni Mr. Teodoro. “Actually, tamang-tama ang dating mo, Dionisio. Ms. Real here is your new team member. Tutal magkakilala naman kayo, ikaw na ang maglibot sa kanya sa buong opisina.”
“No problem, Mr. Teodoro. Ako na po ang bahala kay Mavis.”
“Sir?” maang pagtanggi sana ni Avi ngunit kitang-kita niya ang kakaibang ngiti sa kanya ng dating boss niya habang palipat-lipat ang tingin sa kanya at sa halimaw na nakatayo sa bandang likuran niya.
Nagulat siya ng paglingon niya ay nakatayo na ito sa likuran niya at akmang aakbay sa kanya. Inirapan niya ito kaya mabilis na umatras ang binata habang nakaangat ang kamay bago ipinasok sa likurang bulsa ng pantalon nito. Unang araw pa lang ay minamalas na siya. Pwede kayang maghanap ng ibang maglilibot sa kanya? “Let's go, Mavis. I'll orient you with our workplace ituturo ko na rin sa iyo ang mga magiging trabaho mo bilang assistant ko.”
“Assistant nino?” alam niyang masyadong eksaherada ang reaksyon niya dahil narinig niya ang sabay na pagtawa nito at ni Mr. Teodoro.
“Assistant ko, Mavis.”
“Ms. Real, Julian Dionisio is Kalmer Inc's Multimedia brain. Kasabay mo siyang nag-ojt dito noon. You will be working for him starting today.”
“Sir, wala na bang open na posisyon sa office niyo? Kahit taga-timpla mo na lang ng kape, sir?”
Nagtawanan ang dalawang lalaki. Akala yata ng mga ito ay nagbibiro siya. Hindi alam ng mga ito, kulang na lang umiyak siya. Hinding-hindi siya sasama kay Case. Over her dead gorgeous body!
“Real, nakikinig ka ba?”
Bigla siyang napatingin kay Case. Oo, kinain niya rin lahat ng sinabi niya. Sumama pa rin siya dito. Wala naman kasi siyang choice. Pinagtulakan siya ni Mr. Teodoro. At bilang bagong pasok, natural lang naman na makisama siya. Kahit na ba ayaw niya sa makakasama niya.
“May sinasabi ka?” puno ng kaplastikan niyang tanong dito. “Sorry, may iniisip lang ako.”
“Ang sabi ko, you'll be working for me. Sa ayaw at sa gusto mo, makakasama mo ko most of the day... every single day. Kaya tigilan mo na 'yong kabubulong mo dyan. Naririnig ko naman.”
“Pinagsasasabi mo? Wala naman akong binubulong? Baka may demonyong nabulong sa 'yo. Baka 'yon ang naririnig mo. Tinatawag ka lang siguro ng ka-uri mo.”
“Ano ba talagang problema mo sa akin, Real? Bakit ba ang laki ng galit mo sa akin? Dahil pa rin ba 'to sa scholarship natin?” napataas ang kilay niya sa sinabi nito. Ang scholarship na binanggit nito ay ang makukuha sana niya noong Grade 4 siya.
Sumali siya sa Science quiz bee para sa full scholarship grant na magagamit sana niya pagpasok niya sa susunod na taon. Ang kaso, natalo siya nito ng isang puntos. Kung akala ni Avi ay ito ang huling pagtatapat nila ay nagkakamali siya. Doon pa lang nagsimula ang kamalasan niya.
Noong graduation nila, si Case ang itinanghal na Valedictorian. Samantala, siya naman ang naging Salutatorian. Tulad noong sa quiz bee, isang puntos lang ang itinaas ng grade sa kanya ni Case. Maging noong nag-high school sila ay lagi silang nagkakatapat. Hindi na nga sila mag-kaklase pero sa huli, silang dalawa pa rin ang naglalaban sa deliberation kung sino ang magiging valedictorian at salutatorian pagdating ng pagtatapos ng taon.
“Scholarship? Saksak mo sa baga mo 'yong mga awards mo. Hindi na tayo estudyante, Dionisio. Tigilan mo ko.”
“You used to call me Case, Avi. What went wrong?”
“Ang drama, ah? Kung maka-arte akala mo may relasyon.” huli na bago napagtanto ni Avi ang sinabi niya. Gusto niyang burahin ang ngisi sa mga mukha nito pero hindi niya magawa. Halatang pinagtatawanan siya nito sa mga sinabi niya.
Anong katangahan ba 'yon, girl? Baka isipin pa n'yan gusto mo siya, pagkausap niya sa sarili.
Wala ba talaga? Sure ka ba?
“May gusto ka sa akin, Real?” base sa ngisi sa napakagwapong mukha nito, malamang namumula ang buong mukha niya sa sobrang pagkapahiya.
Avi, ano na? Anong gwapo? Okay ka pa ba?
“Saan ka kaya humuhugot ng kapal ng mukha, Dionisio? Kinikilabutan ako sa kayabangan mo.”
“Kinikilabutan o kinikilig? Tingin ko 'yong pangalawa.” lumakad na ito palayo sa kanya.
Grabe naman 'yang likod na 'yan. Bakit ang sexy naman?
“Real!” puta, nakita pa yata nitong tinititigan niya ito habang nakatalikod sa kanya.
“Ingatan mo 'yang puso mo. Baka lalo kang ma-in love sa akin. I might not be there to catch you... pero promise, I'm worth the fall.”
Yabang talaga ng bwisit! Ang sarap yakapin ng mahigpit... sa leeg! Hanggang sa hindi na siya makahinga.
Bwisit ka, Dionisio! Makakabawi rin ako sa pagkapahiya ko sa 'yo ngayon. Tignan mo lang. Sa akin pa rin ang huling halakhak. Bwisit ka! Bakit ang bango mo umaabot dito?
BINABASA MO ANG
Real Sisters Trilogy: The Second Best
Romance"Sige, Mavis. Pangalawa ka na naman? Lagi na lang." ×××××××××××××××××××××× Kapag sinabi mong second best, si Mavis Colleen ang unang-una na papasok sa isip mo. Kung hindi ba naman talaga sobrang mapagbiro ng tadhana, lagi na lang siyang number two...